Bonus chapter

721 32 8
                                    


Since tomorrow is my birthday, Yey! This is my blowout for all of you! Thank you fo supporting me luvs. Stay safe ang Godbless you all! 

I miss the gang so ibalik na natin. College days pa nila 'to. 


This is just a bonus chapter, not related to the story proper. 

I have a new story entitled Finding Cinderella, check my profile and show me some love! Thank you! 


Miracle 


Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa ingay na narinig ko mula sa labas ng kwarto ko, hala pinasok yata ako ng magnanakaw! Mabilis akong tumayo at hindi na nag-abalang mag-suot ng tsinelas para tignan kung ano ang ingay sa labas. 


Dahan dahan at walang ingay ako nag-lakad palabas, sa kusina nang-gagaling ang ingay, nagtaka pa nga ako bakit naman sa kusina didiretso ang magnanakaw? Nagutom? Nang malapit na ako sa kusina ay gumapang ako para hindi nila ako agad makita. 


"Ano ba Cordova?! Ako nga ang magluluto ng itlog!" 


"The fuck Reyes? Gusto mong basagin ko 'yang itlog mo?" 


Cordova? Reyes? Teka si Kuya ba 'yun at si Damon? Nag-aaway? Tumayo na ako mula sa pag-gapang at nanlaki ang mata ko, si kuya nga at si Damon! Kasalukuyan silang nag-aagawan ng itlog, pareho silang nakatalikod at masyadong focus sa isa't isa. Ang cute nilang tignan pareho sila naka-pink na apron. 


"Eh kung ang itlog mo ang basagin ko?! Ako na sabi eh! Mamaya gayumahin mo pa kapatid ko!" Sigaw ni kuya sabay agaw ng itlog ni Damon. 


"Gayuma? I don't need that! Your sister is deeply inlove with me!" Mayabang na sabi ni damon at kuha naman ng itlog ni kuya. 


"Ang yabang! Lilipas din 'yan may magugustuhan din na iba ang kapatid ko ulol!" Agaw na naman ng itlog ni Damon. 


"Before that happens, I will kill that guy so Miracle won't leave me! Now give me back my egg and get the hell out!"


Nakaramadam ako ng awa sa itlog, kawawa naman at pinag-aagawan kunng ako ang itlog mas pipiliin ko na lang maluto o mabasag kesa pag-agawan ng dalawang lalaking isip bata. 


Bakit ba ang aga aga nilang nasa condo ko? Wala naman silang sinabi na pupunta dito nagulo tuloy ang payapa kong tulog. Kinamot ko ang ulo ko bago tumikhim, natigilan sila sa pag-aaway at automatic na ngumit 'nang makita ako. 


"Good morning, Angel!"


"Good monring, Baby sis!" Sabay nilang bati sa akin. Sinamaan pa nila ng tingin ang isa't isa dahil nagkasabay pa sila.


"Good morning kuya, Damon." Sagot ko sabay lapit sa kanila para hindi na matuloy ang away nila. 


Sabay na naman silang lumapit sa akin at pinaghila ako ng upuan, bumuntong hininga ako bago umupo. 

The Seven Deadly Sins (SEASON 3)Where stories live. Discover now