Chapter 2

4.3K 87 0
                                    

"You're late again!"

Kakababa ko lang ng hagdanan pero bumungad agad sa akin ang boses ni Erva. "Morning." walang gana kong bati sa kanya at nilagpasan siya papuntang dining table.

"Wow! Ako na nag effort ako pa babalewalain! Pinuntahan na kita dito kasi ang sabi mo puntahan kita ng alas otso ng umaga kasi pupunta tayo sa botique ng auntie mo pero mag-aalas diyes na tulog mantika ka pa rin!" reklamo niya at umupo sa kaharap kong upuan.

Kumuha ako ng bread toast at scrambled eggs. Tumatango na lang ako sa mga reklamo ni Erva.

"Tapos hindi ka pa pala nakaligo? Por diyos por santo, Sariya! Maaga akong tatanda ng dahil sayo."

Walang buhay akong uminom, "Wait me here. I'll just prepare myself."

"Bilisan mo at baka ubos na ang mga gown ng auntie mo!"

Pagdating ko sa kwarto ay madalian akong naligo. Umupo ako sa vanity table bago nilagay ang contact lens sa mga mata at naglagay ng kaunting powder sa mukha.

Nagsuot lang ako ng denim short shorts at off shoulder. As for my feet, I chose a 2 inch sandal. Kinuha ko ang chanel sling bag na binili ko sa San Diego.

"At last! Nandito na ang mahal na prinsesang walang prinsipe." sigaw ni Erva nang makababa ako.

I rolled my eyes and go to the garage. Pinili ko ang kulay pula na BMW. Habang nagda-drive ay pinatigil muna ako ni Erva sa isang Starbucks. Napailing na lang ako sa pagiging matakaw ng babaeng iyon.

"Sariya! Long time no see!" magiliw na salubong ni Auntie Rehana, well she owns the botique.

Ngumiti ako, "Nice to see you, Auntie. I'm here with my friend because of the party mamaya nila mommy." ipinuwestra ko ang kamay kay Erva na agad namang bumati kay Auntie.

"Latest?"

"Of course, Auntie. Latest."

Napatingin ako kay Erva na kumalabit sa akin, "Anong latest ang pinag uusapan niyo? Diyos ko baka pinagbibili mo na pala ako sa Auntie mo." bulong niya.

Pinitik ko ang noo niya bago sumunod kay Auntie sa loob ng kwarto na pinasukan niya.

"And here it is, latest gowns for my lovely niece and her friend. Enjoy girls!"

Pagka-alis na pagka-alis pa lang ni tita ay nagtatalon na si Erva. "Oh my god, Sariya! This is why I love you so much! When you're getting spoiled, kasama ako!"

Hindi ko siya pinansin at naghanap na lang ng gown na babagay sa akin. Kinuha ko ang isang halter neck sleeveless slit na gown at ibinigay iyon sa babaeng pinadala ni Auntie para tumulong sa amin.

I'm sure that it will fit on me kahit hindi ko na sukatin.

"Sariya, what will look better on me? This or this?" tanong niya at ipinakita sa akin ang dalawang gown.

I clucked my tongue and choose the off shoulder gown that will hug her curves too. She smiled widely at me.

"Wala ka namang boobs na ipapakita if you choose this one e." sabi ko.

Her smile faded and it became a pout, "Alam ko naman 'yon. Wala kasi ako nito." she cupped both of my breast.

"What the fuck!? Erva!" sigaw ko pero ang bruha tumawa lang ng malakas.

Nakasimangot na pumili din ako ng heels. I chose the silver 5 inches heels. We ate at a restaurant almost 1 p.m. Pagkatapos ay pumunta kami sa isang salon na pagmamay-ari ng isa ko pang Auntie.

"What look do you want, baby Sariya?" tanong ni Auntie Lezeil.

Kagat ang labi na sumagot ako, "The look that will suit my eyes, Auntie."

Auntie's eyes widen in shock, "Well, I will do my best for my favorite niece." sabi niya nang makabawi mula sa pagkagulat.

"SURE ka ba na hindi mo susuotin 'yang contact lens?" muling tanong ni Erva.

Tumango ako habang nagsusuot ng heels. "Relax, Erva. Isa na lang at pang-sampu na ang itatanong mo." I chuckled.

"Eh kasi naman e! Alam kong hindi ka sanay na hindi nagco-contact lens. Kaibigan kita kaya concern lang ako sayo." nakalabi niyang sabi.

I smiled at her, "I'm ok, Erva."

Napabaling kaming dalawa sa pintuan ng kwarto ko nang bumukas iyon. Sa bahay lang ginanap ang party dahil malaki naman at kayang umukupa ng hindi tataas sa isangdaang mga tao. Relatives and family friends lang naman ang inimbita nila mommy

"Ready? Hinihintay na kayo nila mommy."

Sinipat ko ang itsura ni kuya. "In fairness, you look like a big brother to me now." komento ko at pumalakpak. "But, I don't want you to be my date tonight. Maaasiwa lang ako sa mukha mo. Here." ibinigay ko si Erva sa kanya. "Be her date tonight."

Lumabas na ako ng kwarto pinauna ko sila kuyang bumaba sa hagdanan.

"Here comes the handsome eldest, Clyf July Alvarez Quervas, with his stunning date, Menerva Perciana! A round of applause everyone!"

Narinig kong sabi ng MC kasunod ang masigabong palakpakan. Taas noo akong naglakad patungo sa hagdanan.

"Last but not the least, the youngest and last child of Mr. and Mrs. Quervas. The stunning Miss Sariya February Alvarez Quervas! A big round of applause please!"

Habang pababa ng hagdanan ay nanatiling nakataas ang aking noo. I can see the awe and admiration in their eyes. Nang makababa ako ay dumaretso ako sa table nila mommy.

"Happy Silver Anniversary, mommy and daddy." i pouted. "I don't have a gift. Sorry."

Mahina natawa si mommy, "That's ok, baby. We understand naman at saka we don't need anything except you and your kuya."

Muli ay niyakap ko sila at umupo na sa table nila kuya.

"Good thing you realize that you look more beautiful without those lenses."

Napatingin ako kay kuya na nakatingin din sa akin, "Ngayon lang."

He chuckles before talking with someone about business.

Kumuha ako ng isang wine glass nang may dumaang waiter sa harap ko. Habang sumisimsim ng wine ay inilibot ko ang paningin. Ang ilan ay kilala ko dahil kapamilya namin ngunit ang iba naman ay hindi. Napadapo ang aking paningin sa isang lalaki na nakaupo sa isang gilid at nakatingin diretso sa akin.

Ibinaba ko ang wine nang hindi tinatanggal ang paningin sa kanya. I tilted my head exposing my neck and parted my lips a little while looking at him. He's just looking at me without any emotion on his face.

I licked my lower lip slowly. Nakita ko ang pagsunod ng mata niya sa dila ko. I bit my lower lip and smirk at him. He still shows no emotion.

Lumingon ito sa isang babae na lumapit sa kanya. He talk at her and nodded afterwards. Napatingin ako kay Erva na lumipat ng upuan sa tabi ko.

"Kaloka naman ng MC! Binanggit pa talaga ang buo kong pangalan! Diyos ko po! Pero alam mo ba? Thank you kasi- hoy! Nakikinig ka ba?"

"Do you know him?" tanong ko at inginguso ang lalaki na may kausap pa rin.

Tinuro niya ang lalaki, "Hindi mo 'yan kilala? Saan bundok ka ba galing, Sariya? That's Rago Ken Marquez! May ari ng Marquez Group of Companies! Tanyag yan dahil nga magaling kahit itanong mo pa sa kuya mo I'm sure kilala niya yan."

Hmm? Rago Ken Marquez huh?

Parehong napatingin kami ni Erva sa isang lalaking tumigil sa lamesa na inuukupa namin.

"You're still gorgeous as ever, Riya."

Yumuko ako at mariing ipinikit ang mga mata. Anong ginagawa ng makulit na lalaking 'to dito?!

Loving Rago Ken MarquezWhere stories live. Discover now