Chapter 13

1K 36 5
                                    

Chapter 13

"Last exam and we're done!" Singhal ni Jov habang hinihintay namin ang proctor namin para sa last na subject na i-exam namin. 

Ngayon na ang huling araw ng finals. Excited na akong matapos ito at excited na rin akong umuwi sa Albay. Miss na miss ko na talaga sina lola, lagi nalang kaming sa messenger o kaya ay sa call nag-uusap. Iba pa rin kapag kausap mo sila sa personal at nakakayakap. 

I wonder if my friends still know that I'm existing? Or they already remove me in their life because of what I've done? I think the latter one is the one they did. 

Nalungkot ako bigla sa naisip ko. Na kahit hindi na nila ako tinuturing na kaibigan, kapag lumapit sila sa akin ay tutulungan ko pa rin sila. Hindi ko naman sila masisisi kung bakit nila ako tinakwil sa grupo, I deserve it. I hurt Richelle, I'm the one who did wrong. 

"Oh? Bakit parang lumungkot ka?" Nagtatakang tanong ni Jov sa tabi ko, pilit akong ngumiti para hindi siya mag-alala. Hanggang ngayon ay walang alam si Jov sa buhay ko sa Albay. 

"Hindi ah. Kinakabahan lang ako, baka hindi pumasa." Pagsisinungaling ko. Dahil kapag sinabi ko kung anong bumabagabag sa akin ay malalaman niya ang sikretong dati ko pang tinatago. 

"Hmm. Mataas ang grades mo sa Prelims at Midterms. Imposibleng babagsak ka, tiyaka nagreview ka naman diba?" Bahagya akong tumango sa tanong niya bilang sagot. "Ayon pala eh! Edi huwag ka ng kabahan diyan!" Marahan niyang hinampas ang braso ko kaya natawa nalang din ako. 

Paano kaya kapag nalaman niya ang sikreto ko? Tatawagin niya ba akong sinungaling? Dahil mukhang nagsisinungaling ako sa mga taong nakakasalamuha ko ngayon. Hindi nila alam kung anong ginawa ko noon na nagpabago ng buhay ko. 

Sabi ni mamita, pumunta ako rito sa Baguio para makalimot at magbagong buhay. Pero paano ako magbabagong buhay kung paulit-ulit pa rin akong hinahabol ng nakaraan? Kung sa bawat pagtulog ko, lagi kong napapanaginipan ang sakit at poot sa mata ni Richelle? Kung sa bawat pagpikit ng mata ko ay iba't-ibang boses ang naririnig kong panghuhusga nila sa akin, sabagay kahit sino naman huhusgahan ako dahil sa ginawa ko. 

Lumipat ako rito para magpatuloy sa buhay—para makakilala ng bagong kaibigan. Ngunit magiging kaibigan pa ba ang turing nila sa akin kapag nalaman nila ang buong pagkatao ko? 

Some people only treat us as friends just because they only saw the best in us but when they already saw our worst side—they left us. 

"Hay makakapagpahinga na rin tayo!" Masayang wika ni Jov habang palabas kami ng classroom, natapos nanamin ang exam. Maghihintay nalang kami ng grades habang nagbabakasyon. 

Mabuti nalang at nakapagfocus ako sa exam kahit na ang daming gumugulo sa isip ko. Siguro ay natitrigger lang ang utak ko dahil sa Martes ay uuwi na ako sa Albay. Kung saan haharapin ko ang totong ako, walang halong pagpapanggap dahil alam ng mga tao roon kung anong ginawa ko. 

Kakatapos ko lang kumain, hawak ko ang cellphone ko ngayon dahil ka-video call ko sina mamita. Marahan akong umupo sa sofa habang nakatapat ang cellphone ko sa mukha ko.

"Sure ka ba na uuwi ka?" Ulit na tanong ni mamita sa akin. Gumuhit ang ngiti sa labi ko dahil sa pag-alala niya. At least, meron pa ring mga tao ang nag-alala ng totoo sa akin. 

"Oo naman mamita. Tiyaka, nakabili na ako ng ticket. Sayang iyon." Hindi ko na rin sila inabala pa ng gastos sa ticket, nakapag-ipon ako sa mga allowance ko na pinapadala nila. 

"Kumakain ka ba ng mabuti riyan? Mukhang tinitipid mo ang sarili mo para makabili ng ticket." Sermon agad ni tita, alam niya na sa pera ko kinuha ang pinambili ko ng ticket. 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Where stories live. Discover now