-Chapter 16-

682 27 4
                                    



Jealousy



"He's Jealous!" 



"What/Haaa?" Sabay namin sa sabi ni Ian. 



"Alam mo Michael kung ano ano talaga pinag-sasabi mo." Imposible sobrang imposible ang sinasabi nya. 



Si Damon mag-seselos? Bakit naman sya mag-seselos? 



"Look." Pinakita nya ulit 'yung pictures na nila Damon this time zinoom nya 'yung mukha ni Damon, binigyan ko sya ng nagtatakang tingin. 



"Anong meron?" Tanong ko. 



"Galit sya oh, tapos ang sama ng tingin nya sa akin." 



"That doesn't prove anything." Todo tanggi ko hindi naman kasi totoo. 



"Pictures don't lie, Miracle." Inirapan ko lang sya. 



"Well mukha naman talaga syang galit." Pinanlakihan ko ng mata si Ian gagatungan pa kasi!



"So what's the score between you two? Ex? Crush? Forbidden love?" Kulit pa sa akin ni Michael.



Tumama pa sya sa hula nya pero hindi ko sasabihin sa kanya na may nakaraan kami ni Damon never. 



"Nothing! Alam mo imbis na inaasar mo ako pa-amuhin mo 'yang client mo para matapos na tayo." Nag-simula na ako maglakad pabalik sa cottage agad naman silang sumunod sa akin. 



"Come on Miracle sabihin mo na kasi." Hindi ko sya pinansin napak-chismoso talaga ng lalaking 'to. "Ian ikaw alam mo?" 



"Not my story to tell." Imbis na manahimik mukhang lalo pang na-curious si Michael. 



"So there is a story."



"Shut up!" Natigil lang kamin sa pagkekwentuhan nang makabalik na kami sa cottage nasa labas sila Damon may tables and chairs kasi dito naka-upo sila 'dun at nilapitan namin. 



"I'm sorry Michael wala sa mood si Damon." Sabi ni Vivian tinignan ko si Damon na nakasalamin at nakaupo halata sa aura nya na wala talaga sya sa mood. 

The Seven Deadly Sins (SEASON 3)Where stories live. Discover now