Chapter 38

408 10 32
                                    


Chose

"Hindi ka pa nagpapahinga. Puwedeng tumigil muna tayo sa bandang gilid." wika ko sa kanya. Malayo ang Siquijor sa maynila kaya naman alam kong kailangan rin niya ang pahinga.

Nagparke si Lus sa isang gas station na pwedeng magstop-over. Pinatay niya ang makina ng sasakyan.

"Bibili ako ng pagkain natin, dito ka na lang muna." utos ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya, binuksan ko ang pintuan at naglakad papunta sa pagbilhan.

Bumili ako ng softdrinks, mga sandwiches at chichirya. I also picked some protein drinks for him. Naalala ko tuloy ang protein shake ni Axon na spinach. Iyong mga panahong pinagtatabuyan niya ako at tinatakot. Ang bilis ng araw dahil madami na ang nangyari.

Binayaran ko ito sa counter at lumabas. Nakita ko si Lus na nakasandal sa kanyang sasakyan na may katawag na naman. When he saw me, he talked quickly and he set his phone to his pocket.

Sinalubong niya ako para kunin ang supot. Naramdaman niya ang nanghihinala kong tingin. He sighed as I look at him curiously.

"Si Axon ang kausap ko." aniya.

Naiinis akong diretsahan niyang sinasabi sa akin ito. I
appreciate his honesty but what the fuck?!

Hindi niya pinagtatanggol si Axon sa akin simula n'ong unang sinbukan niya. Hindi ko alam ang pinag-uusapan niya.. isa lang ang sigurado ako, wala akong pakialam. Kung may kinalaman man rito si Lus, I'll be thankful that he saved me. Pero paano kung plinano nilang dalawa ang buong pangyayari?

"Anong plinaplano niyo?" napakahinang bulong ko, ni hindi ko alam kong rinig ba niya. Lumambot ang ekspresyon niya at nag-iwas ng tingin sa akin.

"Kahit kailan ay hindi ako magplaplano ng masama sa'yo Astra." mataman niyang sabi.

He said "ako" I expected him to say "kami".

It took a handful of courage to say this question kahit pa man kailangan kong humakbang, hakbang para sa bagong araw ko.

"Anong pinag-uusapan niyo?"

My heart is pounding against my ear. I'll never be ready with the answer.

Axon is a powerful man, he can lift my life upside down if he wanted. Iyon ang ginagawa niya, the first moment with him, I know he's capable of doing it. And I never expected it to be like this. Kung ano man ngayon ang lalabas sa labi ni Lus, kagagawan ni Axon kung mababaliktad nanaman ang mundo ko.

Lucifer smirked at me.

"Tingin ko wala ka na d'on." aniya atsaka tumalikod papuntang sasakyan. He left me hanging and open mouthed.

"Nababaliw ka na Lus!!" sigaw ko sa kanya. So much with that thinking! At iyon lang ang nakuha ko?!

I reminded myself that Lus is now my bestfriend. Nagtitiwala ako n'ong sinabi niyang hindi niya ako sasaktan.

"I heard that you're accountant."

Bumaling ako sa kanya. We are stuck in the traffic.

"Uh,"

"Sabi mo din aalis ka."

"Oo bakit? Mangingibansa ako at doon maghahanap ng mapapangasawa."

Natahimik si Lus kaya naman napatingin ako sa kanya. Seryoso lang ang tingin niya sa daanan.

"I have company in case--"

"May kompanya ka??"

"Hindi gan'on kalaki kay Axon. I'm not-- I'm a--" he cleared his throat. "May maliit na negosyo ako sa Kansas. I know your idea of soul searching is out of the country."

Shackles of Melancholia (Completed)Where stories live. Discover now