Chapter 6

1.2K 43 14
                                    

Chapter 6

"So, you're new here?" Tanong ni Harris. Nagpaalam muna sa amin si Lola dahil magluluto pa siya ng tanghalian. Marahan akong tumango sa tanong niya. "Ahm. Taga baba?"

"Baba?" I confusedly asked. May lugar na baba sa Baguio?

"I mean, hindi taga Baguio. Taga baba, baba ng bundok. Mga taga kapatagan ganon. Manila or other provinces near Manila na nasa baba ng Baguio?" I chuckled a bit. I can sense his stress explaining that thing on me. "Oh yeah?" He smiled when he heard my chuckles.

"Albay." Namilog ang mata niya sa sagot ko. Ang layo kaya ng Albay sa Baguio, hindi na nga sakop ng Luzon.

"Wow. That was miles away." Maghang wika niya sa akin. "How come you moved here?" I was stunned. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa loob ng ilang segundo. "Oh. That must be personal. Sorry." Tumango ako sa kaniya, buti nalang at napansin niya.

"To study." Maikling sagot ko. Tumango siya sa sagot ko kahit na alam kong nakakapagtaka pa rin na pumunta pa ako rito sa Baguio para makapag-aral.

"Oh I see. Sa Easter din katulad ni Jelay?" Ngumiti ako tiyaka tumango. "First year?" Again, I nodded. "Do you want ice cream? My treat." Pipigilan ko sana siya ang kaso pumasok na siya sa grocery.

Umupo nalang ako sa upuan na inayos namin kanina. Kahit na magtatanghali na ay hindi pa rin nawawala ang lamig, dahil nga siguro August ngayon at September na next week. Ber month, mas malamig ang panahon kumpara sa ibang mga buwan.

Harris sat down beside me and gave me the ice cream cone. Nagpasalamat ako sakaniya tiyaka binuksan iyon.

Requirement ata para maging close kay Lola ay gwapo at mababait. Napansin ko lang sa kanilang dalawa ni Ryden na malapit kina lola at Jelay.

"By the way, Freshman ka rin?" Hindi ko siya nakikita sa campus, baka hindi siya roon nag-aaral. Mukhang magkasing-edad lang din kami.

"Ah yeah. Civil Engineer in the making." He chuckled. Oh, hindi nga siya sa Easter dahil walang course na in-offer na Engineer ang Easter.

"SLU ka rin?" I asked, baka magka-school mate sila ni Ryden. Umiling siya.

"Mahal don." He chuckled. "Sa UC ako." Tumango ako. Alam ko rin naman kung saan ang UC. Magkakalapit lang naman ang mga University dito.

"Salamat ulit sa ice cream." Sabay taas ko ng cone na hawak ko bago pinagpatuloy na kainin. Wala na rin kasi akong masabi. "Ahm. Ah. This is somehow my comfort food." I added.

"Oh?" He looked shocked. "You remind me of someone."

"Someone?"

"My ate." Sagot niya tiyaka kinagatan ang cone.

"May kapatid ka?" Kahit halata naman sa sinabi niya kanina ay tinanong ko pa rin.

"Yup. She's one year older." Kung titingnan mo si Harris, mabait siya. Kaya panigurado mabait din ang ate niya.

"Sa UC din siya?"

"Nope. SLU. Accountancy." Tumango-tango ako dahil wala na akong matanong. "Ikaw? Anong course mo? Educ? Nursing?"

"Hindi. Business Management." I smiled. "Bakit mo naman naisip iyan? Mukha ba akong magteteacher or nurse?" I chuckled.

Kahit kanina pa lang kami magkakilala ni Harris ay magaan na ang loob ko sa kaniya. Siguro ay dahil napakalambot ng awra niya and he's nice. Alam niya rin kung paano makiramdam kapag hindi kumportable sa usapan.

"I just thought because Easter College is good when it comes to education and nursing." I nodded. May point naman siya ron, pero kahit anong galing ng school, in the end-nasa estudyante pa rin kung paano siya mag excell.

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Where stories live. Discover now