-Chapter 30-

804 36 3
                                    







Fucking ligaw part 2





Kanina pa ako gising pero hindi ako bumabangon mula sa pagkakahiga, nakatulala ako sa kisame ng kwarto ko, paulit ulit na naririnig ko sa utak ko ang boses ni Damon, 'yung seryoso nyang itsura habang nag-papaalam kay tita na liligawan nya si kuya. Sobrang nakakagulat at ang gulo talaga. Muntik pa akong himatayin pero pinigilan ko ang OA ko naman kung mangyayari 'yun.





Ang mas nakaka-baliw sineryoso talaga ni tita si Damon at pinayagan syang ligawan si kuya. Si kuya halos patayin sa tingin si Damon pero wala syang magawa dahil sinasaway sya ni tita. After nilang nag-usap pinauwi na ni tita sila Damon.





"Iho sa umaga ka manligaw, 'wag sa gabi."





At itong si Damon um-oo naman kay tita, napagalitan pa ni tita si kuya kasi narinig nya lahat ng mura sa bibig ni kuya hindi daw magandang gawin 'yun sa manliligaw sayang naman daw effort, Wala akong masabi sobrang weird ng nangyare pero kilala ko si Damon sure ako nang-aasar lang 'yon hindi nya sinseryoso si kuya.





"I want to prove something to him, ma'am."





Ano naman kaya 'yun? Sumasakit lang lalo ang ulo ko sa kagananpan. Tumayo na ako para bumaba at kumain i-checheck ko din si kuya kung okay pa sya sa porma nya kasi kagabi parang handa na syang i-umpog ulo nya sa pader, nakatulog kaya sya ng maayos?





"Ate Celia good morning." Bati ko sa katulong namin na busy sa pag-lilinis sa sala. Tapos na siguro sya mag-luto kaya dumiretso na ako sa kusina pero natigilan ako sa naabutan ko.





"Ahhhhhhhh!" Gulat na sigaw ko kay Damon. Oo si Damon nandito sa kusina ng bahay namin!


Pinasahan ko sya ng tingin, naka-apron sya may hawak na sandok at mukhang sya pa nag-luluto ng umagahan namin.





"Ma'am! Ano po nangyare? Bakit ka po nasigaw?" Bumaling ako kay ate Celia.





"Why is he here?"tanong ko sa kanya.





"Ay ma'am manliligaw po 'yan ni sir Emman 'diba? Pagluluto daw po nya ng breakfast si sir." Napa-nganga ako sa sinabi ni ate Celia at tumingin kay Damon. Hindi nya ako pinansin at pinagpatuloy nya ang pagluluto nya.





Seryoso ba sya?!





"O' Damon, good morning ang aga mo naman nanliligaw." Si tita na pumasok sa kusina at lumapit kay Damon, hindi man lang ba sya nagulat?





"Good morning ma'am, ang sabi nga nila the early bird catches the worm." Nakangiting sagot ni Damon kay tita.





Ahh ganon si tita pinapansin nya pero ako hindi? Kahapon pa nya ako ini-snob-- wait bakit ako nagagalit? Bakit ako naiinis? 'Diba nga dapat matuwa ako?





"A for effort ka iho. Sarapan mo ah para mapa-sagot mo na ang unico ijo ko." Wow supportive si tita kay Damon parang kahapon hihimatayin na sya sa kaganapan tapos ngayon back to normal na agad. "Miracle why are you still standing there? Let's eat may pa-sobra si Damon sa niluto nya." Wala sa sarili lumapit ako kay tita at umupo sa tabi nya.





"Here coffee for you ma'am and warm milk for you Miracle." Nakatitig lang ako sa gatas sa harap ko.





"So sweet ang swerte ng anak ko sayo." Sino bang anak tinutukoy mo tita?





Syempre si kuya sya ang nililigawan. Ang unfair ah ako hindi nya niligawan tapos si kuya niligawan nya? Bakla talaga siguro 'tong si Damon. Naka-simangot ako habang iniinom 'yung gatas na bigay nya. Ang unfair talaga.





The Seven Deadly Sins (SEASON 3)Onde histórias criam vida. Descubra agora