Chapter 14

972 38 2
                                    

Chapter 14

Maaga akong nagising. Isang malaking back bag lang ang dala kong gamit dahil marami akong damit na naiwan doon, hindi ko naman magagamit sa Albay ang mga damit ko na pang Baguio ang klima. Nakatanggap na ako ng mensahe kay Harris na nasa labas na siya kaya nagmadali akong nagsuklay. Inayos ko na rin ang hood sa ulo ko. Pants at kulay gray na hoodie lang ang suot ko. 

"Oh. Nag-almusal ka ba bago umalis?" Tanong ni lola Pasing na mukhang kakagising lang dahil kakabukas niya lang ng pintuan. Mukhang sinaktuhan niya talaga ang pag-alis ko para paalalahanan ako. 

"Opo, La. Mauna na po ako." Sambit ko kahit hindi pa ako kumakain para hindi na siya mag-alala. 

"Osiya. Mag-ingat ka at pakikumusta mo ako sa lola mo." 

"Opo. See you next year po." 

"Osige sige. Mag-ingat ka at matutulog na ulit ako." 

Muli akong nagpaalam kay lola tiyaka lumabas na ng gate. Nakaupo si Harris sa upuan na nasa tapat ng grocery, nakabukas na rin ang grocery ni lola, may tindera siya. Naka-itim na makapal na jacket at pants lang si Harris, may fear pa ang hood ng jacket niya. 

Nakayuko si Harris, nakapatong ang isang kamay niya sa noo niya habang pinaglalaruan sa isang kamay ang cellphone niya. Bahagya tuloy akong nakonsensiya dahil mukhang inaantok pa siya pero bumangon siya ng maaga para lang maihatid ako.

"Oh. Nandiyan ka na pala. Good morning." Malawak na ngiti ang iginawad niya sa akin kaya napangiti tuloy ako. 

"Good morning din." Bati ko sa kanya. 

"Tara na?" Tanong niya sa akin tiyaka siya tumayo. 

"Sorry, wala akong sasakyan. Ayos lang mag jeep tayo? Or Taxi?" Tila nahihiyang sabi niya sa akin.  Wala naman nakakahiya roon kaya hindi ko alam kung bakit tunog nahihiya ang boses niya. 

"Jeep nalang. Para makapag exercise din tayo paakyat sa session." Isa iyon sa dahilan. Isa pang dahilan kaya pinili ko na huwag mag taxi ay dahil mas makakatipid kami sa jeep, kapag nag-taxi kami panigurado siya mag-offer na magbabayad. 

"Sabagay, para makasama rin kita ng matagal." He chuckled. Naglakad kami sandali hanggang sa makarating kami sa tapat ng waiting shed kung saan nakaparada ang mga jeep na papunta sa town. 

Umupo kami sa front seat dahil pang dalawahan naman iyon. Nasa labas pa si Manong driver, nakikipagkuwentuhan sa mga kasamahan niya o kaya ay isa siya sa mga umiinom ng mainit na kape. 

"Huwag kang mag-alala. Kapag Engineer na ako at may sarili na akong kotse, ikaw ang una kong isasakay." Sambit niya na tila hindi makapaghintay sa raw na iyon. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya, makikita mo sa mata niya na nag-aalab para matupad ang pangarap niya. 

This kind of man is rare. 

"We? Sabi mo iyan ah!" Pang-aasar ko sa kanya. Agad siyang tumango sa sinabi ko. 

"Oo nga, kahit saan ka pa. Pupuntahan kita para masakay kita sa kotse ko." He said. I chuckled. 

"Paano kapag nasa Albay ako non? Paano mo madadala ang kotse mo? Mahal ang bayad non ah." I don't want to burst his bubble but I don't want to turn my back on reality just because of positivity. 

"Sa mga araw na iyon, isa na akong successful Engineer at barya nalang sa akin iyon." Nag sign pa siya sa daliri niya na parang wala lang iyon sa kaniya, kaya natawa ako. 

He is so positive. Maybe we became friends because he met me when negativity clouded in my mind. Maybe they were right—opposites attract. 

"And maybe that time, I already have my own bake shop." Excited na wika ko. And that time, mamita's restaurant will be successful and will be franchise nationwide. 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें