KABANATA 1

61.3K 1.5K 127
                                    

Anael Kreiss Perez

"Manong, para po!" Sigaw ni Anael. Malakas ang tugtog ng sinasakyan niyang jeep kaya hindi siya nito narinig.

Kinakabahan na siya dahil lumagpas na ang jeep sa bababaan niya. Pagod na pagod pa naman siya ngayong araw dahil ang dami nilang ginawa sa unibersidad. Napairap siya bago inis na kinatok ang kisame ng sinasakyang jeep. Maski ang iba sa pasahero ay napapailing na lang.

"Manong sa tabi na lang sabi!" ulit niya atsaka muling kiinalampag ang kisame ng jeep.

Mabuti naman at narinig na siya nito, kung hindi ay baka nabato na niya ito ng suot niyang sapatos. Ang kaninang malakas at nakakabinging tugtog ay unti-unting humina- kahit papaano. Tumingin sa kanila ang driver mula sa rear mirror nito.

"May bababa?"

Hindi makapaniwalang napanganga si Anael sa narinig. "Wala ho, sasakay pa lang po manong! Syempre ho bababa! kaya nga po pumapara."

Hindi maiwasan ng mga kapwa niya pasahero na matawa sa sinabi niya. Si manong naman ay naiiling na lang na iginilid ang jeep. Nang huminto na ito ay agad naman bumaba si Anael. Hindi na niya nilingon ang sinakyang jeep at nagmamadaling naglakad sa bababaan niya dapat.

Napapailing na lang siya habang tinatahak ang daan. Lumagpas siya at kasalanan 'yon ng driver ng jeep. Isa sa kinaiinisan niya ay ang mga driver na grabe kung magpatugtog tapos hindi rin naman pala sila nito maririnig. Kung magpatugtog akala mo wala ng bukas. Napailing ulit siya.

Iginala ni Anael ang tingin, umaasa na may tricycle pang nakaparada sa terminal papasok sa baranggay nila. Ayaw niyang maglakad lalo na't madilim na at delikado pa sa probinsya nila. Isa pa, nakakatakot.

Malaki ang probinsyang San Agustin. Napapaligiran ng mga puno, halaman at talahib ang barangay nila. Ang mga bahay din dito ay magkakahiwalay. Kumbaga, probinsyang probinsya. Mabuti na lamang at medyo may kalayuan lang ang bayan kung nasaan ang unibersidad na pinapasukan niya.

Hindi normal ang probinsya nila.

Napayakap si Anael sa sarili. agdesisyunan niyang kuhanin ang wallet sa bulsa ng paldang suot niya ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang wala siyang makapa doon. Ilang beses niyang kinapa ang bulsa ngunit wala talaga. Tiningnan din niya sa bag ngunit nabigo siya. Napasabunot siya sa sarili. Kainis! Wala na ngang tricycle, nawala pa ang wallet niya. Pakiramdam ni Anael ay ito na ang pinakamalas na araw sa tanang buhay niya.

Nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong hininga. Wala na rin naman siyang magagawa dahil wala na. Magsasayang lang siya ng oras kung hahanpin pa niya 'yon o iiyakan. Bagsak ang balikat niya nang ipagpatuloy ang paglalakad. Kung minsan ay sinisipa niya ang batong nadadaanan niya.

Kahit na nakakatakot ang dinaraanan ay panatag pa rin si Anael dahil may mga poste naman at bahay, iyon nga lang, masyadong madilim ang lugar kahit na may poste. Kumbaga hindi sapat ang binibigay na liwanag ng mga poste na 'yon.

Nasa kalagitnana ng paglalakad si Anael nang biglang lumakas ang hangin. Napayakap siya sa sarili. Kahit na may kakapalan ang tela ng unipormeng suot ay ramdam na ramdam pa rin ni Anael ang lamig ng hangin. Yakap niya ang sarili habang tinatahak ang daan papunta sa kanila.

Tuluyang napahinto si Anael nang makarinig ng kaluskos mula sa kaniyang likuran. Napahawak siya sa strap ng bag niya.

"Ano 'yon?" Ani sa sarili. Umaasa siya ng wala lang 'yon, na ang ingay na 'yon ay mula sa mga dahong nasa sahig. Ngunit hindi, sigurado si Anael na mahihinang yabag ng paa ang ingay na narinig.

Humugot ng lakas ng loob si Anael na ipagpatuloy ang paglalakad. Binubundol na siya ng kaba at nanghihina ang mga paa niya. Natatakot siya na anumang oras ay tuluyan na siyang manghina. Pinapakiramdaman niya ang kung ano man na naka sunod sa kanya. Sa hindi malamang dahilan, tila ba hindi 'yon tao. Hindi tao ang sumusunod sa kaniya.

