Epilogue

5 0 0
                                    

Dan

I know their plans from the start. I didn't tolerate Christine for doing this kind of a bullshit. Hanggang sa dumating na nga si Jesselyn sa campus namin.

Naawa ako sa kaniya kasi pakiramdam niya ata nababaliw na siya dahil sa weird na pangyayari sa paligid niya. Ang totoo niyan, I have a crush on her. Hindi ko lang pwedeng sabihin dahil mapapahamak siya lalo. I wish ako nalang si James.

Pero no alam ko na ngayon nila planong patayin si Jesselyn. And I need to stop them. Hindi ko inalam ang plano nila dahil aminado akong bobo ako sa parteng iyon. Pero ang alam ko lang sa school nila gagawin lahat. I just can't believe, this school is sacred for pete's sake!

Dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto ko nang makita ko ang oras. It's already 6:00

"Oh anak saan ka pupunta tila nagmamadali ka?" Tanong ni mommy nang makababa ako

"Ah sa school may nakalimutan lang" sabi ko naman

"Huh? But it's already 6pm sure kang papapasukin ka doon?" Tanong ni mommy

"Oh yes" sagot ko, I kissed her forehead.

"Alright, ingat ka ha?"

Doon ako tila nanghina..... I can't promise

"Okay, for you" sabi ko

Tinanguan ako ni mommy at  inihatid sa gate. Mabilis akong nagmaneho.

Huminto ako sa tapat ng school pero nakaramdam din ako ng kaba. Mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin. Kinuha ko ang baril sa ilalim ng upuan ko. Gagamitin ko lang naman kung kailangan.

Dali-dali akong umakyat sa sinasabi nilang ikatlong palapag. Narinig ko ang pag-iyak ni Jesselyn. Nagalit ako, galit ako sa sarili ko at kay Christine. Galit ako sa lahat. Mahigpit kong hinawakan ang baril ko.

Nagulat ako nang lumabas silang dalawa mula sa classroom. Kita ko ang pawis na pawis na si Jesselyn, nanlaki ang mata ko ng itinulak niya si Jesselyn kaya nabaril ko siya. Nanginig ako dahil nakita niya ako. Hindi ko na inisip iyon at dali-daling bumaba sa building para i-check si Jesselyn.

Sana lang hindi pa huli ang lahat, sana lumaban siya. Napangiwi ako at pumikit nang makita siyang nakahiga sa groundfloor kaya dahan-dahan akong lumapit dito, marami na ring dugo ang nawala sa kaniya. Nang makita kong hirap siyang huminga kinausap ko siya

"J-jess, g-gising. L-lumaban ka, a-ako t-to oh? S-si Dan" nanginginig kong bulong sa kaniya

"D-dan" napaiyak ako nang banggitin niya ang pangalan ko

Napakasarap sa pakiramdam, tila may humahaplos sa puso ko

"Jess, w-wag k-kang p-pipikit" nahihirapan kong bulong

"M-masakit na e-eh" sagot niya

Lalo ang napaiyak frustrated akong napasigaw. Ang tanga ko! Tiningala ko ang langit

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!" malakas kong sigaw

Pumatak ang luha ko sa mukha niya. Nagulat ako nang haplusin niya ang mukha ko.

"'wag k-kang, u-umiyak." Nahihirapan niyang sabi

"L-la" hinabol niya ang hininga niya "L-laban l-lang" sabi niya sa akin

"Mahal k-kita" malakas na loob kong sabi

"I l-love you" napaiyak ako nang pumikit na siya

Mas lalo akong napaiyak. Kasalanan ko, kung sana una palang pinigilan ko sila! Ah napakabobo!!!!

"Dan!" Napatingin ako sa tumawag sa akin,

Si Kuya Romeo, ang janitor. Tinulungan niya akong buhatin si Jesselyn. Nanghihina ako, ayoko na. Itinakbo na nila si Jesselyn sa ospital. Pinagmasdan ko ang ikatlong palapag kung saan nagsimula ang lahat.

Tapos na, wala na. Napatingin ako sa langit at umiyak

"Masaya ka na ba Christine!?" Sigaw ko habang umiiyak

Kung hindi siya nagpadala sa galit hindi naman mangyayari ito. Huli na ang lahat. Pinagmasdan ko ang paligid.

Sa tuwing nakikita ko ang lugar na ito naalala ko ang ngiti ni Jesselyn, naaalala ko ang lahat hanggang sa kung paano din siya nawalan ng buhay. Ansakit, sobrang sakit sa pakiramdam na hindi mo mailigtas yung taong mahal mo

Umakyat ako sa ikatlong palapag kung nasaan ang bangkay ni Christine. Nagulat ako dahil wala siya doon. Bakas lamang ng dugo. Bigla akong kinabahan, hanggang sa nakarinig ako ng mga putok ng baril.

"Kung papatayin mo ako, sabay na tayo" dinig kong sabi ni Christine

Napaharap ako sa kaniya at napansin kong may tama na din ako, sabay kaming napaluhod at nawalan ng malay.

Dito na nagtatapos ang lahat. Sa ikatlong palapag kung saan mamamasdan mo lahat ng galaw ng bawat isa............and that's her other side.

THE END

The Other Side(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon