CHAPTER 2

2.8K 92 3
                                    

Nang makuha ni Rare ang ibon ay inalagaan niya ito ng sobra. Nawalan ng tiyansang maibalik ni Rare ang ibon kay Shannon dahil hindi na sila muling nagkita pa hanggang sa tumanda at mamatay ang ibon. Lubos na nasaktan si Rare at doon niya unang naramdaman kung gaano kasakit kapag nawala ang pinaka iniingatan at pinapahalagahan niya sa buhay. Habang siya ay nasa kuwarto ay nakita niya ang kanyang larawan kasama ang mga kaibigan niya. Iisa Lang ang nasa isipan niya, hindi matutulad sa ibon ang kanyang mga kaibigan, hindi maaaring mawala ang pagkakaibigan nila dahil sila ay kasama sa mga iniingatan niya sa buhay.

Nang mamatay ang ibon, gumawa siya ng paraan para ma-preserve ito. Inilagay niya iyon sa kanyang kuwarto, ang ibon ay para bang buhay na buhay sa loob ng isang kahon na gawa sa salamin.

Habang nakasakay sa sasakyan ay may nadaanan siyang pamilyar na mukha.

"Stop!"

Huminto ang sasakyan at agad siyang lumabas. Nakita niya ang isang batang nakauniporme. Tumigil siya sa paglalakad at pinagmamasdan ang batang babae habang nakikipagharutan sa kanyang mga babaeng kamag-aral.

Maitim at mahaba ang buhok ni Shannon at nakasupil, hindi tulad noon na maiksi lang ang kanyang buhok at may bangs pa. Hindi aakalain ni Rare na ang maliit na bata noon ay may angkin na ganda.

Dahil sa sobrang pakikipagharutan sa mga kaklase, nabunggo ni Shannon si Rare.

"Sorry po."

Palihim niyang tiningnan ang I.D ng batang babae dahil hindi siya nito maalala. 'Shannon B. Pimentel, Grade and Section: IV- Hope. Siya nga si Shannon, bakit hindi na niya ako maalala?'

Hindi maintindihan ni Rare kung bakit hindi siya maalala ni Shannon. Apat na taon na ang lumipas noong una silang magkakilala at limang taon pa lang noon ang batang si Shannon, saglit lamang sila nagkausap at nagkakilala natural lang na hindi siya maalala ng bata. Ngunit unang tingin pa lamang ni Rare ay alam na niyang ang batang babaeng nasa kanyang harapan ay ang batang may hawak na ibon noon. Labing-apat na taong gulang na ngayon si Rare at sampung taon siya noong una niyang makilala si Shannon, kahit na lumipas ang panahon mabilis niyang nakilala si Shannon.

"Okay lang, mag-ingat ka sa susunod"

"Okay po."

Muling naglakad si Shannon paalis kasama ang kanyang mga kamag-aral at siya ay napako sa kanyang kinatatayuan. Nagagalit siya sa batang babae kaya naman parang pinagsakluban siya ng langit at lupa habang papasok sa kotse. Paulit-ulit na rumerehistro sa kanyang isipan ang itsura kanina ni Shannon.

Nagwala siya sa kanyang kuwarto, binasag ang kahong gawa sa salamin at itinapon ang ibon. Hindi siya nakuntento at mabigat pa rin ang kanyang kalooban. Lumabas siya sa kuwarto at ang kasama lang niya sa bahay ay ang anim na katulong. Wala ang kanyang ama at mga tauhan nito. Hindi na siya pinaghihigpitan ng kanyang ama dahil nakikita nila na gumagaling na si Rare, sa loob ng isang taon tanging isang isda lang ang kanyang napatay.

