Chapter 24

938 27 2
                                    

Chapter 24 

Hawak lang ni Ryden ang kamay ko habang nakasunod ako sa kanya, hila-hila niya ako palabas ng mall. Natatakot ako—hindi dahil sa pinapakita niyang reaksiyon kung hindi dahil may pakiramdam ako na narinig niya ang sinabi nina Sam. 

Nang makarating kami sa parking lot ay agad niyang binuksan ang pintuan ng kotse niya pero hindi ako gumalaw sa kina-katayuan ko. Napasinghap siya nang mapansin na wala akong balak pumasok, sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero nilayo ko iyon sa kanya. 

Namumuo ang mga luha sa mata ko, masyadong magulo ang isip ko ngayon. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya o kung ano ang una kong itatanong sa kanya. Kinakabahan ako na baka narinig nga niya, natatakot ako na baka masaktan ako sa mga bibitawan niyang salita kung sakaling magkasama kami sa loob ng kotse. 

Mas okay na siguro na ngayon palang ay iwasan ko na siya. Alam kong mahirap tanggapin ang katulad ko na nakagawa nang ganoong pagkakamali, ako nga mismo hindi ko matanggap-tanggap na nagawa ko iyon eh. 

"Let's go home, it was a long day." Napapaos na saad niya sa akin na para bang pagod base sa boses na ginamit niya. 

"Did you h-hear everything?" Gamit ang nanginig kong boses ay iyon ang naitanong ko. Iyon ang gusto kong masagot ngayon. 

Nag-iwas siya ng tingin tiyaka ito pumikit ng mariin. Tumambol sa kaba ang puso ko dahil sa pinakita niya. Then, it means... 

"What do you mean everything?" Binalik na niya ang tingin niya sa akin ng seryoso—serysoso lang dahil wala akong mabasang kahit anong expression. 

"Everything that they'd said." Gusto kong bigyan ng reward ang sarili ko dahil hindi ako nautal nung tinanong ko iyon. Tumaas ang kilay niya sandali pero kaagad niya rin itong binaba.

"Why? What do I need to hear?" Unti-unting nawala ang nga tinik na nakabaon sa dibdib ko kanina dahil sa tanong niya. Ibig bang sabihin non hindi niya narinig? "All I see was when she's about to slap you." 

Hindi nga narinig! Nakaramdam ako ng saya pero napalitan din ito ng lungkot kalaunan. Kung hindi ko masabi sa kanya ngayon, kailan ba ang tamang panahon? Kapag pareho na kaming hulog? Hindi ba't mas malalim na sugat ang magagawa ko non? 

"Who are they?" Mula sa sapatos ko ay nag-angat ako ng tingin sa kanya, agad na nagtama ang mga mata namin. Parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko kahit titig lamang iyon. 

"M-my old friend." Naramdaman ko ang pagpiyok sa sariling boses ko dahil pinipigilan kong huwag maiyak. Masakit pa rin sa akin na nawalan ako ng mga kaibigan sa isang iglap. 

"Then why does it looks like they were bullying you?" Nagtiim ang panga niya pagkatapos niyang itanong iyon. 

Napayuko ako habang pinaglalaruan ang mga sapatos ko, nakatingin lang ako sa mga ito. Pinunasan ko rin agad ang lumandas na luha sa mga mata ko tiyaka mapait na ngumiti. 

"Because I deserve it." I honestly answered.  

Maybe they were right, that I'm playing victim wherein fact, I'm not. Maybe, I threw a pity party for about a month. 

But trust me, I really regret what I did. I'm trying to become the best person I could be. If kneeling with tita Rosie and Richelle so that the pain they've feeling will lessen, I'll gladly do it. 

I won't force them to forgive me but I want to lessen their pain somehow. I think leaving this city was a good idea to lessen their pain and now that I'm here again, it opens the wounds that are slowly healing. 

"Why the fuck you're always saying you deserve bad things in this world?" Galit ang pagkakatanong ni Ryden don, pinagdidiinan niya pa ang bawat salitang binibigkas niya. He seems frustrated. 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Where stories live. Discover now