-Chapter 43-

816 35 14
                                    




Starting


"I am so nervous, have you seen Damon, Miracle?" Tanong ni Vivian sa kaniyang wedding organizer na nasa tabi lang niya, inaayusan siya ngayon dahil ilang oras na lang ay may kasalan 'nang magaganap.


"Damon is in his room Vivian, relax." Walang emosyon na sagot ni Miracle habang yakap yakap ang ipad niya at may tinitignan doon.


Binuksan ulit 'to ni Miracle, imbes na pictures ng venue ay cctv ito ng buong isla, sa daungan ng mga yate, sa entrance ng isla, at sa iba't ibang parte pa ng isla, pinalagay ito ni Damon bago pa maganap ah kasal gusto kasi ni Miracle may mata siya sa lahat at nakikita niya ang lahat ng anggulo.


"I can't wait to bear his name."


Hindi pinansin ni Miracle ang salita ni Vivian dahil nakatutok lamang siya sa screen ng ipad niya, napangisi siya 'nang makita niya ang mga tao na nasa screen.


Disguise as a fisherman, nakatayo sa may mababaw na part ng tubig si Aiden at Callix, wearing a huge salakot that covers their black wig, a red ang white camiso and ripped jeans na ginupit hanggang sa tuhod lang nila ay busy sa pagmamando ng mga yate, so far wala pa ang mga ten commandments puro mga tauhan lang nila Damon at Xander ang dumadating, kailangan kasi nakabihis sila ng magara at naka-yate para hindi mahalata lalo na si Vivian.


Lumipat ang tingin niya sa kabilang screen..


There's Erin, disguise as the receptionist, wearing short hair wig with huge eyeglasses to cover her face, may suot din siyang fake nose para masiguro na hindi talaga siya makikilala ay may hawak na folder at chinecheck ang mga guest na pumapasok sa isla. Habang ginagawa 'yun ni Erin ay dumaan sa screen niya si Xander.


He is disguisd as a tour guide, naka-floral polo meron pa siyang mic sa tenga at bibong nagsasalita doon at nag-eentertain ng bisita, naka-fake face siya na halos hindi na talaga siya makilala ginusto din 'yun ni Xander para mas lalo siyang hindi makilala lalo na at sigurado kaming may makakakilala sa kaniya lalo na at binaril siya ng isa sa mga miyenbro ng ten commandments.


Sa kabilang screen ay si Lucy.


Gracefully walking inside the sand, she is disguised as one of the guest, She's wearing a white boho dress na backless, she's wearing a blonde wig and a heavy make up with fake color of the eyes and fake nose, nag-presinta siya sa ganitong task to keep an eye to the ten commandments, tatabi siya sa kanila to know and hear their conversations.


Greg, disguised as one of the waiters of Aiden's catering service. Naka-vest and white loongsleeves and slacks, naka-wig din siya ng medyo brown and long hair at abalanang tumutulong sa mga 'staff' kuno ni Aiden.


And there's Baron ang lalaking hindi matigil ang kakasalita sa mic niya, lahat sila ay nakasuot ng earpice at mic para madaling makapag-communicate, busy ang iba sa kani-kanilang act habang si Baron ay daldal ng daldal.


"Lakihan mo ang bayad sa akin Miracle! Anak ng! Ang pogi kong 'to ginawa mo akong pare?! Hindi pwede 'to baka maging makasalanan ang mga madre kung nagkataon!"


Bumuntong hininga si Miracle, habang pa-simpleng lumayo kay Vivian para masagot ang reklamo ni Baron sa kaniya.


"Deal with it. Kaya nga may prosthetics ka 'di ba? Hindi naman pwedeng totoong pare ang kunin at fake wedding nga 'to." Bulong niya sa mic niya.


"Alam ko naman pero nakakairita 'tong dinikit sa mukha ko at ang init ng suot ko. Hoo! Tirik na tirik ang araw at nasa beach imbis na mapakita ko ang katawan ko ay balot na balot ako."


The Seven Deadly Sins (SEASON 3)Where stories live. Discover now