Chapter 5

1.2K 40 3
                                    

Chapter 5

"Why did you cut your hair?" Sa ilang minutong katahimikan, pagkain lang ang inaatupag ko hanggang sa bigla siyang nagtanong. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ko siya sinagot. 

I can tell him right? He's a friend now. But not the actual reason. 

"I wanted to move on." I answered it safely. Dahil alam ko na kahit friends na kami ngayon, hindi pa ako handang sabihin kahit kanino ang pagkakamali ko. 

At bakit ko naman iyon ipagsasabi? Hindi ko na nga dapat ginawa, tapos ipagmamalaki ko pa? To inspire other people? Na kahit nagkamali ako kaya ko pa rin magbagong buhay? It's not inspiring though, it's like I'm normalizing cheating which is not. 

Maling-mali ako, oo. Pero hindi pa rin naman doon matatapos ang buhay ko, kailangan ko pa rin magpatuloy para sa sarili ko. Para sa akin hindi para sa ibang tao. 

Dahil ngayon, nawalan na rin ako ng tiwala sa sarili ko. Nagdududa na rin ako sa sarili ko. Natatakot na rin ako na baka masaktan ko ulit ang mga nakapaligid sa akin. Na baka maging selfish ulit ako. Na baka mawasak ko ulit ang mga taong nagmamahal at nagtitiwala sa akin. 

"Did someone hurt you?" Maingat ang pagtatanong niya. Mapait akong ngumiti dahil don. 

May nanakit ba sa akin? Wala. Ako iyong nakapanakit. Ako iyong nakasira ng relasyon. Ako iyong may kasalanan. Parang ang kapal ng mukha ko ngayon na sabihin sa ibang tao na nagmomove-on ako gayong ako yung may kasalanan? 

"You can say that." Tanging sabi ko tiyaka kumuha ng fries. Naiilang ako dahil ramdam ko ang pagtitig niya sa akin habang kumakain. 

"Is that the reason why you flew from Albay to Baguio?" Tumango nalang ako dahil ayaw kong pag-usapan kung bakit ako napapadpad dito sa Baguio. Pero mukhang hindi pa siya tapos sa mga tanong niya. "A boy?" 

Napasinghap ako dahil don, binaba ko muna ang fries na kinakain ko tiyaka ko siya tiningnan. 

"Yes." Matapang na sagot ko sa kaniya dahil mukhang hindi niya ako titigilan kung hindi ako sasagot sa kaniya. "Pero may mas malalim pa roon at hindi ko kayang sabihin sa'yo ang dahilan. You're still a stranger to me. All I know is where do you live, why you're close with my relatives and your full name. Other than that, we're still stranger." Kahit na inamin ko kaninang friends na kami, ayaw ko lang talaga na may magtatanong sa akin tungkol sa past ko. 

Kasi paano ako makakasimula nang panibagong buhay kung pilit pa rin pinapaalala sa akin ang ginawa kong kagagahan? Kung paano ako nabaliw at nagpabulag sa sinasabi nilang pag-ibig? 

"I'm sorry." Agap niya. Tumango ako tiyaka nagpatuloy sa pagkain. 

Hanggang sa makauwi kami ay hindi na kami nag-usap pa. Binaba niya na ako sa tapat ng grocery ni Lola. Nang makalabas ako ay kaagad akong nagpasalamat sa kaniya pero tumango lang siya tiyaka mabilis na pinaharurot ang sasakyan niya. 

I sighed. I thought I found a new friend already but I guess not. 

Mukhang kailangan kong tanggapin na ang pagbabagong buhay na ginagawa ko ngayon ay ako lang mag-isa. 

I really need to be better for myself not for other people. 

Siguro–hindi na muna ako makikipagkaibigan kahit kanino. Hindi ko naman deserve na kaibiganin eh. At paano kung malaman nila ang sikreto ko? Na naging kabit ako ng tatay ng best friend ko? Lalayuan lang din nila ako, huhusgahan ang buong pagkatao ko kagaya ng mga kaibigan at kaklase ko noon. Pati nga mga hindi ko kakilala na wala namang ambag sa buhay ko ang dami nilang opinyon tungkol sa akin.

Maybe that's human nature–enjoying talking about how miserable other people lives. 

Nagsimula na rin ang pasukan kaya kailangan ko nalang sigurong mag-focus sa pag-aaral ko. Para na rin matulungan ko sina mamita at lola. Wala pa nga akong isang buwan dito, gusto ko na silang puntahan. Siguro, mag-iipon nalang din ako sa mga pinapadala sa akin ni tita para sa December break ay makauwi ako at makakatipid pa si tita. 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Where stories live. Discover now