Chapter 2

1.6K 52 3
                                    

Chapter 2 

"You okay?" Pag-uulit niya. Napahawak ako ng mahigpit sa kubyertos. Kahit na mukha siyang desente at gwapo, hindi pa rin puwedeng magtiwala kung kani-kanino, lalo na at napaka estrangheyo ko sa lugar na ito. 

Bilang isang respeto, tumango ako. Parang umurong lahat ng luha ko kaya wala nang tumulo, hindi ko alam kung bakit. Dahil kinakabahan ako na masamang tao siya? O dahil sa presensiya niya? 

Mukha siyang masungit but he still manage to ask me I'm fine. 

"Do you mind if I ask you if you know Manang Pasing?" He carefully asked. Namilog ang mata ko nang marealize ko na siya ang pinadala ni Lola! 

"Huh? Ah? Ikaw ba iyong pinadala ni lola?" Medyo natataranta pa ako, marami pang kanin ang nasa plato ko, hindi ko pa nauubos. Hindi pa naman ako sanay na hindi inuubos ang pagkain ko dahil masama iyon. 

Maraming mga bata ang walang makain ngayon kaya kahit na hindi sila mabubusog kapag kinain ko lahat ito, at least, yung pag-ubos ay sign nang pagpapasalamat dahil nakakakain ako at hindi ginugutom. 

"Chill, you can finish it." He suggested and he cooly sat down in front of me. 

Napatitig ako sakaniya, nag-order din siya ng kaniya pagkatapos ay dumako ang tingin niya sa akin kaya mabilis kong iniwas ang paningin ko. Natataranta pa akong galawin ang pagkain ko dahil don. 

Nakakahiya masyado. Sinusundo na niya ako tapos maghihintay pa siya. 

Kaagad din na-serve ang order niya kaya sinabayan niya akong kumain. Tahimik lang kaming dalawa, walang nagsalita o walang nagtanong. I guess, he's always silent. 

Maayos na rin iyon, wala naman akong alam na itanong tungkol sa kaniya. At wala akong balak ikuwento ang buhay ko sa isang stranger. 

He might also judge me but what do I expect? Even me, I'm judging myself. 

Parang nauntog ang ulo ko at natauhan o dahil nahuli lang kami kaya sinampal sa akin ang reyalidad na maling-mali ang ginawa ko. Na kahit anong irason ko ay hindi nito maitatama at wala akong balak na irason para magmukhang tama ang ginawa ko dahil kapag ginawa ko iyon, hindi ako matututo. 

Natapos kaming kumain kaya tumayo na rin ako. Napalundag ako sa gulat ng kuhanin niya ang dalawang malaking bag sa kamay ko. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin dahil sa naging reaksiyon ko, napansin ko rin na kanina niya pa ako sinusuri o pinagmamasdan. 

"Ah. Ako na. Kaya ko naman." Agap ko, kukunin ko na sana pero nilayo niya sa akin. Marahan niyang pinilig ang ulo niya tiyaka umiling. 

"I'll help you." Tila desisyon na iyon kaya wala na akong magawa. Sumunod lang ako sa kaniya sa paglabas hanggang sa huminto siya sa isang kulay puting kotse, hindi ako maalam sa kotse pero alam kong mamahalin iyon, sa kintab palang. 

Pinasok niya sa likuran ang gamit ko. Then, he extended his hand on me. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin, nawiwirduhan ako sa pag-abot ng kamay niya sa akin. 

Unconsciously, I put my hand on his hand. Lalong kumunot ang noo niyang kanina pa magkasalubong. Kaagad kong inalis ang kamay ko dahil mukhang mali ang pagkaka-intindi ko. 

"Your bag." Sabay nguso niya sa back bag ko. Nakabukas pa rin ang pintuan sa likuran ng kotse niya. Namilog ang mata ko dahil narealize ko na ang gusto niyang sabihin. 

"Oh!" Nagpapanic kong tinanggal ang bag sa likuran ko tiyaka nanginginig na binigay ito sa kaniya. Nahiya dahil mali ang ginawa ko noong una. 

Yumuko tuloy ako dahil sa kahihiyan habang marahan na pinaglalaruan ang sapatos ko. Nang sinara na niya ang pintuan sa likod ay binuksan naman niya ang sa harapan. Kaagad akong sumakay roon nang hindi man lang siya tinitingnan. 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon