Chapter 29

1K 30 4
                                    

Chapter 29 

Mariin na tiningnan ni Richelle ang kanyang ama gamit pa rin ang nanlilisik na mata na tila pinaparatangan niya ito sa isang bagay. Nahihirapan akong lumunok at hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko para umalis sa kinakatayuan ko, para akong na-estatwa dahil nakikita ko ngayon ang bakas ng kahapon na ginawa ko. 

Napatingin ako kay tita Rosie na halata pa rin ang pagkakagulat sa kanya, namumuo rin ang nga luha niya, marahan niyang tiningnan si tito gamit ang kanyang mata na nagtatanong. 

"What is this, dad?" Mariin ang pagkakatanong ni Richelle. Bakas ang kaguluhan sa mga mata ni tito. Samantalang ako, nakatingin lang sa kanila  habang mabilis ang pagtambol ng puso ko. 

"What are you talking about?" Litong tanong ni tito sa kanya, maging ako ay hindi ko alam kung anong sinasabi niya. 

"Kaya ka ba nagyayang magbakasyon dito sa Baguio ay para makipagkita sa kanya?" Galit ang pagkakatitig niya kay tito habang nakaturo ang daliri niya sa akin. At dahan-dahan niyang binaling ang galit niyang tingin sa akin. 

"It is true?" Marahan ang pagkakatanong ni tita na tila nanlalambot kung sasabihin kong totoo ang binibintang ni Richelle ay mahihimatay siya. 

"What is this, Richelle? You're the one who insisted to go here! Para makita mo ang kapatid mo!" Galit na utas ni Tito. Sandaling kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka pero kaagad din iyong nawala dahil sa nakakamatay na tingin ni Richelle. 

"Bakit hindi natin siya hayaang sumagot sa tanong ni mommy?" Hinalukipkip ni Richelle ang braso niya habang nakatingin sa akin. Naiilang akong tumingin sa mga taong dumadaan sa banda namin, hinarang ko ang mahaba kong buhok sa mukha ko para hindi nila ako mumukhaan. 

Nanlalambot, umiling ako biglang sagot. Dahil iyon ang totoo, hindi ko man nga alam na nandito rin sila. Kung alam ko lang sana ay umiwas na ako para hindi ako makagawa ng eksena. Dahil nakakahiya sa mga nakakarinig at dumadaan. 

Natatakot din ako na may makakita sa akin dito na kakilala ko, na baka magbago na ang tingin nila sa akin, na baka hindi na nila ako pansinin sa susunod na school year. Nandito ang kaibigan ko at ang mga kaklase namin, kahit malawak ang burnham hindi pa rin ako nakakasigurado na hindi sila dadaan sa parteng ito. 

"Hindi ako naniniwala sa 'yo!" Sigaw ni Richelle na siguradong-sigurado na may usapan kami ni tito kahit na wala. 

"Richelle, calm down." Marahan na hinaplos ni tito ang braso ni Richelle pero kaagad itong iniwas ni Richelle na tila ayaw niya na mahawakan man siya ng sariling ama. "We don't have communication. You're accusing us for something that we didn't plan." Mahinahon ang pagkakasabi sa kanya ni tito dahil mukhang sasabog na sa galit si Richelle base na rin sa pamumula ng pisngi at mga mata niya. 

"You're expecting me to believe it?" She sarcastically asked while laughing without humor on it. "Do you really think you can fool me twice?" 

"Ri-richelle." Pagtawag ko sa pangalan niya dahil mukhang kahit anong sabihin ko ay hindi siya maniniwala. 

"Oh shut up!" She shouted at me. Lumingon siya kay tita na gamit ang sarkastikang ngiti. "Do you believe them, mom?" Agad na pinunasan ni tita ang luhang pumatak sa mata niya, hindi niya sinagot ang tanong ni Richelle sa halip ay tumingin lang siya sa akin na naghihintay ng kasagutan. 

"Hi-hindi tama ang binibintang mo." Hindi ko maiwasan mabasag ang boses ko kasabay na rin ng pangingilid ng luha ko. 

Nasasaktan ako na makita kung gaano ko sila nasaktan dahil sa ginawa ko noon. Ang hirap ibigay ang tiwala, binigay pa rin nila sa akin iyon pero anong ginawa ko? Sinira ko lamang iyon at sinaktan ko sila dahil sa pagiging makasarili ko. Dahil naghahanap ako ng pagmamahal ng isang magulang. 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon