Twenty-seven

9 2 0
                                    

"Meet me at the coffee shop nearby, 4 am where my shift begins" sabi ko at nagpakalayo-layo na sakanya.

Naglakad ako papuntang Department ko, the walls are painted with rainbows, trees and other cute stuffs for the kids, dinig ko ang mga magigiliw na tawa ng mga bata, some are crying, some are laughing.

"Prepare the surgery room, we'll perform the surgery for the patient 1001" dinig kong sinabi ni Dr. Arceo

Pinanood ko lang sya, malumanay ang kanyang boses habang kinakausap ang bata, May kulot na bangs ang batang kinakausap nya at sobrang short ng buhok nito, maputi at singkit ang bata. Sya lang magisa sa place nya di tulad ng ibang bata ay binabantayan ng guardian or parents nila.

Tumayo ako ng matuwid nung tumayo at naglakad na papuntang direksyon ko si Dr. Arceo.

Tumikhim ako bago sumunod sakanya. We're doing some rounds for today. Dr. Arceo stood nicely and heads up walking around the hospital. Nakasunod lang ako sa gilid nya kasabay yung mga ibang residents dito, nagbubulungan sila sa isa't isa, kapag napapalingon ako ay bigla silang yumuyuko, habang nakangiti.

"The Patient I am with earlier is from an Orphanage, so Dr.Lim check her from time to time" ani Dr. Arceo

"Does she have chinese blood or whatsoever?" Tanong ko habang nakahalukipkip

"Uhmm.. I haven't gone to her biography but.. yeah, she looks like a chinese" aniya at humalukipkip din.

"Feeling ko po Doc, Korean.." sabi ng isang babaeng resident.

"Hmm, you think so?" Tugon naman ni Dr. Arceo

"Oh, yeah! Her hair noh? Pareho nung sa mga Kdrama." sabi ko. biglaang pumasok iyon sa isip ko kaya di ko naiwasang sumabat sa kanila. Iniisip ko rin yung panyo ko, hindi ko alam kung paano sya iapproach tungkol doon. Nakakahiya naman kapag sabihin kong nasaan na yung panyo ko. Or akin na yung panyo ko Dr. Arceo.

"Anyway, we'll have to do some rounds then you're good to go" ani Dr. Arceo.

Sinunod ko sya at umibang daan naman ang mga Residents, kita ko ang ibang nurse na abala sa pagiikot dito sa hospital dala dala ang mga charts at iba pa. Nag ikot naman kami ni Dr. Arceo, kinakausap ang ibang pasyente at nakikipagbiruan. Kilala nilang lahat si Dr. Arceo, tuwing dumadaan kami ay pinapangalanan sya ng mga tao dito, pinapakilala naman niya ako sa ibang pasyente na nandidito, napapaubo na lang kapag tinatanong kami ng ibang nanay na kung mag asawa daw ba kami.

"I think that's all for today.." ani Dr. Arceo. Tumango ako at luminga linga, nagulat ako nang nakita ko si Ilios na nakatingin samin sa di kalayuan. Nakaupo sya sa upuan.

"Nathan Arceo." simpleng paglahad nya ng kamay nya. Nilingon ko si ilios na ngayon ay nakatingin lang sa kamay ni Dr. Arceo. I don't want to turn down his hand so naglahad din ako ng kamay.

"Zanne Soleil" pagpapakilala ko.

We separated ways after that, nakita kong tumayo si ilios sa kinauupuan nya, kaya tumakbo ako para masundan sya.

"Hey!" Nahihingal kong pagbati nung nakalapit ako sa kanya.

Umiinom pa sya ng tubig nung tinaasan nya ako ng kilay. I chuckled.

"Why are you here?" Tanong nya.

"Wala naman, tapos na ako sa trabaho" tugon ko.

"Then why are you here?"

Tumigil ako, he really wants to know huh? Hinawakan ko ang braso nya para matigil sya sa paglalakad, kunot noo nya akong nilingon at uminom ulit ng tubig.

"L-let's have Lunch together" mabilis kong sabi bago sya binitawan.

Napaubo sya na syang pagkaluwa ng tubig na iniinom nya. Umatras sya agad at inabot ang handkerchief sa pocket nya. Nanlalaki ang mga mata nyang tumitig sakin.

San Vicente Series #1, Moon Embraces The Sun Where stories live. Discover now