Diez

5 0 0
                                    

Jesselyn

Matapos ang klase namin, kasama ko ang mga babaeng kaibigan namin at nagtungo sa comfort room, habang sila Dan,Matt at James naman ay sa room nalang nagpalit.

"Hala bakit pants?" Takang tanong naman ni Anel sa akin. Napakunot naman ang noo ko

"Eh sabi sa gc"

"Hala, sabi ni ma'am leggings daw" sabi ni Lorraine

"Masyado kasing nagmamarunong!" Sabat na naman ni Ava

"Alam mo Ava, isa nalang bibigwasan na kita" Sabi naman ni Chin

Nakita kong ngumisi si Ava at lumapit kay Chin

"Bakit?, Totoo naman eh." Binalingan niya ako ng tingin "Palibhasa walang common sense" aniya tsaka tumalikod

Nagulat kami nang hablutin ni Chin ang buhok ni Ava. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"Anong sabi mo!?" Sigaw ni Chin na halatang galit na

"Hala awatin niyo!" Sigaw naman ng mga kaibigan ni Ava

Tumingin ako kila Anel tahimik lang sila habang pinagmamasdan sila Chin at Ava. Siguro'y ayaw ding makisali sa gulo nila.

"Kung makapagsalita ka naman 'kala mo kung sino ka!" Sigaw ni Chin

"Ouch let me go! B#tch" sigaw ni Ava

"Hah! Let mo go ka d'yan? Ang yabang mo Ava! Akala mo naman hindi ka din nagkakamali!" Sigaw ni Chin at hinawakan ang kwelyo ng uniform ni Ava

"Eto ang tatandaan mong babae ka!, Pare-pareho tayong estudyante dito kaya matuto kang rumespeto sa kapwa mo!" Sigaw niya at binitawan ng pabalang ni Ava

Nagdirediretso na si Chin kaya sumunod kaming tatlo sa kaniya, medyo nauuna siya kasi mabilis maglakad, halatang galit na.

"Nakakatakot magalit si Chin" bulong ni Lorraine

"Namamato kaya 'yan" sabi naman ni Anel

Napailing nalang ako, sabi ko na nga ba't ganito ang kahihinatnan nila eh. Eto namab kasing si Chin dapat hindi na siya lumaban.

"Oh bakit ka umiiyak?" Tanong ko kay Chin na nakaupo sa bench na katapat ng stage

"Eh pano napaka-g&go ng lalaking iyon! Ang kapal ng mukha!" Aniya habang pinapahiran ang luha

"Ano ba kasing sabi ko sa'yo? Sabi ko layuan mo iyon kasi hindi naman makakabuti sayo, eh makulit ka. Andami daming nagkakagusto sa'yo dyan siya pa talaga ang napili mo?"

"Tama ka" aniya at tumayo. Napansin kong may tinatanaw siya sa kabilang banda ng stage kaya napatingin ako doon.

Napangisi ako dahil pinagmamasdan niya yung lalaking nanakit sa kaniya habang binibigyan ng chocolates nung babaeng ipinalit sa kaniya.

Nagulat ako nang lumakad si Chin, napatakbo ako sa kaba dahil baka magkagulo. Pinapairal niya talaga ang galit

The Other Side(COMPLETED)Where stories live. Discover now