Uno

15 0 0
                                    

Jesselyn

Ito ang unang araw ko sa eskuwelahan na ito. Pinagmasdan ko ang paligid, puro puno at maaliwalas kung pagmamasdan.


"Jesselyn!!!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at ngumiti. Tumatakbo ito palapit sa akin. Sinalubong niya ako nang mahigpit na yakap.

"Finally!!!" Masayang ani ni Chin-chin.

We're schoolmates noong elementary, nagkahiwalay kami noong grade seven at ngayong grade eight magkasama na ulit kami. Lumipat ako sa school na ito dahil malapit sa bagong nilipatan namin, luckily magkaklase kami. Noong grade seven kami ay bihira kaming magkita ni Chin-chin dahil malayo ang school ko sa school nya.

"Tara!!!" Hinila niya ako agad. Luminga-linga ako sa paligid. Malaki pala ang eskuwelahan na ito. Kapansin-pansin din ang mga harang sa ikalawa at ikatlong palapag ng bawat gusali. Nakunot naman ang aking noo

"Ah, Chin. Alam mo ba kung bakit may harang iyon?" Turo ko sa ikatlong palapag ng isang gusali.

"Ah, malamang para sa kaligtasan natin." Iyon lang ang sinabi nya

Ibig sabihin ba no'n eh, may estudyanteng tatalon diyan kung sakali?. Hmn, sabagay hindi malabo, kung sa pinanggalingan nga naming elementary school eh may nagpakamatay dito pa kaya.

"Are you ready to meet our classmates?" Tanong sa akin ni Chin

Sa totoo lang ay hindi. Dahil sa school na pinasukan ko noong grade seven ako marami kami, ngayon tila trenta mahigit lang kami. Naikuwento rin ni Chin sa akin na may bully silang kaklase. Well, hindi naman talaga nawawala ang bully kahit saang school ka magpunta, mayroon at mayroong gano'n.

"Alam mo, mamaya. Itu-tour kita rito sa campus" masayang ani ni Chin

"Talaga?" Tumango siya.

Umakyat kami sa building sa itaas ng cafeteria, at tumigil kami sa unang classroom. Glassdoor ito kaya makikita mo agad ang mga tao, huminga ako ng malalim bago binuksan ni Chin ang pinto at dahil lumikha ito nang ingay napangitingin ang iilang estudyante sa amin.

"Sya ba iyon Chin?" Tanong ng isang babaeng kulot ang buhok at maputi ang balat

"Oo siya" tinignan ako ni Chin at nginitian

Lumapit kami doon sa mga estudyanteng nagkukumpulan. Napatingin naman sila sa akin. Ang isang lalaki ay creepy na nakangiti sa akin. Umupo si Chin sa lapag at sinenyasan na maupo din ako

"Ah Jesselyn, mag kaibigan ko" itinuro nya ito isa-isa

"Si Lorraine" turo nya doon sa babaeng kulot at maputi,ngumiti sa akin si Lorraine

"Nice to meet you Jesselyn" ani ni Lorraine, tinanguan ko sya "Nice to meet you too"

"Eto naman si James" turo nya doon sa lalaking kanina lamang ay nakakakilabot ang pagkakangiti. Ngumiwi ako


"Nice to meet you Jess" ang pangit pala pag siya ang tumawag ng pangalan ko. Plastik akong ngumiti " Nice to meet you too James" sumilay na naman ang creepy niyang ngiti.

The Other Side(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora