Twenty-two

17 2 1
                                    

Mag si-siyam na buwan na akong nanatili dito sa Probinsya, pagkatapos ng wedding ay bumalik din kaagad si ashia sa manila, nanatili pa dito sinsan sa probinsya ng isang buwan.

"Yes mommy, im okay here, you can take your time" i answered mommy from the other line, they decided to manage our company in manila, while zonne was going back to school.

Masaya ang pananatili ko ngayon dito sa San Vicente, im totally moved on from what happened to me almost a year ago, for almost 9 months, i ahve learned to accept everything, i realized that there are people who'll be a memory and there are some who'll stay with you until the end.

Napagdesisyunan kong puntahan lahat ng lugar na pinuntahan namin ni ilios dito, at iiwan ko na doon ang mga ala-alang meron kami.

Isa na lang ang lugar na hindi ko pa napupuntahan, at iyon ang rock cave kung saan una naming lugar na napuntahan ni ilios and im ready to be there and leave all the memories we had.

Nag drive ako patungong rock cave, dumating ako doon alas-tres ng hapon, hindi naman ako magtatagal, kung magtatagal ako ay mas lalo lamang ako makulong sa ala alang meron kami doon.

Malinis na ang lugar na ito at may pathways na, dati walang pathways ito at kailangan pang daanan ang magubat na daan. Ibang iba na ngayon, maaliwalas na ito.

Naglakad ako papuntang rock cave, nagikot ikot dito, at pilit na binubura ang mga ala alang sumusulpot sa ulo ko.

"I fucking hate him" bulong ko sa sarili ko at binigay ang buong lakas ko para itapon ng malayo ang mga bato na nahahawakan ko.

"I hate you for living me!" Pasigaw kong sabi

"Hindi ka naman gwapo! Hindi ka naman maangas! Mukha ka namang baliw!" I kept on shouting, sinasabi ko lahat ang masasamang sides ni ilios kaso wala akong maisip kung kaya't gumawa gawa nalang ako ng salita para lamang magalit.

"Bakit lahat ng babae gwapo ang gusto"

May hindi pamilyar na boses akong narinig, lumingon ako sa pinanggalingan at laking gulat ko na may lalaking nakatingin sakin, nabigla ako kung kaya't ay nahulog ako sa mataas na batong kinatatayuan ko.

Lumusaw sa dagat ang lalaking ito at tinulungan ako para maka ahon, tinulungan nya akong maka tayo.

"Ba't ka tumalon ate?" Sabi ng lalaking ito.

Ate? I don't look old! Sya pa nga ito ang mukhang matanda tapos kung maka ate?

Hindi ko pinansin ang lalaking ito, at patuloy ako sa pag papatuyo ng buhok ko pati damit ko, by squeezing each ends.

"Hindi ka dapat tumalon, paano na lang kung walang nakakita sayo? Baka nalunod ka pa" aniya

Tinapunan ko sya ng masamang tingin at bigla syang nap atras.

"I know how to swim, so I don't need your help" sagot ko sa kanya habang tumayo sa init ng araw para madali akong matuyo

"Ang init dyan ate, umalis ka dyan" aniya

Im annoyed, he keeps on calling me ate, i dont look old!!

Imbes na makakauwi ako ng payapa, sinira ng mukhang aso na to ang araw ko.

"Hindi ka ba marunong magtagalog kaya hindi mo ako sinasagot?" Tanong ulit ng lalaking ito.

"Marunong" maikli kong sagot, hindi naman pwede na insultuhin ko sya, hindi naman nya sinadya na biglain ako, sadyang nabigla lamang ako sa kanya, hindi ko inexpect na may tao lang dito.

"Juwalan!!!"

Napalingon kami sa lalaking tumatakbo sa kinaroroonan namin, sinusundan ko iyon ng tingin hanggang sa makalapit ito samin.

San Vicente Series #1, Moon Embraces The Sun Where stories live. Discover now