-Chapter 40-

701 35 3
                                    










Planning


"Wow, desperada much?" Inis na sabi ni Lucy.


"Grabe. Ginawa niya talaga 'yun, Mira?" Tanong ni Erin. Uminom muna ako ng juice bago sila sagutin.


"Yup."


"So? Anong ginawa mo? Sinagot mo naman siguro." Tumingin silang dalawa sa akin at hinihintay ang sagot ko.


"Nag-set ako ng appointment namin." Bigla silang natulala sa sinagot ko sa kanila, halatang iba ang sagot na inaasahan nilang marinig.


"Bait mo pa rin talaga Miracle." Singit ni Xander sa usapan namin.


"Very professional, that's right she's client you need to respect her." Pinalakpakan pa ako ng mahina ni Greg.


Bumuntong hininga ako, kinwento ko kasi sa kanila ang ginawa ni Vivian sa office ko kanina. Gulat na gulat sila nang i-kwento ko, kay Damon ko na lang dapat sasabihin 'yung nangyari pero nagkataon na sinundo nila ako sa shop kaya naabutan nila si Vivian na paalis. Hindi nga nila pinansin si Vivian at ganun din siya. Nandito kami sa Sacred Place, dito nila ako dinala at kinulit para i-kwento ang nangyari.


"May alam ba siya?" Seryosong tanong sa akin ni Aiden. Alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya.


"Ewan ko." Tanging sagot ko, kahit may pakiramdam ako na may alam na si Vivian. Ang nakakapagtaka lang paano niya nalaman?


"Gurl, kung ako sayo sinampal ko. Like sino ba siya? Rebound lang siya no." Inis na sabi ni Lucy. Una pa lang naman ayaw na talaga ni Lucy kay Vivian, iba daw pakiramdam niya sa babae.


But.. Rebound huh?


"May rebound bang tumatagal ng four years?" Tanong ni Aiden.


"Meron, siya. But Mira dapat talaga sinagot mo bastos eh! Grabe umaattitude si ate girl." Ngumiti na lang ako kay Lucy.


"May karapatan naman siya. She's the fiancee after all." Yun naman kasi ang totoo kahit sabihin ko na ako ang mahal ni Damon ex niya pa rin ako at siya pa rin ang nag-mamay-ari kay Damon.


At gaya nang napag-usapan namin ni Damon, ayusin o tapusin muna niya ang relasyon nila ni Vivian bago kami ulit magsalita. Sa tingin ko eh mahihirapan na siya lalo na sa inaakto ngayon ni Vivian.


"But.."


"Lucy stop. Miracle is right." Pag-suporta sa akin ni Aiden. Una palang alam ko ng tutol siyang balikan ko si Damon habang may Vivian pa.


"Soo bakit tayo nandito?" Pag-iiba ko ng topic baka ano pa kasing mangyari. Wala na din sa akin 'yung nangyari kanina, Vivian is not my priority right now.


"Nagpatawag ng meeting si captain, mag-paplano na daw." Sagot ni Damon. Napatango ako.


Ahh kaya pala. Nilabas ko ang cellphone ko at tinext si Baron kung mag-paplano na kami kailangan nandito si Baron may maitutulong din siya lalo na may mga impormasyon siyang nalaman.


"Eh nasan si Damon?" Tanong ko sa kanila, kanina pa kami nandito pero hanggang ngayon walang Damon na dumating.


"May meeting lang daw na tinapos, pero papunta na daw." Tumango lang ako.


Sasabihin ko ba kay Damon? Eh kahit hindi ko sabihin sure ako babanggitin ni Lucy 'yun. Naalala ko tuloy 'yung sinabi sa akin ni Damon, He just proposed to me, hindi man official 'yun pero sabi niya seryoso daw siya.


The Seven Deadly Sins (SEASON 3)Where stories live. Discover now