-Chapter 19-

702 35 3
                                    



Unexpected reunion 



Abigail is a genius, She really does a great job. Muntik ko pang hindi makilala ang sarili ko. Form make-up, hair and  the dress sobrang saya ko sa kinalabasan ng ginawa nya. This is what I want medyo nagulat ako sa hair ko pero bumagay naman sa akin. 



"Go get them, Ma'am Miracle." Nakangiting sabi sa akin ni Abigail bago ako lumabas ng salon nya. 



Nakangiti akong nag-dadrive papunta sa mansyon nila Damon, I can't wait to see his reaction. Sa totoo lang hindi ko alam 'yung pumasok sa isip ko 'nung sinabi ko kay Emma ang balak ko, I don't usually dress like this pero mukhang mapapadalas dahil bagay naman pala sa akin. Maybe I should change my hair color to permanent blonde? Spray hair color lang kasi 'to.



Pagkadating ko sa gate nila Damon madami nang-kalat na security chineck muna nila ang kotse ko at hiningan ng i.d, sa mismong harap ng bahay nila Damon ako nag-park may valet naman sila kaya sa kanila ko na pina-park. Pagkapasok ko nakita ko agad sila Rico sa entrance sila ang mag-checheck ng mga visitors, strictly invitation only kasi 'to hindi pwede mag-papasok kapag walang mapakitang invitation. 



"Woah Ma'am Miracle! Is that you?" Pinalinutan ako ng mga employees ko. 



"Yes this is me." Natatwa kong sagot, napanganga pa 'yung iba kaya isa isa ko silang sinampal ng mahina sa pisngi. "Go back to work 'wag nyo kong dumugin." Pinuri muna nila ako bago bumalik sa pwesto at syempre si Rico hindi umalis sa tabi ko. 



"Wowers namern ma'am! Pahiram naman nyan seductive dress mo gagamitin ko sa date namin ni jowabels para matulaley sa beauty ko." Natatawa ako naka-rica mode nanaman sya. 



"Sige after this bibigay ko sayo." Kahit imposibleng masuot nya, malaki kasi katawan ni Rico kaya hindi mapag-iisipan na bakla. 



"Nako ma'am thank you nga pala at hindi nyo ako nilagay sa loob baka kasi tuluyan na akong suntukin ni Sir Cordova eh."  Last week kasi habang nag-aappoint ako ng task agad na ako inunahan ni Rico gusto daw nya 'yung malayo kay Damon 'yung hindi daw sya makikita kaya sa entrance ko sya inassign para hindi sila magkita ni Damon. 



"Wala 'yun basta kayo na bahala dyan. Pasok lang ako sa loob." Pumunta na ako main hall kung saan gaganapin ang program chineck ko lahat mula sa decors, dtage, tables and chairs buti na lang at walang problema. 



Pumunta ako sa food station para i-check kung nandito na si Aiden papunta pa lang daw sabi 'nung isa nyang staff. Hindi ko na sya hinintay at pumuntang second floor para tignan sila Damon. As usual may security nanaman sa hagdan paakyat sa second floor. 

The Seven Deadly Sins (SEASON 3)Where stories live. Discover now