Once

4 0 0
                                    

Jesselyn

Mabilis pa sa alas-kwatro na dinampot ko ang cellphone ko at nanginginig na itinext si mommy.

'Nasaan kayo ma!?'

May namumuong luha sa akin, agad akong bumalik sa restroom para kunin ang bag ko.

"Oh anong nangyari!?" Sigaw ni Chin nang makitang may luha ako

"S-si d-daddy" nanginginig kong sagot

Nanlaki ang mga mata ni Chin at nilapitan ako.

"Asaan sila? Tara ihahatid kita doon! Baka hindi mo kayanin" aniya

Lalo akong napaiyak, after all what I've done...... She's still my bestfriend......

Nang tumunog ang cellphone ko, agad kaming nagkatinginan at binasa ang text

'Santos Hospital' aniya


Dali-dali naman akong sinulyapan ni Chin at tinanguan, nagmamadali kaming lumabas ng restroom at tila lumipad kami dahil sa bilis naming bumaba ng hagdan. Eto na ba yung adrenaline rush na sinasabi nila?. Nang makalabas kami ng campus agad siyang pumara ng taxi

"C-chin natatakot ako" sabi ko habang pinagmamasdan ang kalsada.

I stopped when she hold my hands. I looked up at her, she's smiling at me like she's saying that everything's gonna be alright.

Napahinga ako ng malalim at pumikit. Nagdadasal na sana sa kabila ng mga kasalanang nagawa ko ay maging maayos ang lahat.

"Where here"

Boses ni Chin ang nagpabalik sa aking katinuan. Agad akong napatingin sa hospital na sinasabi. Pumatak na naman ang mga luha ko.

Dumiretso kami sa emergency room at tinignan ang bawat bed na bahagyang nakabukas ang mga kurtina pero wala doon ang papa ko. Nagpunta na kami sa information desk.

"Ah miss, pwedeng magtanong kung may na-admit ho bang Rodel Valejo dito?" Si Chin ang nagtanong marahil alam niyang natatakot na ako

Sandali pang tinignan nu'ng nurse ang mga listahan ng pasyente.

"Nasa I.C.U po"

Napahinto ako. Tila ayaw ma-proseso ng utak ko yung sinabi ng nurse. Hinawakan ni Chin ang pulsuhan ko at hinila papasok sa ospital. Hinanap namin ang I.C.U, nadatnan kong nakaupo si mommy sa tapat ng pinto ng I.C.U

"Ma!" Sigaw ko at lumapit kay mommy, niyakap ko siya.

Napapikit ako habang lumuluha. Sana hindi pa huli ang lahat.

"A-ano pong n-nangyari?" Tanong ko kay mommy

"N-nagk-kabanggaan" sabi ni mommy at nagpatuloy sa pag-iyak

Makalipas ang ilang sandali, medyo kumalma na kami ni mommy, napatingin ako kay Chin na nakasandal sa pader. She's smiling at me. I really hate myself for what I've done..... Hindi ko deserve ang kabutihang pinapakita niya sa akin.

Maya-maya'y lumapit siya at naupo sa tabi ko, she hold my hands.

"Hey, everything is gonna be alright huh?, Just pray" sabi niya at nginitian ako

She gave me a tight hug

" I need to go, gagabihin ako sa daan eh" tinanguan ko nalang siya, at the first place naman dapat hindi niya ito ginagawa, pakiramdam ko naabuso ko ang kabutihan niya

The Other Side(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon