Chapter 34

3.6K 73 1
                                    

Hawak hawak ang ulo na lumabas ako ng kwarto. Bwesit na advil 'yan! Ngayon pa ako nawalan ng stock sa kwarto ko! Kung kailan parang pinupukpok sa sakit.

Agad akong napangiwi nang makabangga ko si kuya Vince. Para akong inatake ng biglang pagkahilo.

"Kuya, may advil ka? Nawalan ako." sabi ko habang minamasahe ang ulo.

He shook his head, "Ayan, inom pa! Sana lang talaga hindi mamana ng anak mo iyang ugaling lasinggera mo." inakbayan niya ako. "Sa baba. Ipapa-orasyonan kita kay Auntie."

Akay-akay niya ako papunta sa kusina kung nasaan si mommy na may inaayos doon. Umupo ako sa upuan at nilagay ang dalawang siko sa mesa bago minasahe ulit ang sintido.

"Auntie, saan ba nagmana itong lasingga niyong anak, ha?"

Tinapunan ako ng tingin ni mommy habang sumasandok ng soup, "Alvarez and Quervas are both great at drinking. Pagpinaghalo ang dalawang pamilya ay paniguradong may high alcohol tolerance ang pamilyang nabuo." mom put the soup in front of me together with an advil and glass of water.

"Si Kenny ba.. kumain na?" I hesitantly asked.

Tumango si mommy, "Oo kahit parang ayaw ng humiwalay sa ama."

"Ama? Si Rago? Nandito siya?" kunot noong tanong ko.

Si kuya Vince ang sumagot, "Tanga, malamang! Sa tingin mo ba sino ang bumuhat sayo papunta sa kwarto mo, mga bote ng alak na nilaklak mo kagabi?! Grabe ka! Hindi ka man lang nahiya!"

Masamang tinignan ko si kuya Vince, "Ang epal mo."

Naputol ang pag-uusap namin nang pumasok sa kusina si Kenny kasama si kuya Haze at Rezi.

"Guid mornin, mommy!" sigaw nito. "Guid mornin, lola and tito Vince!"

"Ang ingay mo naman, Kenny." reklamo ni kuya Vince. "Ayan may daddy kana ha baka gusto mong bayaran 'yung laptop ko."

Tumabi sa akin si kuya Haze, "Ang kapal talaga ng mukha nyang si Vince." he whispered. "Ampon yata nila Auntie Rehana 'yan e."

"Auntie Sarah, pahingi ako nito ha." paalam ni Rezi habang sumasandok ng soup.

Tumabi siya sa akin at magsimula ng halu-haluin ang soup niya. Hinawakan ko na ang kutsara at sinimulan na rin ang paghalo para palamigin ng kaunti ang soup.

"–hindi naman masama. You can do whatever you want just don't hurt her."

Napatingin ulit ako sa pumasok sa kusina na sila daddy kasama si kuya at si Rago?! Agad na bumalik ang tingin ko sa soup. Anong ginagawa niya dito? Akala ko umalis na siya!

"Oy! Oy! Ano 'yang dala mo, Rago? Regalo ba 'yan para sa'kin?"

"Magtigil ka nga, Vince." suway ni mommy.

Ngumuso si kuya, "Ano nga kasi? Naku-curious lang naman ako e."

"Clothes." simpleng sagot ni Rago.

Damit? Ano gagawin niya sa damit?

"Nino?" pakiki-usyuso ni Rez.

"Mine. I told Rio, my brother, to bring me some clothes. I planned to stay here for some couple of days since my family is not yet moved on our own house."

Rez's mouth formed an 'o' before taking a full spoon of soup again. Family? Paanong pamilya, e, wala nga kaming relasyon.

Tinusok ni kuya Haze ang tagiliran ko, dahilan ng pag-igtad ko sa upuan, "Mag-aalsa balutan kana. Malapit na." nakangisi niyang bigkas.

Hinampas ko siya, "Shut up, kuya Haze. Masakit ang ulo ko kaya tigil tigilan mo ako."

"Sus, excited ka lang e."

Loving Rago Ken MarquezWhere stories live. Discover now