Chapter 45

447 15 4
                                    


Bomb

"Gusto ko siya, sinabi mo naman na sa akin iyong dahilan niya n'ong gabing iyon." Pabagsak na humiga si Jade sa kanyang kama. "Mukha nga siyang nakakatakot so ibig sabihin gumagawa siya ng mga nakakatakot na bagay. Hindi ba ang hot n'on? Tapos dati siyang sundalo... ang cool kaya ng mga sundalo. Nakita mo yung tikas niya?"

Napangiti ako sa kanyang sinabi. His bestfriend is a soldier family. May gusto kaya siya kay Cru? I mean, sinong hindi  magkakagusto kay Cru? Sa naalala ko nga may iba siyang pangalan kay Cru. Pero kung iisipin... kung titignan ko sila para lang talaga silang magkaibigan at walang halong iba. Am I stereotypic too? Na parang kung magkaibigan lang ang isang babae at lalaki ay meron nang namamagitan sa kanila.

"Magkaibigan lang kami ni Cru, hindi niya mapaparamdam sa akin ang gustong kong maramdaman sa isang romance... gan'on din ako sa kanya. Mayroon lang kaming mga bagay na pareho naming naiintindihan." biglaang paliwanag ni Jade na parang nabasa niya agad ang nasa isip ko.

She continued staring at the ceiling.

"Totoong sinong magkakagusto kay Cru kung nasa kanya na ang lahat. Pero katulad nga ng sabi ko, hindi ako katulad ng mga ibang teenagers d'yan. Anong gagawin ko sa mukha kung hindi niya ako mabubuhay?"

Practical as always. Pero paano naman kung kaya siyang buhayin ni Cru. Nilinaw na niya. Magkaibigan lang sila.

"Asexual ka ba Jade?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

She let out an unlady like snort, then she chuckled a little. If she's asexual.. I don't know what to do.

"Hindi," muli siyang tumawa. "Actually may gusto ako sa pinsan ni Cru.."

Okay so, "Crude" loveteam is no more.

"Buti naman." bumuntong hininga ako at tumayo na sa kanyang kama. That's enough talking for her. I only want what's best for her and I'll support her whatever she do in life.

Binuksan ko ang kanyang pintuan palabas nang magsalita siya,

"Nga pala.. ang ganda ng sing-sing, alam ko na ang ibig sabihin niyan pero magkaiba kami ni Axon." aniya.

"Axon?" tanong ko.

"Oo Axon, hindi pa kami close."

Isinara ko ang kanyang pintuan, pagkatapos ay inirapan siya. Goodness where is her manners? Axon? She called my fiance Axon?

Naging mabilis ang oras, nagising na lang ako sa sigaw sa akin ni Mama, umagang-umaga pa lang ay parang natataranta siya sa biglaang okasyon.

"Ay, day! Ang ganda naman nitong anak mo? Sigurado bang anak mo 'to?" a gay approach me as he touched my hair. He has a mushroom haircut dyed in a dark blue color. Ang kanyang kolorete sa mukha ay nagsisigaw na ito talaga ang propesyon niya.

Gulo-gulo pa ang buhok ko dahil kagigising ko palang sa ingay ni Mama. Actually mamayang gabi ang usapan namin ni Axon. Pero umagang-umaga pa lang ay pinag-uusapan na nila kung anong istilo ang gagawin nila sa akin. Nandahil ito kay Mama. Si Mama lang.

"Kanino pa ba magmamana?"

It is too clichè and it's actually making me cringe.

Umupo ako para kumain ng almusal. Their loud chat about me, and with my Axon being ruggedly handsome and all. Sayang-saya si Mama sa desisyon kong ito. Na para bang nagpapasalamat siya at may utak ako dahil siya ang "nabingwit" ko. I even heard her being so bubbly that she made right decisions when it comes to taking care of my appearance. She will tell me on what lotion I'll use, fruits and veggies to eat, vitamins to take, minutes in 6:30 sunrays and yoga poses I should do.

Shackles of Melancholia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon