-Chapter 39-

698 32 4
                                    



Vivian 



"He has a freaking what?!" Sigaw sa akin ni kuya. Nasa condo siya ngayon, naabutan pa nga niya sila Damon at as usual nag-away na naman sila kaya pinaalis ko muna sila para walang gulong mangyari. 


Pagkatapos nang nangyari kanina natahimik kaming lahat sa sinabi ni Aiden, he's not wrong masama ang ginagawa namin ni Damon, kahit sabihin ko na wala kaming relasyon kailangan pa rin namin ng distansya sa isa't isa, nakalimutan na nga namin na may Vivian pa pala sa buhay ni Damon. 


Wala kaming relasyon ni Damon 'yun ang totoo pero alam ko sa sarili ko na kapag nagpatuloy ang ginagawa sa akin ni Damon ay bibigay ako lalo na alam ko na ang katotohanan ng pag-alis niya. Ayokong maging unfair kay Vivian, kapwa ko siyang babae alam ko kung gaano kasakit na mas maraming oras sa akin si Damon. 


"Fiancee kuya." sagot ko sa kaniya habang inaayos ang kalat sa condo ko. Na-kwento ko na kasi kay kuya 'yun, nakalimutan ko wala pala siyang alam na may 'Vivian' Ang alam lang niya bumalik na si Damon. 


Mas may kasalanan pa nga si kuya kay Vivian dahil siya ngayon ang nililigawan ni Damon, labas ako 'dun. 


"That fucker! Lalandiin ka niya tapos may sabit pala siya?!" Galit niyang sigaw. Inirapan ko siya. 


"Kuya ikaw ang sabit niya, sino ba ang nililigawan? 'Di ba ikaw?" Bigla siyang kinilabutan sa sinabi ko tapos sinamaan ako ng tingin. 


"Oh c'mon. Alam mong nang-aasar lang 'yan hayup na 'yan." Irita niyang sabi. "Layu layuan mo 'yan Cordova na 'yan baka sugudin ka pa ng fiancee niya. Miracle hindi ka kabi--" natigilan siya sa last niyang sinabi. Bumuntong hininga ako. "S-sorry." 


"I know kuya, mukha akong kabit pero hindi..." Yumuko ako bago ipagpatuloy ang sinasabi ko. "Hindi ako gagaya kay mama, nag-promise ako." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. 


"Hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin." Malambing niyang sabi sa akin. 


"Hay nako kuya. Okay lang ako ano ba." Tumawa ako para pagaanin ang sitwasyon. Alam kong nag-aalala siya pero kaya ko na ang sarili ko. Alam ko ang dapat kong gawin. "Aalis pala ako mamaya may pupuntahan lang." Paalam ko kay kuya.


Kumunot ang noo niya. "Saan? Kaya mo ba? Samahan kita gusto mo?" Sunod sunod niyang sabi. 


"Kaya ko na kuya at saka secret basta aalis ako ha." May pagtutol sa mukha niya pero wala din siyang nagawa kundi payagan ako. Kailangan ko din mapag-isa. 




"Ma, pa, kamusta na kayo?" Kausap ko sa lapida nila mama at papa na magkatabi na. Buti pumayag si tita na pagsamahin sila kahit alam kong masakit ang ginawa sa kaniya ni mama pinatawad niya 'to. 


Nandito ako sa sementeryo, ang tagal ko din sila hindi nadalawa medyo madumi na 'yung pwesto nila kaya nilinis ko 'yun at nilapag doon ang bulaklak na dala ko. Nakangiti akong nakatitig sa puntod nila . 

The Seven Deadly Sins (SEASON 3)Where stories live. Discover now