Twenty

16 2 0
                                    

Ilang linggo na ang lumipas pero nagkukulong parin ako sa kwarto ko, hindi nako lumabas pa nang bahay simula noong huli naming pagkikita ni ilios sa presinto, ni hindi ko na rin alam kung anong nangyayari sa mundo, alam kong unhealthy na sakin ang ganito pero wala akong magawa kundi ang umiyak at magkulong, kahit anong gawin ko ay wala na akong gana.

I don't even have my appetite, and everything seems dull to me, it's like I've lost my light in this cutthroat world.

I wanted so bad to fix myself, but how could i fix myself if i couldn't accept everything in the first place.

Binibisita naman ako ng mga kaibigan ko pero sadyang hindi ako lumalabas dahil hindi pa ako handang makita ang mga tingin nila sakin, sawang sawa na akong tingnan na may awa, nasasaktan ako sa tuwing nangyayari iyon dahil hindi ko man lang magawang magalit kay ilios dahil andito ako ngayon nagmumukmok sa sariling bahay dahil sa lalaking sumira sa buhay ko.

"Zanne" i heard a knock from the door

Hindi ko pinansin iyon at napagdesisyunan kong matulog na lamang.

Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog, lumabas ako ng kwarto para sana uminom ng tubig ngunit laking gulat kong si sun ang nakita ko sa tapat ng pintuan kong naglalaro sa phone nya.

Tinago nya iyon ka agad at tumayo saka ako hinarap.

"Girl, pinaghintay mo ako dito for 5 hours, buti na lang may dala akong charger at may outlet dito oh" aniya.

"Anong oras na?" I asked her in monotone

"2 am" tugon ni sun.

"Don't you have a job?"

"Hindi na importante yun, halika andun si ashia sa sala natutulog". Sabi ni sun sabay akbay sakin, i literally smell like shit right now, i know sun's just pretending she doesn't care at all.

"Tsaka nga pala zanne, sinabi kong wag matulog si ashia sa sofa mong expensive pero humiga parin sya" pagsusumbong ni sun.

I laughed, Therapeutically speaking laugh makes you feel better, it helps me forget about my problems just once, and having good laughs with the good persons is the best thing you'll experience in your entire living.

"Lumabas ka rin pala ng buhay" sabi ni ashia habang kimukusot ang mga mata nya.

Tumikhim si sun at biglang hinampas si ashia sa mukha, causing ashia to sit up straight, and cursing sun.

I took a shower first and went back to the living area, we ate pizzas and more, we watched a horror movie, even horror movies don't scare me at all.

Ashia and sun are over reacting, isang malakas na sound effect lang ay takot na takot sila. Minsan nga ay mas natatakot ako sa sigaw nila kesa sa movie.

It's good that they're here, buti na lang ay ginusto kong uminom ng tubig kaya nakalabas ako.

Natulog silang dalawa sa guest room, ako naman sa kwarto ko.

I woke up around noon already, i saw ashia and sun sitting in stairs wearing their nightgowns.

"What's with you too?" I asked them.

"Gising na si zonne" sabi ni ashia.

I gave them a big smile just to show them that im okay and knowing zonne is already awake making me feel good.

Nasa sasakyan na kami ni sun ngayon, bagong sasakyan nya dahil hindi nya na ginamit yung sasakyan nya na ginamit ni ashia nung nabunggo ito.

"Ganda naman nito ah" sabi ni ashia

San Vicente Series #1, Moon Embraces The Sun Where stories live. Discover now