Sa isang Pagkakamali

6.9K 25 3
                                    

Sa Isang Pagkakamali
[PLAGIARISM IS A CRIME!]

"Ang galing galing mo talaga anak" nakangiting sabi saakin ni daddy

"Mana ako sayo dad eh" natutuwang sabi ko kahit pa alam kong mali ang lahat ng nalalaman nila

"Kita mo nga naman hon ang anak natin nakapasok sa sikat na university at top student pa! Dapat itong malaman nila kumpare" mahabang tugon ng aking ama masayang masaya sa mga nalaman tungkol saakin

"Tama ka hon. Jen you can rest now" sabi ni mom ng nakangiti saakin

Habang naglalakad ako iniisip kong sanay totoo ang lahat ng kanilang nalaman. Upang sila'y mas matuwa saakin

LUMIPAS ang araw ng linggo ng bigla akong ipatawag ni dad sa pribadong opisina nya. Baka muli nya akong pupurihin isip isip ko

Nagulat ako ng pagkapasok na pagkapasok ko ay isang malakas na pagbasag ang narinig ko

"Dad! What happened?!" nag aalalang tanong ko

Napalingon sya saakin at di tulad dati ay sobrang talim ng kanyang mga mata. Namumula sa galit ang mukha kaya napaatras ako

"What happened? Hindi ba dapat yan ang itanong ko sayo Jen?" mahinahong sabi nya ngunit mababakas ang galit

"W-What are you saying dad" kinakabahang usal ko kahit nawawari kona ang gusto nyang sabihin

"What am i––What the hell is this?! Ha Jen?!" sigaw nya at halos isubsob sa mukha ko ang totoong kuha ng cards ko. Malayo sa alam nila

Tila nanigas ako sa kinatatayuan kahit inaasahan ko ng balang araw mangyayari ito. Nahagip ng paningin ko si mommy walang emosyong nakatingin sakin habang umiiling

"Anong nangyari sayo Jen?! Why did you lie to us?! Ha?!" muling sigaw nya sakin

Unti unting namuo ang luha sa mga mata ko hanggang sa magunahan itong bumagsak.

"G-Gusto ko lang kayong pasayahin d-dad g––gusto ko lang maging proud kayo sakin ni––" hindi kona nagawang tapusin ang aking sasabihin ng makatanggap ako ng isang sampal sakanya

Napakaliwa ang direksyon ng ulo ko

"Pasayahin?! Sinong magulang ang sasaya kung nagsinungaling ang anak nila sakanila?! Ha?!" gigil na sigaw nya saakin

Napahagulgol ako sa iyak habang hindi parin makatingin sakanya. Sobrang sakit.. Kaya naman ilalabas kona ang lahat

Humarap ako at tinibayan ang loob upang harapin ang titig nya

"Suko na ako dad! Hirap na hirap na akong sundin ang planong binuo mo para sakin na kahit ikaw hindi nagawang abutin!" sigaw ko puno ng hinagpis

"Bastos ka... Bastos ka! Wala akong anak na bastos!" sigaw ni mommy at sya naman ang sumampal saakin

Muling nagunahan ang luha ko palandas saakin pisngi

"Sorry ha?! Hindi ako yung anak na gusto nyo! Hindi ako kasing talino nila! Bakit hindi nyo matanggap kung ano lang ako?!" humahagulgol na sabi ko

Napanganga sila sa narinig

Sandaling binalot ng katahimikan ang paligid

"Kasi... Wala kaming anak na bobo! Ngayon maari ka ng lumisan sa pamamahay ko!" sigaw ni daddy

Kaya kahit labag sa loob ko'y sinunod ko. Umalis ako.

–––

It's been a years since nangyari yon pero heto ako at inaalala ang bawat piraso ng nakaraan kong iyon. Nang dahil sa isang pagkakamali? Nagawa nila akong palayasin?

Nang dahil sa isang pagkakamali? Binitiwan nila akong basta basta na para bang isa nalang basura.

SA ISANG PAGKAKAMALI lahat nawala saakin maging ang magulang na ninais ko lang pasayahin.

-END

Shashaxxe

ONE SHOTS Where stories live. Discover now