Seis

6 0 0
                                    

Jesselyn

Kahit marami akong kasama papunta sa ikatlong palapag ng building na ito,parang nangangatog ang mga tuhod ko. Ayoko na atang tumuloy. Pero hindi naman puwede. Madami naman kaming kasama eh. Kapit-kamay kaming umakyat sa Library. Nakarinig kami ng sigawan kaya napahinto kami.

"Saan galing yon?" Tanong ng isa naming ka-grupo

Tila sa kabilang building nanggaling ang sigaw na iyon. Kaya malamang ang kabilang grupo iyon.

"Huwag ninyong pansinin, sa kabilang grupo lang iyon" ani ni Kuya Alexander.

Dumiretso kami sa pag-akyat, huminto kami sa tapat ng Library. Sa bawat station na aming pupuntahan, laging may nakabantay na teacher. Ang bantay sa station na ito ay si Ma'am Hazel, ang aming English teacher. Nagturuan pa sila kung sino ang papasok.

"Hindi pwede yung mga grade seven. Kahit grade 10 nalang" ani ni Kuya Alexander

Kahit lalaki naduduwag, ang pumasok sa loob ay si Julia, yung may nakasulat sa t-shirt na Owen. Lahat kami ay nag-iintay. Halos limamng minuto na siya sa loob. Medyo malaki ang Library namin.

"AAAAAAHHHHHHH"

Lahat kami napatingin sa pinanggalingan ng boses, galing iyon sa katabing room ng Library. Iyon ang susunod na istasyon namin.  Agad lumabas si Ma'am Hazel mula sa Library.

"Where's that noise coming from?" Tanong nito sa amin


"Over there" sagot ni Kuya Alexander at itinuro ang katabing room.

Agad tumakbo si Ma'am Hazel sa room na iyon, at iniwan si Julia sa loob ng library. Nagkagulo na kami dahil hindi namin alam ang gagawin. Ang iba ay pumunta sa katabing kuwarto ng Library, ang iba ay nag-stay dito. Napatingin ako kay Anel na nakayakap sa akin.

"Anel, are you alright?" Tanong ko rito

Umiling-iling siya at nagsimulang umiyak ng tahimik. "N-nandito sya" umiiyak niyang bulong. Agad kong inilayo ang ulo niya at pinantayan ko siya

"Sinong.... Sinong siya?" Curious kong tanong. Umiling lang ito sa akin. Ibinuka ko na ang bibig ko at handang magsalita, nang bigla kong marinig si Ma'am Hazel

"Call Mrs. San Jose!! Now!" Agad nagtakbuhan ang mga lalaki naming ka-grupo. Nakatanaw lang kami sa room na iyon. Lalapit sana ako doon pero hinila ako ni Anel

Umiling siya sa akin, nakunot ang aking noo at tinignan ang kamay n'ya na nakahawak sa akin. "Bakit?" Tanong ko

"Huwag." Umiling siya ulit "Delikado" namintig ang tenga ko sa huli niyang sinabi. Delikado?...

Humahangos na bumalik ang mga ka-grupo namin kasama si Ma'am San Jose. Napatingin sa amin si Ma'am. "What's happening?" Tanong nito sa amin

"Ma'am nasa kalagitnaan po kami nang pag-gawa ng  task sa loob ng Library tapos may narinig po kaming boses ng lalaki na sumigaw doon" ani ni Kuya Alexander at itinuro ang room.

"Okay. Please find Princess, nasa room siya ng Cherubim. Pakisabi sa kaniya bumalik siya sa Petang para i-anounce na pansamantalang ititigil natin ang activity" ani ni ma'am kay Kuya Alex.

The Other Side(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora