Chapter 1

2.2K 55 3
                                    

Chapter 1 

Hapon na ng makarating ako sa Baguio. Halos magagabi na rin. Nang nasa Marcos Highway na kami ay sandaling tumigil ang bus para sa mga baba sa may Bakakeng daw. Pero sabi sa akin ni lola sa mismong terminal ako baba at doon na mag-abang ng taxi papunta sa pinsan niya. 

Hindi ko kakilala ang pinsan ni lola rito sa Baguio dahil hindi naman kami pumupunta ng Luzon. Ito ang unang beses kong pumunta rito, hindi ako pamilyar sa lugar. Hindi rin ako pamilyar sa dayalektong ginagamit nila. At lalong hindi ako pamilyar sa mga tao, mga bagong itsura ang makakasalamuha ko—mga hindi ko kakilala. 

Dagli kong sinuot ang jacket dahil humahaplos na sa akin ang lamig. July palang ngayon pero ang lamig na sa Baguio, wala ka narin masyadong makita dahil sa hamog. Ang ganda rin pala sa lugar na ito, parang hinehele ang puso ko kahit kumikirot na. 

Habang nasa biyahe nga lang ako kanina, parang humupa lahat ng nararamdaman ko nang makita ko ang mga puno, yung klima. Ewan ko pero mayroong something sa Baguio na magpapabawas ng lungkot kapag pumunta ka rito.

Bago ako umalis sa Albay, binilhan na ako ni tita ng jacket at hoodie dahil nga kakaiba ang klima rito. Kung ganito lang sana ang klima sa buong Pilipinas, nakaka-relax. 

Nagsitayuan na halos lahat kaya tumingin ako sa bintana kung nasaan kami. Nasa terminal na kami, marami ring tao sa terminal at medyo nahirapan pa ako sa dala ko. May dala akong dalawang malaking bag at isang malaking back bag. Sabi naman ni tita, marami ang ukayan dito kaya papadalhan nalang niya ako kung sakali man na magkulang ako sa gamit. 

Tinulungan ako ng kundoktor na ibaba ang mga gamit ko kaya nagpasalamat ako sa kaniya. Pagkababa ko palang ay tumunog na kaagad ang tiyan ko, hindi pa nga pala ako kumakain magmula kaninang alas tres ng madaling araw nang hinatid ako sa airport nina tita. 

Naaalala ko tuloy sila, hindi ko alam kung paano ako mabubuhay na wala silang dalawa sa tabi ko. Alam kong nag-aalala na rin niyan sa akin si lola pero wala akong magawa dahil ako naman ang may kasalanan. 

Sa bawat kasalanan, may kabayaran. 

Kaya heto ako ngayon nagdudusa sa isang siyudad na hindi pamilyar sa akin. Sa isang siyudad na bago sa paningin ko. 

"Huwag kang mag-alala. Makakapag kolehiyo ka naman doon." Wika sa akin ni lola habang kumakain kami ng hapunan bago ang alis ko papuntang Baguio. 

"May bakanteng kuwarto pa ba kina Tiya Pasing, Ma?" Akala ko talaga hindi na ako papansinin ni tita pagkatapos nang ginawa ko pero nagkamali ako. 

Naging ina na rin siya sa akin magsimula nung namatay ang kapatid niya—yung tunay kong ina. Akala ko hindi na niya ako mapapatawad sa galit niya sa akin noong araw na iyon pero heto siya gumagawa ng paraan para maayos ang buhay ko. 

"Meron pa naman daw. Mura lang naman ang uupahan, nakausap ko na siya." Kanina kasi ay naghiram ng cellphone sa akin si lola para kausapin ang sinasabi niyang pinsan, mabuti nalang at may number yung iba kong tita na nandito sa Albay sa kanila kaya hindi na kami nahirapan pa na maabot ang tawag sa kanila. 

"Magkano ho raw ba?" Nahiya tuloy ako, gusto ko nalang lumubog sa kinauupuan ko. Nakakahiya rin minsan na ang daming ginagastos sa akin ni tita at ni lola pero ganito pa ang isinukli ko. 

"Apat na libo kasama na ang kuryente pero dahil kamag-anak naman daw tayo ay tatlong libo nalang para makatulong din daw." Mabuti nalang talaga at mababait ang ilang kamag-anak namin, may mga kamag-anak kasi tayo na mauuna pang manghusga kaysa sa ibang tao. 

"Mabuti naman iyon. Nasabi ba kung may malapit na paaralan don?" Tanong ulit ni tita. "Balita ko rin kasi mahal ang mga unibersidad sa Baguio." 

"Meron daw. Ano nga ulit pangalan non?" Inalala pa ni lola kung anong pangalan ng school, hindi ko siya matulungan sa pag-alala dahil silang dalawa ang nag-usap. "Ah oo, Easter College." 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Where stories live. Discover now