Chapter 15

2.6K 193 36
                                    

Lumilipad ang isipan ni Analyn habang nakasakay sila ni Anwar sa kabayo.

Kasalukuyan silang nagpapatuloy sa paglalakbay pagkatapos nilang kumain ng agahan kanina.

Nahihiya pa rin siya dahil sa nangyari kagabi ngunit may kasama iyong pagkabigla.

Hindi niya kailanman naisip na makakaya ng isang lalake na matulog katabi ng isang babae. Lalong-lalo na at parehas silang nakahubad.

Tinotoo ni Anwar ang sinabi nito at hindi siya ginawan ng masama ng lalake. Kahit pa man ramdam na ramdam niya ang kahandaan nito sa may bandang likod niya ay wala itong malaswang ginawa sa kaniya kagabi.

Unti-unting naiiba ang pananaw niya sa mga lalake dahil sa ginawa nito. Idagdag pa ang kabaitan ng Ama nito at mga lalakeng kapatid sa kaniya.

Pinapakita ng buong pamilya nito na hindi niya dapat nilalahat ang mga lalake.

Lihim siyang napangiti dahil sa napagtanto ngunit agad iyong nawala nang matanaw niya sa unahan ang mistulang bungad ng isang mayamang tribo.

May mga mandirigma na nagbabantay sa harapan at nakakunot ang mga noo habang papalapit sila.

Pinatigil ni Anwar ang kabayo sa harapan ng mga ito bago nagwika, "Si Rajah Humabon ang hanap ko."

Dahil sa sinabi nito ay napagtanto niya kung nasaan sila.

Ibabalik na siya ni Anwar kay Rajah Humabon!

Takot niyang hinawakan ang braso ni Anwar at matinding umiling-iling.

"A-Anwar! Ayokong bumalik dito! Huwag mo akong ibalik dito!", nagmamakaawa niyang ani habang pilit na tinitingnan ang lalake.

Hindi siya sinagot nito at nagpatuloy lang papasok sa tribo nang pinayagan na silang papasukin ng mga bantay.

Bumaon ang mga kuko niya sa braso nito dahil sa takot ngunit hindi iyon ininda ng lalake. Nang dumating na sila sa harapan ng isang magarang bahay na tiyak siya ay pamamahay ni Rajah Humabon ay tinigil na ni Anwar ang kabayo at naunang bumaba. Inilahad nito ang kamay para tulungan siyang bumaba ngunit umiling lang siya at nagmamakaawang tumingin diretso sa mga mata nito.

Hiling niya ay makita ng lalake ang takot at kalungkutan sa kaniyang mga mata dahil sa ginagawa nito ngunit malamig lang siya nitong tiningnan.

Nang makita nitong determinado siyang hindi bumaba ay marahas siya nitong hinila pababa ng kabayo.

Napaigik siya sa ginawa nito dahil napalakas ang higit nito sa kaniya.

Hinaplos niya ang nasaktang braso at tiningnan ng masama si Anwar.

Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay ito lamang ang gagawin ng lalake sa kaniya?!

Nawala ang atensyon niya kay Anwar nang makita ang papalapit na Rajah kasama ang mga tagabantay nito. Nahagip rin ng mata niya ang tiyuhin niya na nasa likod ng Rajah at masamang nakatingin sa kaniya.

"Anwar!", bati nito sa nakahalukipkip na si Anwar. Walang emosyon ang mga mata nito. "Sabi ko na nga ba at hindi kayo lalabag sa usapan!"

"Nandito na ang babaeng Kastilang mapapangasawa mo.", malamig nitong sabi. "Hindi na ako magtatagal at malayo pa ang lalakbayin ko papunta sa aking nasasakupan. Masyadong pabigat ang babaeng iyan at hindi kanais-nais na makasama. Sana'y gabayan ka ng mga Diyos sa pagsasama niyo.", dagdag nitong sabi sabay talikod at dali-daling sumakay sa kabayo. Agad-agad nitong pinakaripas ang kabayo at tuluyan siyang iniwan doon.

Ni hindi man lang ito lumingon sa kaniya.

Ni hindi man lang nito tinanong kung magiging maayos lang ba siya dito.

Ni hindi man lang nito inisip ang damdamin niya.

Ang kaisipang ito ay protektor na biyaya sa kaniya ng Diyos ay tuluyang naglaho at napalitan ng lungkot at pighati.

Napaigtad siya nang marahas siyang hilahin ng tiyuhin habang malakas na sinisigawan.

"¡niña ingrata! ¿Incluso te atreves a huir de nosotros?", malakas nitong sigaw habang hinihila siya papunta sa bahay ng Rajah. Pilit siyang kumakawala sa hawak nito ngunit bigla siya nitong sinampal na nagpatumba sa kaniya sa lupa.
(You ungrateful girl! you even dare ran away from us?)

Hinila siya nito muli pero ngayon ay sa buhok na at pilit siyang pinapapasok sa bahay ng Rajah.

Nang mahila na siya nito ay agad-agad siya nitong tinulak sa isang kwarto na sarado ang lahat ng mga bintana at sinaraduhan.

Bago ito umalis ay dinuro muna siya nito at sinigawan muli. "¡Intenta escapar de nuevo y les ordenaré que te maten!"
(Try to ran away again and I'll order them to kill you!)

Iyak siyang napayakap sa sarili.

Rinig niya ang mga bantay sa labas ng bintana at sa harapan ng pintuan ng kaniyang silid kaya alam niya na hindi siya makakatakas doon.

Talagang hinigpitan ng mga ito ang seguridad sa kaniya para hindi na siya muling makatakas.

Mas lalong lumakas ang kaniyang mga iyak nang matandaan si Anwar.

Iniwan na talaga siya nito.

Wala ba talaga itong nararamdaman para sa kaniya?

Kahit man lang awa?

Ang lahat ba ng kabaitan nito sa kaniya ay tanging pakitang-tao lamang?

Bakit parang wala itong pakialam sa kaniya nang umalis ito kanina?

Maluha-luha siyang humiga sa sahig at niyakap ng mahigpit ang sarili. Kaniyang iniisip ang komportableng init na hatid ng mga yakap ni Anwar na tanging nagpapakalma sa kaniya.

Hinahanap-hanap niya iyon kahit pa man wala na itong pakialam sa kaniya.

My Saviour In Her Past (2nd Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon