Chapter 9

1.1K 40 5
                                    

Chapter 9 

Hindi ko alam kung paanong nangyaring napasama niya ako sakaniya basta ang alam ko lang ngayon ag nakaupo na ako sa kotse niya, katabi siya na prenteng nagdadrive. Gulat pa rin ako na makakapunta ako sa La Union ngayong araw! Parang nung isang araw lang ay narinig ko sa mga kaklase ko na nagbabalak silang pumuntang LU sa undas break. 

Bumalik ako sa reyalidad ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong tiningnan kung sinong tumatawag pero agad ko rin sinagot ng makita na sina mamita ang tumatawag. 

[Juskong bata ka! Sinabihan kami ni tiya Pasing na papunta ka raw sa La Union ngayon! Close ba kayo niyang kasama mo?] 

"Hello tita." Bati ko, narinig ko rin ang boses ni lola sa background. 

[Aba kahit na magkakilala at pumayag si Lola Pasing mo hindi pa rin kami pumapayag! Nagpaalam ka ba? Pinagpaalam ka niya kay tiya pero hindi samin!] 

"Sorry tita." Napakagat ako sa labi ko, tama nga si tita. Hindi ko man siya tinawagan kanina para magpaalam. Nagulat lang talaga ako sa mga nangyari kanina. 

[Pakausap ako riyan! Loud speaker mo!] 

"Ahm." Bahagya kong tinakpan ang microphone ng cellphone ko. "Ryden, gusto ka raw kausapin ni tita." Naiilang na sabi ko. "Loud speaker ko lang." 

"Okay. I'm listening." Ngiti niya pagkatapos niyang sumulyap sa akin tiyaka in-steady ang tingin niya sa dinadaanan namin pababa ng Baguio. 

"Ayan na tita."

[Hello? Sino ito? Si Harris ba ito?] Kumunot ang noo ni Ryden dahil don, namilog ang mata ko dahil naalala pa pala ni tita si Harris. Nakakunot pa rin ang noo ni Ryden dahil sa pagtataka pero kaagad din itong nakasagot. 

"This is Ryden po." 

[Ryden? Hindi pa kita lubusang kilala pero mukhang may tiwala naman sayo si tiya Pasing kaya sana huwag mong sirain ang tiwala namin.] 

"Don't worry po, I won't." 

Pinaalalahanan pa kami ni tita kasama si lola bago nila binaba ang tawag. Kaagad kong nilagay sa loob ng sling bag na dala-dala ko ang cellphone ko. Hindi na ako nagdala ng pamalit dahil wala akong balak maligo sa dagat, hindi rin ako marunong lumangoy. 

"Your tita and lola are sweet." Puna niya. Tumango ako dahil kahit na nakagawa ako ng kasalanan at kahihiyan sa kanila, hindi nagbago ang pakikitungo nila sa akin. Hindi sila nagtanim ng galit sa akin. Kaya pinapangako ko na hindi na ako gagawa ng ikakasira ko at ikakasira nila. 

"Yup. They were the best." I whispered. Silang dalawa na ang tumayong magulang sa akin simula nang mamatay ang mga magulang ko. 

"How about your parents?" Maingat ang pagkakatanong niya sa akin. Nawala ang ngiti ko kanina sa tanong niya. 

"They passed away when I was kid." Kagat labing sagot ko. Kahit na ilang taon na ang lumipas masakit pa rin, kahit na wala pa akong masyadong isip non, masakit pa rin. 

But what hurt the most is I can't remember moments with them because I was just a kid. 

"I'm sorry to hear that."

"It's okay. Don't be sorry for the things you didn't do." I chuckled just to ease awkwardness between us.

"Well, my mom passed away when I was a kid too." Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Akala ko nasa ibang lugar lang ang mga magulang niya. "Don't be sorry, kakasabi mo lang." He chuckled. 

I don't want to ask about his father, baka hindi ko rin kayanin kung ano man ang isasagot niya. Naging tahimik kami sa biyahe pero hindi rin nagtagal ang katahimikan dahil he tried to open a topic. He asks me about school kaya sinagot ko siya tiyaka tinanong din. 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Where stories live. Discover now