Malalaking hakbang ang ginawa niya. Gusto niyang tumakbo ngunit masyadong nanginginig ang katawan niya, isa pa natatakot siya. Gusto niya itong lingunin ngunit natatakot siya. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Mas lalo ring humigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng bag niya.

Muli ay umihip ang malakas na hangin, kasabay nito ay ang paglakas ng kaluskos mula sa likuran niya. Anael didn't waste a second at agad itong nilingon. Hindi siya makapaniwala sa nakita. She wants to laugh and slapped herself for being scared. What she saw is a cat, yes it's a cat who's following him. Natawa na lang siya.

Akmang lalapitan niya sana ang pusa nang makarinig ulit siya ng kung anong kaluskos mula sa magubat na parte ng dinaraanan niya, sa kabilang kalsada. Tiningnan niya ang gawing 'yon.

Pinakatitigan niya ng maigi ang kabilang kalsada- sa kagubatan. She even took two steps forward to look at it. Sa pagkurap niya ay ang siya ring pagsulpot ng dalawang bilog na kakulay ng dugo. She gasped with terror. Hindi lang basta bilog ang kulay pulang bagay na 'yon- sigurado siya na mata ang kulang pulang iyon.

She's looking at those red glowing eyes who's also looking at her direction. She froze. Mas lalong nanginig ang katawan ni Anael sa kaniyang nakita.

Anael used all of her remaining strenght to avoid it. Ilang beses siyang huminga ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. Nang magkaroon ng lakas ng loob na lumakad palayo ay kaagad niya 'yong ginawa na tila ba walang nangyari. Her face shows that she didn't see anything but her mind and heart is now filled with fear.

What was that? What's with those eyes? Bakit parang hindi basta-bastang hayop ang nagmamay-ari ng mga mata na 'yon?

Mas binilisan ni Anael ang paglalakad. Palihim ding humigpit ang pagkakayakap niya sa sarili nang muling umihip ang malakas na hangin. Her hair danced with the wind, while her body is now shivering.

Napamura siya sa isip nang makarinig ulit ng kaluskos mula sa kagubatan, na para bang may tumatakbo sa kagubatan na siyang lumilikha ng ingay. Muling naibaling ni Anael ang tingin sa kabilang kalsada.

Tila napako ulit siya sa kaniyang kinatatayuan nang makita ang isang bulto ng kung ano na tumatakbo palabas sa kagubatan. Madilim sa parte na 'yon kaya hindi niya matiyak kung ang bulto ba na 'yon ay isang tao o hayop. Ngunit masyadong malaki ang bulto na 'yon para sa isang hayop.

Doble ang takot at kaba na nararamdaman ni Anael sa mga oras na 'to.

Napasinghap siya nang magtama ang tingin nilang dalawa. Hindi na magawang iwasan ni Anael ang kulay pulang mata na nakatingin ng matalim sa kaniya. Para bang hinihigop nito ang kaluluwa niya, it feels like she's being hypnotized.

She can't feel anything, she can't move her limbs, and her mind went blank. Those red eyes, she can see emotions in those eyes. Hindi namalayan ni Anael na unti-unti na palang lumalabo ang paningin niya.

"W-who are you?" Wala sa sarili niyang sabi.

Bago pa man tuluyang dumilim ang paningin ni Anael at ang tuluyang paglabas ng bulto na 'yon sa kagubatan ay nakarinig siya ng malakas na alulong. She came back to her senses when she hear that howl.

Napahawak siya sa ulo nang pumintig ito. Sobrang sakit ng ulo niya pero hindi na niya muna ito ininda at tuluyan ng tumakbo.

She looked back at the forest and there she finally saw who's the owner of those red glowing eyes- a Wolf.

Mas lalong binilisan ni Anael ang takbo.

"Oh shit!" She cursed when her bag fell on the cold and dirty road.

Akmang pupulutin niya sana 'to nang makarinig ulit ng pag-alulong. Mabilis niyang tiningnan ang lobo na nakatingin pa rin sa gawi niya. She thought that it was that Wolf who let out a loud howl, ngunit hindi. Tahimik lang ang lobo na 'yon.

"Please, don't eat me. I'm not delicious. Buto buto lang ako, wala kang mapapakinabangan sa akin!" Desperada niyang pagmamakaawa, umaasa na sana ay huwag tumakbo o sumunod sa kaniya ang lobo na 'yon.

The Wolf growled at her and that made Anael run because of fear- leaving her bag.

Hindi alam ni Anael na sa pagtakbo niyang muli ay nakasunod pa rin ng tingin ang lobo na 'yon, pinagmamasdan ang bawat kilos niya.

Chained to the AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon