Chapter 35

2.6K 180 20
                                    

HORATIA'S POV

"Alam na ba ni Analyn?", nag-aalalang tanong niya kay Isagani habang papauwi sila.

Matapos nilang bumili ng pañeta para kay Analyn ay agad silang dumiretso kina Danilo.

Hindi muna sinabi ni Isagani ang pakay nila sa lalake. Inimbitahan lamang nito sina Danilo at Elisa na magtanghalian sa kanila.

Kaya pala ang rami nitong biniling isda.

Habang papauwi sila ay napaisip siya kung papayag ba si Analyn na isama sina Diego sa panahon nina Anwar.

"Hindi kailangang malaman ni Analyn.", sagot ni Isagani sa kaniya.

Nagtataka siyang napalingon dito kaya naman nagpaliwanag ito. "Naisip na rin iyan ni Anwar kaya naman nagplano siyang huwag na lang sabihin kay Analyn. Napagtanto ni Anwar na baka takot pa rin si Analyn sa mga lalakeng iyon."

Napatango siya sa sinabi ng asawa.

May punto ito.

Baka may trauma pa rin si Analyn sa nangyari. May malaking posibilidad na tanggihan nito ang muling pagkikita nito kina Diego. Kung siya ba naman ang nasa posisyon ng babae ay baka binaon na lang niya sa limot ang nangyari.

Most people do that.

Burying the bad things that happened to them. Kasi minsan naloloko natin ang sarili natin na hindi talaga iyon nangyari.

"Pero... diba makikita pa rin niya sina Diego kung gustong isama ni Anwar ang mga ito?", nagtataka niyang tanong ulit kay Isagani.

Mariin itong umiling.

"Naisip na rin iyan ni Anwar. Babalik sila ni Analyn ngayon sa panahon nito. Tapos maghihintay ulit siya ng kabilugan ng buwan para makapunta muli dito para naman kunin na sina Diego at ang mga kaibigan nito. Hindi nito ipapaalam kay Analyn ang lahat.", ani ng bana niya.

Wow... he really did planned it well.

He really made sure na hindi makikita ni Analyn ang mga lalakeng iyon.

She can feel Anwar's love for Analyn.

Noong nasa panahon pa siya ng lalake ay malimit lang silang mag-usap but when they do, it's always about Analyn.

Lagi itong nagtatanong tungkol kay Analyn.

Kesyo ano ba daw ugali ni Analyn sa orihinal na panahon nito. O di kaya'y ano ba daw mga gusto nitong bagay na gawin.

Laging bukambibig nito si Analyn.

Nang makabalik naman siya dito sa panahon ni Isagani ay sa may kabilang burol sila lumabas.

Yes. The same exact hill kung saan huling hinalay at pinatay ni Diego si Analyn at kung saan muntikan rin siya nitong mapatay.

Dahil sa pagiging madaldal niya ay naikwento niya kay Anwar ang tungkol sa pagkamatay ni Analyn doon.

Agad naman nagdilim ang aura ng lalake pero huli na nang marealize niya na sobra-sobra na ang naikwento niya.

Very detailed kasi ang pagkakakwento niya kaya siguro ramdam na ramdam ni Anwar ang galit.

I believe that's the reason why he's so hot-headed when they saw Isagani and Analyn hugging each other.

All throughout the remaining time ng pag-uwi nila ay laman-laman ng isip niya kung ano ba ang posibleng mangyari kung saka-sakaling makita na ni Anwar sina Diego at ang mga kaibigan nito.

What type of punishments would he do?

Ibibitay niya ng patiwarik?

Nah. Too simple.

Ipapalapa sa mga mababangis na hayop?

I don't think so. Seems boring.

Matanong na nga lang ang lalake para naman kahit sa imagination ay maenjoy niya ang pagpapahirap na gagawin nito sa mga nanghalay kay Analyn.

Dahil sa lalim ng iniisip ay hindi niya agad napansin na nakauwi na sila. Nakuha lamang ang atensyon niya nang may marinig siyang kaluskos mula sa imbakan ng mga ani ni Isagani.

Agad-agad siyang tinulungan ni Isagani na pumanaog sa kalesa.

I have a feeling and it's not a good one!

Maglalakad na sana siya papunta doon nang bigla namang lumabas si Anwar buhat-buhat si Analyn na parang prinsesa.

Nakadamit naman ang dalawa.

Thank goodness!

Pero kitang-kita niya na may nangyari sa mga ito.

Pawisan silang dalawa na parang kagagaling lang ng marathon habang si Analyn naman ay nakatulog na habang nakasandal sa dibdib ng bana nito.

Judging from that triumphant grin coming from Anwar's face ay alam niyang nakascore na ito.

Nameywang siya habang papalapit si Anwar sa kanila ni Isagani.

"Aba't ang galing mo rin no?!", sigaw niya sabay lingon sa mga kumpol ng kahoy na nasa gilid ng bahay. Iyon ang mga kahoy na pinapasibak niya kay Anwar at ni isa ay wala pang nagagalaw doon. "Inuna mo pa ang kalandian mo kaysa gawin ang pinapagawa ko."

Napangisi lamang si Anwar na parang nagsasabi na kahit anong dakdak niya dito ay walang makakatanggal ng kasiyahan sa mukha nito.

"Sabi mo bawal sa loob ng bahay niyo kaya lumabas kami.", maikling sagot nito habang nilalagpasan siya. Papunta ito sa bahay at mukhang ihihiga si Analyn sa spare room na ginagamit ng mga ito ngayon.

Her mouth went agape with what he said.

Teka... loob lang ba ng bahay ang sinabi ko?

Narinig niya bigla ang pagtawa ni Isagani mula sa kaniyang likod kaya naman napalingon siya dito.

Dala-dala pa nito ang lahat ng mga pinamili nila.

"Huwag kang tumawa. Sa sala ka matutulog mamayang gabi.", inis niyang sabi at lumakad na papasok sa bahay.

Agad nahinto ang pagtawa ni Isagani at nagkukumahog na hinabol siya kahit pa man ang bigat-bigat ng mga dala nito.

"Horatia naman! Walang ganiyanan!", panic nitong sabi pero hindi na niya ito pinansin.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

ANALYN'S POV

Ang sarap ng tulog niya pero unti-unti siyang nagising dahil sa mga ingay na nanggagaling sa labas.

Parang ang rami atang mga tao sa labas?

Kahit pa man gusto pang pumikit ng mga mata niya ay pinilit niya ang sarili na bumangon.

Inayos niya ang damit dahil baka mahalata ni Horatia na may nangyari sa kanila ni Anwar.

Hindi niya alam kung anong oras nakauwi ang mga ito dahil nakatulog siya.

Baka naman walang naabutan ang mga ito.

Matapos masiguradong presentable siya ay akma na sana niyang bubuksan ang pintuan pero siwang lang ang nagawa niya nang marinig niya ang pag-uusap ng mga tao sa may sala.

"Sigurado ka bang hindi mo sasabihin kay Analyn?", rinig niyang ani ng isang lalake.

Danilo? Anong ginagawa nito dito?

"Oo nga, Anwar... baka naman magalit si Analyn kung hindi mo sasabihin ang plano mo.", sang-ayon ng isang babae.

Elisa! Nandito rin si Elisa!

Unti-unti siyang lumabas ng kwarto. Lumikha ng ingay ang tuluyan niyang pagbukas ng pintuan kaya naman napalingon ang lahat sa kaniya.

Nandoon sina Isagani, Horatia, Anwar, Danilo at Elisa. Nakaupo ang mga ito sa sala at mukhang nagulat sa biglaan niyang paglabas.

"Anong plano?"

My Saviour In Her Past (2nd Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon