Quince

3 0 0
                                    

Christine


I can't believe. Kaharap ko na ang demonyong pumatay sa kakambal ko, galit na galit ako! Gustong-gusto ko na siyang masunog sa impyerno!

"C-chin?" Nanginginig niyang tanong sa akin

Napangisi ako, at umiling

"Hindi ako ang kaibigan-" tinignan ko siya "ops, tinuring mo nga bang kaibigan ang kakambal ko?" Tanong ko sa kaniya

Nagtataka siya sa tanong ko, dapat lang! Dahil wala siyang alam

"Oh ano gulat ka?" Nakangisi kong tanong sa kaniya

"You never treat my twin as your bestfriend! You just used my twin! Palibhasa kasi, walang may pake sa'yo kaya tatabi ka sa sikat para maging sikat ka!" Sigaw ko dito

Walang may alam na may kakambal si Chin. Ipinaampon kasi ako ng magulang namin sa tita ko dahil mas kailangan ng kakambal ko ang atensyon nila mama at papa. Hindi ako nagalit dahil mahal ko ang kapatid ko, mas mahina pati ang resistensya niya kaysa sa akin. I'm Christine, hindi man kami sabay na lumaki, nasubaybayan ko ang maliliit na detalye at pangyayari sa buhay ng kakambal ko.

(Flashback)

Nandito ako ngayon sa labas ng school ng kakambal ko, napapangiti ako dahil alam kong masaya naman ang kakambal ko sa sitwasyon niya ngayon. Tinignan ko ang relo ko, alas-siyete lang pala. Nagulat ako nang makita ko ang kaibigan niya na tumabi sa akin na maya-maya'y nilapitan ng dalawang lalaki. Nakinig ako sa usapan nila.

"Jesselyn, alam mo ba kung nasaan si Chin?" Dinig kong tanong nu'ng isang lalaki

"Aba malay ko?, Hanapan ba ako ng nawawala ngayon?"  Sagot ni Jesselyn na tila ba may bahid ng inis

Nabuhay ang inis sa loob ko, tama ba na ganu'n ang isasagot kapag tinatanong?

"Nagtatanong lang naman"  mahinang sabi nung lalaki

"Eh kasi naman! Palagi nalang ba ako ang hanapan niyang babaeng iyan!?" Sigaw ni Jesselyn

Napayukom ako ng kamao sa loob ng jacket ko. Hindi ko na pinansin at tumuloy na ako sa loob ng campus dahil magsisimula na ang laban ng kakambal ko. Alam ko na ang pasikot-sikot dito dahil ilang taon na din akong palabas-masok dito. Dumiretso ako sa pool area

Naupo ako sa babang bench para makita ko ang kakambal ko. Napangiti ako dahil ilang beses na siyang nananalo sa swimming competition. Nakita ko naman sa bandang kanan ng bench nakaupo yung Jesselyn. Malapad ang ngiti nito habang nakatingin sa kakambal ko, kaya tinignan ko din si Chin. Sino nga namang hindi mapapangiti kapag nakita siya? Eh nasa kaniya na kaya ang lahat! Lahi kami ng mga Sumulong kaya malamang talagang magaganda at gwapo.

"Gooooo Chin!!!" Rinig kong sigaw ng crowd

Karamihan ay puro pangalan ng kakambal ko ang isinisigaw kahit pa alam nilang kalaban ito ng representative nila. Hindi ako magagalit sa mga magulang ko kung mas pinili nilang ipaampon ako, dahil nakita ko namang masaya ang kambal ko ngayon.

-------

Nang matapos ang competition, nanalo uli ang kambal ko. Hindi ko maiwasang matuwa lalo pa't alam kong pursigido talaga siya sa pagte-training para dito.

Nakita kong lumapit siya do'n sa kaibigan niya at tuwang-tuwa niya itong niyakap. Marami ring bumabati sa kaniya. Nakasunod ako sa kaniya hanggang sa labas ng locker room. Kasama niya sa loob ang kaibigan niya.

The Other Side(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon