Trece

3 0 0
                                    

Jesselyn


Matapos ang aming lunch nagpatuloy ulit kami sa pag-gugupit. Napatingin ako sa mga kaklase ko bago kausapin sila Anel

"Bakit hindi naggugupit 'yung iba?" Tanong ko at nginuso ang mga kaklase kong naglalaro ng cellphone.

Tinignan nila Lorraine ang itinuro ko. Nakunot ang noo no Dan.

"Hoy mga abno!" Agaw atensyon ni Dan sa mga ito "Kakapal niyo naman, kami nagpapakahirap mag-gupit dito tapos kayo cellphone cellphone lang?" Matapang na aniya

Biglang tumayo ang isa sa mga kaklase kong nagse-cellphone.

"Pake mo?" Matapang na tanong nito kay Dan

Nagkatinginan tuloy kami nila Lorraine dahil kapag nagsalita pa si Dan eh kung anong mangyari. Tumayo ako at lumapit kay Dan.

"Hey Dan!, Ayos lang, hayaan mo na sila. Wala ngang pake yung leader natin eh" bulong ko sa kaniya

-------------

Uy, Anel? A-ano? Matagal pa ba? Mag-aalas-sais na!" Sabi ko kay Anel.

Hindi ko maiwasang kabahan, five fourthyfive ng hapon na pero nandito pa kami sa school dahil may project kaming tinatapos. Kahit kasama ko ang mga kaklase ko hindi ko maiwasang isipin ang kuwento ng mga kaklase ko tungkol sa eskwelahan na ito.

Kaklase ko na si Chin-chin, ang bestfriend ko simula noong elementary. Naglalakad kami sa corridor ng building namin pero tila lumilipad ang isip nya. Kaya naman tinapik ko na siya para kunin ang kanyang atensiyon.

"Ayos ka lang ba Chin?" Tanong ko sa kaniya. Dahil kapansin-pansin ang pamumutla ng kaniyang mga labi, at nanlalamig ang kamay niyang hawak-hawak ko.

"Ah, O-oo. S-siguro bilisan nalang natin paakyat sa room"  ani nya sa akin ngunit wala sa akin ang kaniyang nga tingin

"Sigurado kang ayos ka lang ha?" Ulit ko pa sa kaniya, tumango lamang siya at mas humigpit ang kapit niya sa mga kamay ko.

"Makinig kang mabuti Jesselyn. Kailangan nating makarating sa classroom. Hindi mo kailangang luminga sa paligid naintindihan mo?" Nakunot ang aking noo sa mga sinabi ni Chin

Gustuhin ko man siyang tanungin, pero parang pinakikiusapan ako ng kanyang mga mata na huwag nang ituloy kung ano man ang sasabihin ko. Huminga ako ng malalim bago marahang tumango.

Mabilis ang paghakbang ni Chin, halos mahila na niya ako sa sobrang bilis. Simula umpisa alam kong may kakaiba, hindi lang siya ang napansin kong ganito, maging sila Lorraine at Stephanee ay nararamdaman kong minsa'y nababalisa at tila hindi mapakali kapag ganitong oras. Umiling nalang ako hanggang sa huminto kami, hindi ko namalayang nasa tapat na kami ng classroom. Nagkatinginan kami ni Chin at marahan lang siyang tumango sa akin. Narinig ko ang paghinga nya ng malalim bago hawakan ang doorknob at itulak ito.

"Andito na yung bond paper na pinabili ninyo!" Masiglang ani ni Chin

Napakunot talaga ang noo ko, bakit ba sa tuwing lalabas kami ay tila laging may kakaiba? Samantalang pag nasa loob naman kami ng classroom ay tila napaka-aliwalas ng mood nila?. Ipinikit ko nalang ang aking mata upang maalis kung ano man ang iniisip ko. Lumakad ako at tumabi sa mga kagrupo ko.

The Other Side(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon