Chapter 32

3.2K 75 0
                                    

"W-w-what?"

He gritted his teeth, "Don't try to fool me. Tell me, Sariya."

"A-ano namang sasabihin ko?"

Napaatras ako ng masama niya akong tinignan, "Tell me! Ano? Aalis ka na naman? Bakit? Iiwan mo na naman ako?!"

"Oo! Aalis na naman ako! Iiwan na naman kita!" balik kong sigaw.

He gaped, looking so hurt. "Why? May nagawa ba ako?"

"Wala sa plano ko ang makita o kausapin ka nang umuwi ako dito."

"Y-you hate me that much?"

I look away as soon as tears are visible on his eyes. Hindi ako sumagot. Napaupo siya sa kama habang sapo-sapo ang ulo.

"Umalis kana lang, Rago. U-umuwi kana." tumalikod na ako.

"Ganoon na lang ba 'yon?" napatigil ako sa paghakbang nang marinig ang basag niyang boses. "Kung kailan ayos na 'yung buhay ko, saka ka naman aayaw?" I can clearly hear that he's stopping himself from sobbing. "Sariya, ang unfair mo naman. Sa apat na taon na nagdaan, i-inaayos ko 'yung buhay ko habang... nababasag ako dahil wala ka sa tabi ko pero.. pero tiniis ko 'yon kasi umaasa akong babalik ka."

Pumikit ako at tahimik na lumuha. Ang sakit marinig ang nahihirapan niyang boses pero alam kong mas masasaktan ako paghumarap ako sa kanya.

"Akala ko matatanggap mo ako pagbalik mo. Akala ko—"

"Akala ko nga rin! Akala ko magiging ayos tayo pagbalik ko pero akala ko lang pala 'yon. Masakit dito, Rago!" I pointed my the center of my chest. "Masakit na makita kang masaya—"

"Paano ako sasaya kung wala ka?!" he fired back, shutting me up. "You're the only happiness that I have! You are like a drug that keeps me sane!" he stood up and walk in front of me. "Paano mo nasabing masaya ako kung wala ka naman sa buhay ko?"

Napipilan ako.

"If you're leaving, then I'll come with you."

I shook my head, "You can't. P-paano si Janila?"

"Matagal na kaming wala. We stayed being friends after turning the marriage down."

Nakagat ko ang labi dahil sa pagkakapahiya. Buti na lang ay hindi ko nalabas ang selos na nasa loob ko kung hindi ay kahihiyan lang ang abot ko.

"Please don't leave. Please.." he pressed our foreheads together and wiped my tears. "Don't cry. Your tears kills me."

Tumango ako at pinunasan din ang luha sa pisngi niya. We stayed like that for some couples of minutes and bothered by a knock on the door.

"Tapos na ba kayo?"

Kumunot ang noo ko sa tanong ni kuya. "You knew?"

He shrugs, "Kakain na." then he walk away.

Nilingon ko si Rago at nauna ng lumabas ng kwarto. Nang makarating sa dining table ay napatingin sila sa amin. Pinaupo ko si Rago sa katabi ng upuan ko.

"Good evening." he greeted.

"Where's Kenny?" tanong ko kay Rez na nasa kabilang upuan.

"Sleeping in her room. Napagod yata."

Tumango ako at tumahimik. Ang awkward dahil kasama namin si Rago tapos wala pang imik sila kuya.

Napatingin ako kay kuya Vince na tumuktok sa lamesa, "Is this some kind of prayer meeting? So quiet."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Rago." dad called. "I would like you to meet Vince Daniel. Sariya's cousin."

Loving Rago Ken MarquezWhere stories live. Discover now