Pinky Promise #1

758 22 4
                                    


Apat na taon na simula noong huli kong makita si Jimin.Tinotoo niya ang sinabi niya dahil hindi na siya muling nanggulo o kaya naman nagparamdam saakin.

Isang buwan matapos akong umalis sa isla ay nalaman kong may Serenity na pala ako.

Si Serenity ang naging rason kung bakit hindi ko itinuloy ang pag divorce ko ng kasal namin ni Jimin.Siya rin ang naging rason kung bakit naging matapang ako para ipaglaban ang pagmamahal ko kay Jimin.

Nanatili ako dito sa Busan kung nasaan ang papa ko.

Ang business namin ni Lucy ang tumulong saakin para tustusan ang pangangailangan ni Serenity.

"Hanggang kelan mo siya itatago kay Jimin anak?"rinig kong tanong ni papa habang pinagmamasdan ko si Serenity na naglalaro sa sala.

"Sa totoo lang pa hindi ko alam.Ayaw ko namang ipagkait sakaniya ang tatay niya."

"Hindi habang panahon maitatago mo siya kay Jimin anak.Kasal parin naman kayo kaya wala namang masama kung maging pamilya kayo diba?"

Napatitig nalang ako sa masayang mukha ng anak ko."Sa tamang panahon pa ipapakilala ko rin siya kay Jimin."

"Lumaking mabait at matalinong  bata si Serenity kaya maiintindihan rin niya kung bakit hindi niya agad nakilala ang tatay niya."

"Sana dumating rin ang tamang panahon na sinasabi mo anak."

"Sige iwan muna kita dito at mag grogrocery lang ako."saad ni papa sabay tapik ng balikat ko bago tuluyang umalis.

Sana nga maintindihan ni Serenity kung bakit hindi niya agad nakilala si Jimin.

~

Wala akong pasok ngayon kaya napagdesisyonan kong dalhin sa park si Serenity para hindi nalang siya palaging nakakulong sa bahay.

Habang lumalaki si Serenity ay mas lalo niyang nagiging kamukha si Jimin.Mula sa ngiti niya,mga matang nawawala kapag tumatawa siya,pag uugali niya at pagiging makulit niya.

Kasalukuyang nakikipag habulan si Serenity sa mga kalaro nitong bata nang bigla itong matisod dahilan para madapa ito.

Agad akong tumakbo papunta sakaniya dahil baka kung napaano na ito.

Akmang bubuhatin ko na sana siya nang bigla itong tumayo.

"I'm okay mommy.Don't worry."ngumiti siya ng pagkatamis tamis saakin na para bang walang nangyare.

"But your knee"saad ko habang nakatingin sa tuhod niyang may sugat.

"It's okay mommy.It's just a scratch."sagot niya sabay labas ng band aid mula sa kaniyang bulsa.

"Where did you get that?"takhang tanong ko sakaniya habang inilalagay niya ang band aid sa tuhod niyang may sugat.

"It's from tita ganda.She said that i must learn how to take care of my self because i'm a big girl now."Nag pout ito dahilan para lalong tumaba ang pisngi niya.

Jusko talaga itong Lucy kung ano anong sinasabi eh apat na taon palang naman si Serenity.

"Nope,Mommy is always here to take care of you."saad ko at tinulungan na siyang ikabit ang band aid sa tuhod niyang may sugat dahil halata sa mukha nito na nahihirapan na siya.

"And that's because?"tanong ko sakaniya pagkatapos kong ilagay ang band aid sakaniyang tuhod at pagpagin ang nadumihan niyang damit.

"I'm your baby."pagtutuloy nito ng sinabi ko sabay ngiti.

"Yepp.Now show them how brave my baby is."

"Yeahh!I'm going to win this time."determinado niyang sabi sabay takbo pabalik sa mga kalaro niya.

"Take care okay?"pahabol kong bilin sakaniya.Nag thumbs up ito bilang sagot bago tuluyang nakipaglaro sa mga kasama niya.

"Fighting!"saad ko bago bumalik sa isang bench kung saan ako nakaupo kanina.

Hindi ko namamalayang lumalaki na si Serenity.Ang bilis lumipas ng panahon.Parang kahapon lang noong huli kaming magkasama ni Jimin sa isla.

Kamusta kana kaya?

Ako parin ba?

Napabuntong hininga nalang ako at ipanagpatuloy ang pagbabantay kay Serenity.

Balang araw makilala mo rin ang tatay mo Serenity.Balang araw.

                    
End of Chapter

The Pinky Promise:ForeverWhere stories live. Discover now