Chapter 11

2.9K 82 3
                                    

I nervously knock on our gate.

Binuksan iyon ng isang guard na agad nagliwanag ang mukha. "Ma'am! Kagabi pa po kayo hinahanap ng mga magulang niyo!"

Nakatungong pumasok ako at naglakad papunta sa pinto ng malaking bahay. Tinignan ko ang pinto nang may lumabas doon.

"We'll contact you if we found Sariya."

Napatakbo ako nang makita si Uncle Vincent. "Uncleeeeee! Kailan ka pa umuwi?! May pasalubong ako? Ha, Uncle! Nasaan? Nasa kwarto ko na ba?" excited kong tanong.

Asawa siya ni tita Rehana and they flew to Paris after mom and dad's anniversary and he's a General.

"Sariya!" hinigit niya ako papunta sa kanya. "Por diyos, por santo! Saan ka nanggaling ha!? Halos mabaliw ako sa club kagabi mahanap ka lang!" nagsimula na siyang humikbi. "Tumawag na ako dito sa inyo kasi akala ko umuwi kana pero yung kotse mo nandoon pa rin! Nasaang lupalop ka ba galing ha!?" umiiyak na sigaw ni Erva.

Tinignan ko rin si mommy, pati siya ay umiiyak, pati si daddy. Si kuya naman ay halatang galit.

"I-I can explain. Last night, I w-went to the cr-"

"Shut up!" sigaw ni kuya. "Stop lying! Halos pinahalughog ko ang club na 'yon! Ni isang cr, walang anino mo!"

"Stop it, Clyf." saway ni daddy.

Kagat ang ibabang labi na tinignan ko silang lahat. Puro disappointment ang nababasa ko sa mata nila. "I'm s-sorry." my tears trailed down to my cheeks. "I-I was with a f-friend. That's it." humihikbi kong sabi. "I'm sorry." bulong ko at tumakbo na papunta sa kwarto ko.

Nilock ko iyon at umiiyak sa kama ko. Bakit ba kasi hindi ko naalalang itext si Erva? Si kuya? O kaya sila mommy?

Ngayon galit na sila sa akin. Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak ngunit ng dahil sa hapdi ng mata ko ay nakatulog ako.

I woke up because of my ringtone. Walang ganang inabot ko iyon at tinignan ang pangalan ng tumatawag.

An unknown number?

Pinatay ko lang iyon pero agad namang tumawag ulit. Bumuntong hininga ako bago iyon sinagot.

"Why did you declined my first call?"

Tinignan ko ang cellphone na nasa ibabaw ng kama. Boses iyon ni Rago at halatang inis ito.

"Sariya."

"Sariya? Are you there?"

I hummed. Saglit siyang natahimik.

"Did something happened?"

Pumasok ulit sa isip ko yung kanina. I immediately teared up.

"Hey."

I sob which made him stop.

"R-Rago.. they're d-disappointed at m-me." hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako. "B-because I lied. Was that t-too much? Na-nakalimutan k-ko kasi silang i-text kagabi." I cried again.

He shushed me, "Don't cry." I heard him sighed. "Do you want me there? I can make excuses."

Umiling ako, "Huwag na." my tummy growled. "Rago? Can you cook for me?"

"Of course. What do you want?"

Napaisip ako, "Can you cook adobong liver? I didn't eat pa kasi e."

I heard him chuckled, "Even in phone, your conyo language can make me happy."

"Naman e! I'll send my secretary, Rosemary, on your building. Then give her the food. Thank you."

Loving Rago Ken MarquezWhere stories live. Discover now