Chapter 9

2.8K 225 39
                                    

"Diego . . . anong ginagawa natin dito sa bahay mo? Akala ko ba may pupuntahan tayong sikretong lugar?" takang tanong ni Analyn sa lalake.

Kasalukuyan kasi siya nitong iginigiya papasok sa bahay nito. Akala niya ay pupunta sila sa isang magandang hardin o di kaya'y sa isang tagong talon ngunit nasa harapan sila ng malaking bahay nito.

Kinuntsaba pa nga niya si Maya na tulungan siyang makatakas sa bahay para lamang makipagkita kay Diego.

Tuwang-tuwa siya nang sabihin ng lalake na nais nitong makipagkita sa kaniya at may sasabihin daw ito sa kaniya. Ang hula niya ay magtatapat na ito ng damdamin. Kinikilig siya sa naisip at talagang sinuot niya ang pinakamagandang bestida niya para sa gabing ito.

"Huwag kang mag-alala, Analyn. May ipapakilala lamang ako sa iyo," bulong ni Diego sa kaniyang tenga. Mahal niya ang lalake ngunit nakakapangilabot ang tono ng boses nito ngayon.

Mas bumilis ang tibok ng puso niya nang makita niya ang apat na kalalakihan na masayang nag-iinuman sa may sala ng bahay ni Diego. Naninigarilyo ang mga iyon at naglalaro ng baraha.

Sabay-sabay na napalingon ang apat dahil sa pagdating nila ni Diego. Ang mga ngisi ng mga lalake ay nagpatakot sa kaniya kaya naman mahigpit siyang kumapit sa braso ni Diego.

"D-Diego . . . uuwi na lamang ako. Mukhang may kasiyahan ata kayo ngayon. Makakaabala lamang ako," nginig niyang ani kay Diego at akma na sanang lalakad papalabas ngunit hinigit siya pabalik ni Diego.

"Analyn, huwag ka munang umuwi. Pasiyahin mo muna kaming lima," wika ni Diego habang nakangisi.

Nilukob siya ng takot lalong-lalo na at nakita niya na papalapit sa kanilang kinatatayuan ang apat na lalake. Umiling-iling siya at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak nito sa kaniya ngunit sadyang malakas ang lalake at ayaw siya nitong bitawan.

"D-Diego . . . nagmamakaawa ako . . . pauwiin niyo na ako," iyak niyang sabi. Nilulukob na ang puso niya ng takot at pangamba.

Binitawan siya nito kaya naman dali-dali siyang tumakbo papalabas ngunit biglang hinigit ng isa nitong kaibigan ang kaniyang buhok.

"Saan ka pupunta, binibini?" mala-demonyong tanong nito sa kaniya.

Napaigik siya ng malakas nang hilain siya ng lalake papunta sa isang kwarto gamit ang kaniyang buhok. Pilit siyang nagmamakaawa ngunit ang iba nitong mga kasamahan ay pinapanood lamang siya.

Nang makapasok sa isang kwarto ay itinulak siya nito sa kama at kinubawan. Pinagsasampal at pinagsisipa niya ito ngunit hinawakan siya ng mga kasama nito upang hindi siya makagalaw.

Iyak siya ng iyak habang tinatanggal nito ang kaniyang saplot. Ilang ulit siyang nagmamakaawa habang nakatanaw lamang sa malalamig na mga mata ni Diego na kasalukuyang nakahawak sa kaniyang kaliwang binti.

Hindi siya nito tinulungan.

Ilang ulit nilang pinagsawaan ang kaniyang katawan ng gabing iyon.

Halos mawalan na siya ng boses sa kakasigaw ngunit hindi siya pinakinggan ng mga ito.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Ang mga alaala niyang nagsilbing bangungot para sa kaniya sa ilang taon ng pagiging Analyn niya ang nagpukaw sa kaniya mula sa mahimbing na pagkakatulog. Sisigaw na sana siya upang mawala ang mga iyon ngunit napatigil siya dahil sa mainit na katawang nakayakap sa kaniya mula sa likod. Wala na sila sa kabayo at napapalibutan ng kadiliman ang buong paligid. Mukhang mataas ang kaniyang tulog simula kanina.

My Saviour In Her Past (2nd Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon