Cinco

6 0 0
                                    

Jesselyn

Ilang sandali pa'y nagsimula na si Ma'am Sa Jose sa pagsasalita. Malamig dahil umiihip ang hangin.

"Ah, immaculadians umuulan lang po pero titila din yan. Pagbibigyan tayo ngayon" sabi ni ma'am at tumingin sa relo niya. "8pm na pala. Anyway magsisimula na po tayo so students please settle down" dagdag ni ma'am

Ang sabi ni ma'am exactly 6:30 pm we will start. Pero eto alas-siyete na nag-iintay pa din kami sa magiging speaker namin sa activity na ito. Or should I say, iniintay pa namin ang ate ni Chin.

"Okay ka lang?" Tanong ni Chin, agad akong tumango

"Pa-VIP naman kasi si ate ano ba toh, sana pala isinabay ko na sya pagpunta ko ano" aniya habang kinakamot ang pisngi

Pinagmasdan ko si Chin na lumingon sa likuran na animo'y may hinahanap. Matapos no'n bigla itong ngumiti. Kaya napatingin ako sa likod. Andito na pala ang ate nya. Her sister is a former president of the SCO, in fact tumakbo si Chin bilang grade eight representative, pero hindi sya nanalo. Kapansin-pansin naman na may kakayahan si Chin bilang isang mabuting pinuno, pero mahiyain kasi.

Huminga ako ng malalim bago itinuon ang atensyon sa ate nya. Natatawa ako dahil napaka-plastik ng mga kaklase namin. Seeing Ava wearing her plastic smile isn't good. Kapag maraming tao akala mo talaga mabait napailing ako. Tingin-tingin ka pa sa bestfriend ko. Tsk. Whatever.

Nagsalita na ang ate ni Chin about leadership. Magaling lang dahil nakuha ng ni Ms.Mai ang atensyon ng lahat. Kapatid talaga sya ni Chin.

"A leader must be a good example to her or his members " aniya

Agad dumapo ang tingin ko kay Ava. I don't see Ava as a good example to us. In fact, kahit pinaprangka nila si Lorraine, mas mabuting pinuno si Lorraine kaysa sa kaniya. Kaya nanalo si Ava dahil famous.

Alas-nuwebe nang matapos mag-speech ang ate ni Chin, binigyan kami ni Ma'am San Jose ng 30 minutes para mag-dinner. Nandito kami sa baba lang ng Petang hall. Kasama ko ang mga kaibigan kong kumain.

"Alam nyo, nakakatakot mamaya" ani ni Lorraine, napa-ubo ako ng malakas

"Parang timang" sabi ni Anel sabay tawa.

"Seryoso kase. Tignan nyo nga ang paligid oh" aniya. Tumingin naman kami.

Ang clinic ay bukas, maliwanag din sa kinakainan namin. Pero ang mga building sa paligid ay walang mga ilaw, parte iyon ng activity. Ganun din ang court. Sa cafeteria naman, kahit may ilaw eh matatakot ka atang kumain.

"Ano daw ba ang activity?" Tanong ni James. Napairap ako. Gusto ko sana siyang sagutin pero wag nalang

"Malamang about sa teamwork at leadership duh" sabi ni Lorraine. Napatawa kami dahil sa duh nya

Iinom sana ako ng tubig nang mapansin ko na ang tumbler ni Chin ay red. Napangiti ako at nag-angat ng tingin sa kaniya

"Chin, akala ko pink ang favorite color mo?" Tanong ko sa kaniya, nagbaba siya ng tingin sa tubigan nya at tumawa

"Ano ka ba, syempre bigay yan. Wala na akong magagawa hahahaha. Bawal tumanggi sa grasya" aniya. Napatango nalang ako

"Immaculadians bumalik na po kayo sa Petang hall. Inuulit ko Immaculadians bumalik na po kayo sa Petang hall" panawagan ng SCO officer.

The Other Side(COMPLETED)Where stories live. Discover now