Seventeen

12 2 0
                                    

Pauwi na ako ngayon pabalik sa San Vicente, daddy found out what Mr. Dominic did to me during college. Kinakabahan ako ngayon, kung pwede lang ay hindi na ako uuwi. But i have to. Siguradong magagalit talaga si daddy kung hindi ko sinunod ang gusto nya.

Sinadya kong late pumunta sa airport, binabagalan ko ang mga lakad ko at hinhiling na maiwan ako ng eroplano, but in the end, i found my self sitting inside the airplane.

Tulog ako buong byahe, nagising na lang ako ng naramdaman kong nagland na kami, bumaba na ako kaagad at nagtungo pa labas ng airport, hatak ko ang isang trolly bag ko at nakita kong nakatayo si daddy sa Van ng kumpanya namin at malalim ang tingin sakin.

Shit.

"Get inside the car" malamig na tugon ni daddy.

I nodded like a good girl to my father, tahimik akong sumakay sa sasakyan namin at hindi umimik hanggang sa makarating kami sa bahay.

Tumigil ang sasakyan at walang nagsasalita samin ni daddy.

"Daddy... That was years ago, It doesn't matter" wika ko.

Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni daddy at lumabas na ito, kita ko ang galit sa kanyang mga mukha, hindi ko alam kung galit ba sya sakin dahil hindi ko sinabi o galit sya kay Mr. Dominic dahil sa ginawa sakin noon.

But seriously, it doesn't matter to me now. At ayoko nang ungkatin pa, nagsisimula na kaming hindi nagiintindihan ni ilios, ayoko nang pagbigyan ng pansin ang ibang bagay, mas gusto kong ayusin muna ang gusot sa pagitan namin ni ilios.

Pumasok ako sa loob ng bahay na nagpipigil ng emosyon, ayoko nang ungkatin pa dahil matagal na rin iyon, hindi rin naman maiwasan na ganito ang magiging reaksyon nina mama lalo na't ngayon lamang nila ito nalaman. Alam kong kasalanan ko iyon.

Sila lang naman ang iniisip ko, ayoko nang mag alala sila sakin, masyado na silang magulo kung kaya't ayoko nang dumagdag, siguro ay hindi kami nagkaintindihan ni Mr. Dominic kung kaya ay nagawa nya akong pagbuhatan ng kamay.

Isang malakas na sampal ang naramdaman ko pagkapasok ko sa bahay, napadapa ako sa lakas ng sampal ni daddy.

"Adam! Wag mong saktan ang anak ko!" Sigaw ni mommy at itinago ako sa yakap nya.

Pinipigilan ko ang luha kong nagbabadyang bumuhos. Ayoko nang umiyak, nakakapagod na rin, sunod sunod na ang mga pangyayari.

"Ano pa ba zanne! Ano pa ang gagawin mong pagsisinungaling samin?!" Sigaw ni daddy.

Nanatili akong nakatingin sa gilid, nagiinit ang kaliwang pisngi at ramdam ko ang mahigpit na hawak sakin ni mommy.

"Ano! Sabihin mo! Alam kong na terminate ka sa iyong trabaho dahil sa isang Jimenez na hindi kilala!!" Sigaw ni daddy

"Hindi ako tanga para hindi malaman na kagagawan ito ni Dominic!!!!"

Bumilis ang tibok ng puso ko, Is it possible? Tatay ba ni ilios ang nasa likod ng lahat ng to?

"Adam! Tumigil ka na nga!" Sigaw ni mommy.

"Pinalaki ka namin ng maayos! Pero nagawa mo pang magsinungaling?? Hindi porket may tinapos ka na ay hindi mo na kami rerespetuhin bilang magulang mo!"

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin para tingnan si daddy sa mga mata nya. At parang kusang nagsalita ang bibig ko.

"I can't believe it..." Wika ko.

"Hindi ko sinabi sa inyo ang totoo dahil ayokong mag alala pa kayo, ayokong dagdagan ang gulo sa pagitan ninyo ni Mr. Dominic"

Bumuntong hininga si daddy at si mommy ay nanatiling nakayakap sakin.

San Vicente Series #1, Moon Embraces The Sun Where stories live. Discover now