Chapter 23

2.8K 60 0
                                    

4 years later...

"SARIYAAAAAA! Your friend!"

Agad akong napabangon nang marinig ang sigaw ni Rez. Nasapo ko ang ulo at umupo sa kama. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ngunit hindi ko na kailangang lingunin iyon.

"Omg! Omg! Menerva! Si Menerva!" Rez exaggeratedly sat beside me holding a piece of envelope.

My eyes widen, "What? What happened to her?!"

Binigay niya sa akin ang envelope bago tumalon talon sa ere. "Look!"

Naguguluhang binuksan ko ang envelope, "No way!" nanlalaki ang mga mata na tinapos ko ang mga nakasulat sa papel. "Ikakasal na siya?!"

Nanginginig na tinawagan ko si Erva pero walang sumasagot kaya si Carli ang tinawagan ko.

"Buen dia, mi amiga! Cuál es el problema?" Good day, my friend! What's the problem?

"What the fuck is happening there?!" singhal ko. "Why did I get an invitation for Menerva's wedding?!"

"Mantenga la calma! I didn't know too. I'm in Spain, remember? I got one too and Menerva told me to fly back to the Philippines fast."

I took a deep breath, "So.. see you back to Philippines?"

"Yeah."

"Are you ready to face him again?" tanong ko. Her line became silent.

"I guess, you?

I chuckled, "We'll see. I'm gonna pack our things. Bye boob!"

She laugh, "Ugh! I miss that! See you soon!"

Nang mamatay ang linya ay tinignan ko si Rez na nakahiga sa kama ko with a serious face. I stood up and walk towards the closet. Kinuha ko ang tatlong maleta at pinatong ang mga iyon sa kama.

"Are you ready to go home?" Rez suddenly ask. I hummed. "To see him?"

Sandali akong natigilan sa paglabas ng mga damit ngunit agad ding nakabawi. "We'll see." Kinuha ko ang isang hanger at binato siya. "Would you mind helping me?" sarkastiko kong tanong.

She laugh and help me pack our things. Nang matapos ay nagpaalam na si Rez dahil mag aayos din siya ng gamit, inimbitahan din daw kasi siya.

Humihikab na bumaba ako ng hagdanan. No one is in the living room but I can hear some voices from the kitchen kaya doon na ako dumaretso. Kakapasok ko lang ay mga tawanan na agad ang bumungad sa akin.

A little toddler run towards me. Nakangiting umuklo ako at kinarga siya. She giggles and kiss my cheeks.

"Guid mornin, mommy!" she showered my face with kisses.

Pinanggigilan ko ang pisngi niya, "Morning little one. Does tito Haze's waffles improved yet?"

She shook her head and pointed at the waffles above the table. "Tastes bad."

"Hey! Take that back!" asar na dinuro kami ni kuya Haze.

Tinignan ko ang mga nasa lamesa, "What's with the s'mores? Are we going camping again?"

Sumara ang pinto ng ref, "No. That.." he pointed the little girl I'm carrying. "..she requested s'mores so, as her awesome tito.." he flexes his biceps. "..I granted it."

Agad na natawa kami nang makita ang isang waffle na nakatapal sa mukha niya.

"Kung wala lang bata dito minura na kita, Haze." he removed the syrup on his face.

"Beat me, Vince." agad na tumakbo si kuya Haze nang sugurin siya ni kuya Vince.

Kuya Vince is Auntie Rehana and Uncle Vincent's only son while Rezi and Kuya Haze are Auntie Lezeil and Uncle Harris' children.

Inupo ko sa pambatang upuan si Keniya para ayusin ang gulong ginawa nila sa kusina. I can hear her small giggles while eating the s'mores that kuya Vince made.

"Want, mommy?" she offered.

Nginitian ko siya at kumagat sa s'mores na hawak niya. Pagkatapos maglinis ay nagsimula na akong magluto ng bacon at scrambled eggs. Nakaupo na rin sa magkabilang tabi ni Keniya sila kuya kumakain ng s'mores.

Nilagay ko sa lamesa ang mga niluto bago kumuha ng tinapay at mayonnaise mula sa pantry. Pumasok na rin si Rez sa kusina at umupo sa tabi ko, kaharap nila kuya.

Gumawa ako ng bacon and eggs sandwich at binigay iyon kay Keniya.

"I received an invitation." basag ni kuya Vince sa katahimikan.

"Me too. I'm sure pati mga magulang natin mayroon din." segunda ni kuya Haze.

Hindi ako umimik dahil alam kong nakatingin silang lahat sa akin.

"Invition?"

Natawa ako sa kuryusong boses ni Keniya. "It's invitation, love." inabot ko ang pisngi niyang may itlog at mayonnaise. "We're going to Philippines."

Her eyes widen, "To lolo and lola?" tumango ako. "To tito Clyf?" tumango ulit ako. "Toooooys!"

Huminga ako ng malalim dahil sa sinigaw niya. Ayan, puro suhol kasi sila. Tumatawang siniko ako ni Rez.

"Tiba tiba 'yan pag umuwi ng pilipinas." sabi niya habang nakatingin kay Keniya.

"Gusto mo ng toys, Kenny?" Kuya Haze asked. Agad naman itong tumango. Kuya Haze deviously looks at Kuya Vince, parehong may masamang ngisi ang dalawa.

"Samahan ka namin sa pamimili, gusto mo? Pupulubihin natin si tito Clyf." nakangising sulsol din ni kuya Vince.

Nang tumango si Keniya ay agad na nag apir ang dalawa at tumawa ng malakas. She looks so clueless that they're using her to make fun at her tito Clyf.

"It's gonna be a loooong experience for her." bulong ni Rez.

"MOMMY, hungry."

Agad na binigay ko sa kanya ang sandwich na ginawa ko bago umalis sa bahay. Pagkatapos kumain ay pinahiga ko na siya ulit sa upuan ng private plane namin. She immediately fall asleep while hugging a pillow.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng bintana. Hours from now we'll be arriving to Philippines. Nagpakawala ulit ako ng malalim na hininga bago pumikit.

Nagising ako dahil sa pagyugyog sa akin ni Rez. "Welcome back." she said with a worried face.

I chuckled and look at my daughter, "Baby.." I lightly pinched her cheek. "Wake up. Keniya. Kenny we're here." I kissed the tip of her nose.

She moved and hug my neck, "Guid mornin." she mumbled.

I kissed her cheeks, "Rise and shine, love. Come on. Your titos and tita are waiting outside. Up. Up." kinarga ko siya dahil baka madapa pa pag pinaglakad.

"Welcome to the Philippines, Kenny!" sigaw ni kuya Vince at kuya Haze.

My daughter rubbed her eyes, "Is that lolo's house?" she pointed the airport, we're still beside the airplane waiting for our ride.

Natawa kami dahil sa inaantok niya boses at sa tinanong niya.

"Mayaman ang lolo mo pero hindi yan ang bahay nila." explain ni Rez.

Isang puting limousine ang pumarada sa harap namin. Lumabas mula doon ang driver at magalang na sinabihan kaming sumakay na dahil siya na ang bahala sa mga gamit.

Habang papunta sa bahay ay nakatingin lang sa labas ng bintana si Kenny. Nang tumigil ang sasakyan dahil sa traffic ay may tinanong si Rez.

"Anong gagawin mo pag nagkita kayo?"

Lumunok muna ako at hinalikan ang ulo ni Kenny. "Hindi ko alam."

That question carved on my brain. Ano nga ba? Paano ko siya haharapin? Would he still remember me? Would he accept my daughter?

Our daughter?

Loving Rago Ken MarquezWhere stories live. Discover now