Chapter 23

3.1K 218 35
                                    

Author's Note: WARNING: MATURE SCENES UP AHEAD! Hindi na po gaanong ka-explicit ang scenes dahil tatlong beses kong inedit ito. If hindi niyo po gusto ang ganitong scenes ay hintayin niyo na lang po ang update ko bukas. Thank you! 😊

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Hindi siya mapakali habang nakahiga sa kamang nasa kwarto na pinuntahan nila ni Anwar kanina.

Hindi bumalik ang binata kaya naman napag-isipan niyang mahiga na lang sa kwarto. Pabaling-baling lamang siya ng higa dahil hindi siya makatulog.

Ilang oras na rin simula ng umalis si Anwar pero hindi pa rin ito bumabalik.

Nag-aalala na siya para dito.

Dahil hindi talaga siya mapakali ay naisipan niyang lumabas at sundan na ang lalake.

Maingat siyang bumaba ng bahay at tinungo ang direksyon kung saan naglakad si Anwar kanina.

Hindi naman siya nahirapan dahil kabilugan ng buwan na nagsilbing ilaw rin niya habang naglalakad papasok sa gubat.

Dire-diretso lamang siya sa paglalakad dahil hindi naman niya alam kung saan pumunta si Anwar.

Kalaunan ay may narinig siyang lagaslas ng tubig kaya napagtanto niyang malapit siya sa isang ilog o bukal. 

Sinundan niya ang tunog na iyon at dinala siya nito sa isang tagong bukal. May maliit na talon doon na mukhang pinagmulan ng narinig niyang lagaslas ng tubig kanina.

Natuon ang atensyon niya sa pigura ng isang lalakeng nakahubad. Nakaupo ito sa isang bato na nakalitaw sa may bandang gitna ng bukal.

Mukhang kagagaling lang nito sa pagligo dahil makikita pa ang tumutulong tubig sa matikas nitong katawan.

Hindi pa siya nito nakikita dahil nakatagilid ito at tanging kanang bahagi lamang ng katawan nito ang nakikita niya.

Nakakamangha itong tingnan habang tumatama sa hubad nitong katawan ang munting sinag na nanggagaling sa buwan.

Para itong Diyos na bumaba sa lupa.

Dahan-dahan niyang hinubad ang suot at nakahubad na lumapit dito.

Lumusong siya sa malamig na tubig at unti-unting naglakad kay Anwar.

Dahil sa nalikhang ingay ay napalingon ito sa kaniya.

Biglang nandilim ang mata nito ng makita ang hubad niyang katawan pero hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy sa paglakad papalapit dito.

Nang makaabot na siya sa lugar kung saan ito nakaupo ay agad itong tumayo kaya naman napatingala siya dito.

"Bakit ka nandito?", tanong nito habang hinahaplos ang kaniyang buhok na nabasa ng konti dahil sa paglusong niya kanina sa tubig. "Gabing-gabi na. Dapat natulog ka na."

Hindi niya pinansin ang sinabi ng lalake.

Pinulupot niya ang kaniyang dalawang kamay sa leeg nito at tinungkod ang kaniyang dalawang paa para mahalikan ito.

Ramdam niya ang pagtama ng dibdib niya sa basang katawan nito at ang kahandaan nito na ramdam na ramdam niya sa bandang tiyan niya.

Magaan niya itong hinalikan. Mukhang nag-aalangan pa si Anwar noong una pero kalaunan ay nagpatangay na ito.

Mas hinigpitan nito ang yakap sa kaniyang katawan kaya naman mas napalapit siya dito.

Ang isang kamay nito ay humawak sa kaniyang ulo at mas pinapusok ang halikan nila. Pilit nitong binubuksan ang kaniyang bibig para makapasok ang dila nito sa kaniya.

My Saviour In Her Past (2nd Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon