Panimula

428 9 3
                                    

Isusulat kita sa bawat pahina. Ikukubli sa mga letra at kung hindi mo man masuklian ang bawat 'mahal kita' pangako, paulit-ulit akong mahuhulog sa iyo paulit-ulit ka mang mahulog sa kanya.

Marahan kong itinuwid ang nalukot na mga pahina. Hanggang kailan ko tutuparin ang pangakong araw-araw kitang iibigin?

Jennie, mahal kita hindi man iyon nakikita ng iyong mata.

"Lis," tawag niya habang papalapit sa akin.

Nakatayo ako sa ilalim ng malaking puno ng Akasya habang hinihintay siya. Ito na rin siguro ang huling beses na hihintayin ko siya.

"I'm getting married, I hope you could come. Be my photographer, please." Ngumiti siya nang malawak.

Ang ganda-ganda mo pa rin. 'Yung gummy smile mo, 'yung mata mo, 'yung cheeks mo, 'yung nunal mo sa may baba kilay, ang lahat-lahat sa 'yo na lihim kong minamahal.

Pinaghandaan ko na ang ganitong senaryo, pero kahit pala anong gawain ko, hinding-hindi ako magiging handa sa pagkawala mo.

"I'll come, don't worry Ninibear," tugon ko bago ikinubli sa likuran ang librong hawak-hawak ko.

"Thank you, Lilibear. I love you," usal niya sabay halik sa pingi ko.

Mahal din kita. Mahal na mahal.

"Thank you," sabi ko.

Napakamot siya sa ulo.

"Hayan ka na naman e, bata pa lang tayo magkasama na tayo pero kahit isang beses hindi mo man lang tinugon ang I love you ko, palaging thank you lang ang sagot mo. Nagtatampo na talaga ako."

Mahal kita, Jennie. Mahal na mahal na mahal.

"Hindi ko naman kailangang tugunin pa. Hindi pa ba sapat na ipinararamdam ko na?"

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Say it, say it. Gusto kong marinig."

Gusto kong pigilan ang nagbabadyang pagngiti pero hindi ko nagawa.

"Yie, nakita ko ang ngiting 'yon, mahal mo ako e," sabi niya na tila nakakaloko.

Mahal nga kita. Mahal kita. Tangina! Mahal kita at ang sakit-sakit na.

"M-mah," napatakip ako ng bibig. Muntik na akong madulas.

"Lisa naman e, kaunti na lang at masasabi mo na. Napakasama ng ugali mo." Umakto siyang nagdadabog.

"Masaya ako para sa 'yo, Jennie," seryoso kong wika.

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi.

"Thank you, Lisa. Sana matagpuan mo na rin ang taong makapagpapasaya sa 'yo." Marahan niya akong hinagkan sa noo.

Natagpuan ko na siya, hindi nga lang kami nagkatagpo mula pa sa umpisa. Natagpuan na kita, natagpuan mo siya.

Napangiti ako nang mapakla. Bumuhos ang malakas na ulan.

Paano kita makakalimutan kung sa bawat pagpikit ng aking mga mata ay mukha mo ang aking nakikita?

•••

Hellooooooooo! Experiment lang 'to. Haha. May gusto lang akong subukan. Wala akong maipangangako sa book na 'to, basta isusulat ko lang. Kunwari masipag ako. Haha. Thank you, thank you. Comments, votes and anything are very much appreciated. Yakaps.

FallWhere stories live. Discover now