Tres

5 0 0
                                    

Jesselyn

Kinabukasan, pag-gising ko muli kong naalala ang nangyari kagabi. Hindi ko lubos maisip kung totoo ba iyon o guni-guni ko lang. Pero kasi kita ko talaga, at tsaka nang mawala yung lalaki hindi naman namatay ang tv. Ni hindi ko nga binuksan ang telebisyon na iyon pagdating ko. Takot na takot ako. Hindi ko na alam.



Habang nakasakay sa tricycle, pinagmamasdan ko si daddy. Kapag naman nanonood ako hindi ako natatakot kapag gano'n ang nangyayari, pero iba pala kapag sa'yo na nangyari. Hindi mo alam kung kikilabutan ka ba o ano. Ganito rin kaya ang nangyari kay Chin?. Gulong-gulo ako. Nakakatakot dahil hindi pa ako handa.


"Jess!" Salubong ni Chin nang makapasok ako ng classroom, ngumiti lang ako at tinanguan sya.


Sinulyapan ko si Stephanee, tahimik lang sya sa pwesto nya at nakatanaw na naman sa bintana. Agad akong umiwas ng tingin dahil nakita ko na bahagya siyang gumalaw.


"Bakit ako!?" Rinig kong sigaw mula sa pumasok sa classroom.


Tinignan ko si Chin-Chin, nakatingin siya sa pinanggalingan ng boses at napailing. Kaya naman nilingon ko na ang nagsalita. Sya ata si Mae. Kausap nya si Ava. Tungkol naman kaya saan ang pinag-uusapan nila?, Tinignan ko nalamang ang repleksyon ng dalawa mula sa glass board namin.


"Bakit hindi!?, Ikaw naman talaga. Oras na magsumbong yun damay tayo!" Dinig kong sabi ni Ava.


"Eh bakit?, Hindi kayo sanay?. Nangyari na sa atin last year iyon hindi ba!? Naisumbong na!" Mahina ang huling sinabi ni Mae ngunit dinig ko iyon


"Alam nyo, kahit ilang beses isumbong ang nagkasala, kung talagang may taglay na demonyo sa ugali nya, mukhang hindi na iyon mababago lalo na't pare-pareho silang magkakaibigan na may lahing kasamaan"


Nagulat ako nang sumagot si Chin-Chin. Ganun din sila Lorraine. Naalala ko, ang grupo nga pala nila Ava ang nanira sa kanila.


"Pinatatamaan mo ba ako Chin?" Tanong ni Ava. Doon ako napatayo, pero hindi ako kay Ava nakaharap kundi kay Chin.


"Bakit Ava, tinamaan ka ba?" Tanong ni Chin sabay ngisi.


I really admire her. She's brave enough, naalala ko pa, may lakas sya ng loob para sabihin kung ano man ang gusto nyang sabihin. Even though noong elementary kami palagi ding nabubully si Chin


Rinig ko ang pag-ngisi ni Ava, "Wow naman Chin, nagmamalinis? What about si Daniel, hindi ba nilait din naman niya ang kaibigan namin?" Bato ni Ava


"Bakit?, Sino ba ang nauna? Ah sabagay, kapag nga naman kayo ang nangla-lait at naninira ayos lang. But when it comes to us, stating a fact is wrong gano'n ba?" Malamig na tugon ni Chin


"Eto ang tatandaan nyo, hindi porke't marami kayo kaya nyo, daig ng katotohanan ang kasinungalingan. Hindi nyo ikauunlad ang pambubully nyo" dagdag ni Chin bago lumabas ng classroom.


Tinapunan ko muna ng matalim na tingin sila Ava at Mae bago sundan si Chin sa labas.


"Chin!" Sigaw ko sa kanya habang bumababa siya ng hagdan. Sinundan ko sya hanggang makarating siya ng cr.


The Other Side(COMPLETED)Where stories live. Discover now