-Chapter 37-

719 32 5
                                    










Truth





Parang gumuho ang buong mundo ko sa sinabi ni Damon, hindi ako makagalawa, wala akong maisip na sagot sa kanya. lalo pa yatang sumakit ang ulo ko sahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. Binabasa ko ang mukha nya kung nagsisinungaling ba siya o hindi pero wala akong makita kundi katotohanan, parang seryosong seryoso siya sa sinabi niya.





Lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko, Nanahimik lahat ng kasama namin sa kwarto pero bakas ang gulat sa mukha nila, kahit si Celeste na kanina pa umiiyak ay napatahimik niya, Si Callix na saktong sakto pagkapasok niya ay narinig niya si Damon.


Ano bang nangyayari? Gulong gulo na ang utak ko.





"W-What..?" 'yun na lang ang nasabi ko sa kanya.





"T-that;s not a good joke captain." Sabi ni Xander pero may bahid ng pagkainis ang boses niya. Sino bang hindi maiinis bigla siyang magsasabi ng ganoon kalaki na bagay.





"I'm telling the truth."  Umiling ako at umiwas ng tingin sa kanya. Ayaw kong maniwala pero sa inaakto ngayon ni Damon parang totoo talaga ang sinasabi niya.






"No. Sinasabi mo lang 'yan para patigilin ako sa mga plano ko. Hindi mo ko maloloko." Pilit akong kumakawala sa hawak niya pero dahil nanghihina ako hindi ko maalis ang kamay ko. Dinala niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan ng paulit ulit.





"I will never lie to you Miracle. Believe me." May tumulong luha sa mata ko.





Nagsasabi siya ng totoo, ang mga mata nya ay nagsasabi ng totoo. Sumakit ang puso ko, bakit sa amin nangyayari 'to.





"W-why?" at sunod sunod na tumulo ang luha ko. Kasabay 'nun ay narinig kong napamura si Xander at Aiden sabay sipa ng upuan. Naniwala na din sila kay Damon.





"I have no choice." nakayuko niyang sagot. May sakit sa boses niya habang sinasabi 'yun.





"Tangina naman captain!" Sigaw ni Aiden kay Damon. "Anong pinag-gagagawa mo?! Iniwan mo kami para makasali sa ten commandments?!" Nanatili lang nakayuko si Damon habang sinisigawan siya ni AIden.





Dati sisigawan niya pabalik si Aiden dahil sa pag-sigaw sa kanya pero ngayon wala siyang ginawa tinanggap niya lang 'yun at nanahimik.





"Muntik na nila ako mapatay! Ayaw mo akong ipaghiganti dahil kasapi ka pala nila. Wow lang!" Hinawakan ni Lucy si Xander kasi pasugod na ito kay Damon at sasaktan siya, ngayon ko lang nakita si Xander na galit kay Damon.





Kahit sila Greg at Callix masama ang pagkakatingin kay Damon parang nawala ang respeto nito sa kaniya. Si Greg sobrang laki ng respeto niya kay Damon pero ngayon tingin palang parang nawala na lahat ng respeto na iyon.





"Hindi ka ba magsasalita captain? I-explain mo naman sa amin." naiiyak na sabi ni Erin halatang nag-pipigil din siya ng galit.





"It's me who they want, kaya nila kayo ginugulo dahil sa akin." mahinang sabi ni Damon.





"Kaya sumama ka sa kanila?" Greg.





"Oo para hindi na nila kayo guluhin." Natawa ng mapait si Greg.





"Sa tingin mo ba hindi namin sila kaya? We're not weak captain you know that." Malamig na sabi ni Greg.





The Seven Deadly Sins (SEASON 3)Where stories live. Discover now