Chapter 5

3.3K 84 0
                                    

"Ma'am! Good afternoon po."

I smiled at the guard and enter the gate. Pinarada ko ang kotse sa garahehan. Kinuha ko ang duffle bag at binuksan ang pinto ng kotse. Binaba ko ang zipper ng jacket hanggang dulo at pumasok na sa bahay.

"You wore that while meeting the client?"

Napatigil ako sa paghakbang nang makita si kuya na nakaharang dadaanan ko. "What do you expect? Nasa studio ako nang tawagan mo ako at saka mali ang nakuha ko. It was supposed to be a t-shirt but I got this sports bra so no choice but to wear this during the meeting." I explained and walk away from him.

"How's the meeting?" he chased me.

I shrug, "Still a meeting."

Tumigil siya sa paghabol sa akin, "Tanga ka ba? Syempre meeting pa rin iyon. Ang ibig kong sabihin ay kung anong kinalabasan."

Hinarap ko siya, "Malapit ko na sanang iwan kasi sumasabay siya sa hangover ko. Napaka-arogante ng lalaking iyon! Tapos.. tapos.. ay basta!"

Iniwan ko siyang nakatayo doon at dumaretso na sa kwarto. Tinapon ko ang dalang duffle bag sa sahig bago umupo sa recliner chair. Tumingala ako at pumikit.

A face appeared on my mind.

Rago

That perfect looking jawline, pointed nose, thin lips, long lashes, thick brows, well built body, those muscles–

Nanlalaking mga mata akong nagmulat. What the hell am I thinking?! Lumunok ako nang maalala ang labi niyang mamula-mula. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumasok sa cr.

Isa isa kong tinanggal lahat ng damit na suot at sumuong sa malamig na shower. I can feel my skin burning with a sensation I cannot name. Inuntog ko ang noo sa tile ng pader. I'm not thinking straight!

You're raping him in your mind, idiot!

Madalian kong tinapos ang pagligo at pinatuyo ang sarili. Nagsuot ako ng pajama at lumabas na ng kwarto. Bumaba ako sa hagdanan at dumaretso sa dining table.

"Mom, Dad!" bati ko at umupo sa tabi ni mommy.

Kuya snapped his fingers on me, "Bakit ako hindi mo binati?"

"I'm still mad at you." sagot ko.

He pouted, "Pero, sis, hindi ko naman sinasadya iyon. I didn't mean to disturb you and your studio–"

"I get it. Shut up, will you?"

Tumigil siya sa pagsasalita at kumain na lang. Kumuha ako ng kanin at menudo. Habang kumakain ay binasag ni mommy ang katahimikang namayani sa amin.

"Register someone for me on your dance class, Sariya. Her mother, one of my friends, told me that her daughter wants to learn dancing so I recommended your studio."

Nagpunas ako ng napkin sa bibig habang tumatango, "Tell her daughter to stop at my studio for the papers."

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako para matulog. Kakahiga ko lamang sa kama ngunit ramdam ko na agad ang paghatak ng antok sa akin.

"ERVA ready some registration papers. May sasali." utos ko nang makapasok kami sa studio. We parted ways because I directly go to the room. Nilagay ko ang duffle bag sa gilid at umupo sa harap ng salamin.

I concentrated for awhile and fix my shoelaces.

"Ate Sariya, good morning!"

Mula sa salamin ay tumingin ako sa mga studyanteng pumasok sa pinto at nagkanya-kanyang lagay ng mga bag nila sa gilid.

Loving Rago Ken MarquezWhere stories live. Discover now