Nang makalabas si Rare sa kuwarto ay pumunta siya sa likod ng kanilang tahanan. Nakita niya ang isang malaking bakal na maso, kinuha niya iyon at pumasok sa loob ng bahay. Isinara niya lahat ng pintuan miski ang mga bintana. Ang isang katulong ay naglilinis ng banyo, ang dalawa ay nasa kusina at ang tatlo ay naglilinis ng ng mga kuwarto. Unang pinuntahan ni Rare ay ang banyo, nakatalikod ang isang katulong habang naglilinis ng inidoro. Dahan-dahan siyang nalakad at hindi siya napakiramdaman ng katulong. Inangat niya ang maso tiyaka ipinukpok sa ulo ng kanilang katulong. Walang narinig na sigaw mula sa banyo, nagtalsikan ang dugo at namantsahan ang kanyang damit. Humandusay sa sahig ang kanilang katulong. Isinara niya ang pinto, sa bandang ibaba ng pintuan ay nakita niya ang muriatic acid. Hindi alintana ni Rare ang dugo at itinihaya tiyaka hinubaran niya ang katulong. Tinuluan niya ng muriatic acid mula sa mukha hanggang sa paa ang katulong. Hindi makilala ang katawan ng kaawa-awang katulong parang isang plastik na nalusaw ang balat nito. Bawat balat na nakikita niyang nasusunog ay nagpapagaan sa kanyang nararamdaman. Nang maubos ang isang boteng muriatic acid ay lumbas siya sa banyo, kahit hirap sa paghinga ay patuloy pa rin siya sa paglakad buhat-buhat ang isang bakal na maso habang may tumutulong dugo sa ilalim nito.

Naglakad siya papunta sa guest room at kumatok sa pinto. Napangiti siya nang makita niyang bumubukas ang pintuan at nang makita siya ng katulong ay huli na ang lahat dahil pinukpok niya ang ulo nito gamit ang maso. Humandusay ang babae tiyaka siya pumasok sa loob. Inilapag niya ang maso sa kama at hinatak papasok sa loob ang katulong.  Nang silipin ng isang katulong kung saan galing ang tunog ay sakto namang pagsara ng pinto. Nag-iwan ng mantsa ang dugo na mula sa ulo ng kanilang katulong sa sahig. Ang mantsang dugo na mula sa pintuan ay umabot hanggang sa tabi ng kama. Doon niya pinukpok ng maso ang mukha ng katulong hanggang maging plat ito. Ang mga mata ay nalapirot ganoon rin ang ilong. Ang utak ng katulong ay lumabas sa tainga at nagkalat sa sahig. Nang matapos siya ay nawala ang bigat sa kanyang dibdib, hindi niya pinansin ang ilang parte ng utak na tumalamsik sa kanyang mukha at siya ay napahagikgik.

Sinunod niyang patayin ang dalawa pang katulong, ang isa ay naglilinis ng kuwarto ng kanyang ama at ang isa ay nilinis ang kalat sa kanyang kuwarto. Pinukpok niya ang mukha ng dalawa hangaang sa hindi na sila makilala. Samantalang ang dalawang katulong sa kusina ay walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanilang kasamahan.

Iniwan ni Rare ang maso sa katulong na pinatay niya sa kanyang kuwarto tiyaka pumunta sa kusina. Dahan-dahan siyang naglakad at kinuha ang kutsilyo sa gilid ng lamesa katabi ng mga nahiwang gulay. Ang isang katulong ay naghuhugas ng mga nagamit na mga lagayan ng nalutong pagkain samantalang ang isa ay nakatalikod habang hinahalo ang nilulutong tinola. Inundayan niya ng tatlong saksak sa tagiliran ang ang naghuhugas sa lababo at nang napatingin ang nagluluto ay sinaksak niya ito sa leeg. Napuno ng sigaw ang kusina at ito'y naging isang musika sa kaniyang tainga hanggang sa mawalan ng  malay ang dalawang katulong. Napatingin siya sa kumukulong tinola at siya ay napangiti.

Ilang minuto ang nakalipas at nasira ang pintuan ng kanilang bahay, pumasok ang kanyang ama kasama ang isang matandang lalaki at mga tauhan nila. Nagulantang ang lahat dahil amoy ang natuyong dugo sa buong bahay at naamoy din nila ang ulam na tinola. Napakunot ang noo ng ama ni Rare at pumunta sila sa kusina, nakita nila sa lamesa ang mga nakahaing pagkain at si Rare na nakaupo sa upuan.

"Let's eat dad."

Lumapit ang ama ni Rare at nakita niya ang tinolang nakahain sa lamesa. Pinagmasdan ng ama ni Rare ang manok at sayote na sahog ng tinola ngunit may hindi pamilyar na parte ng karne ang nakalutang, sinandok ito ng tauhan nila. Nagulantang ang lahat dahil ang karneng iyon ay isang hintuturo. Naglakad ang ama ni Rare hanggang makita niyang nakahandusay sa sahig ang dalawa nilang katulong at wala na itong daliri sa kamay at pugot ang ulo. Nagsikilos ang lahat ng tauhan at hinawakan nila si Rare tiyaka iginapos.

Hindi kinaya ng ama ni Rare ang kanyang nasaksihan kaya naman naduwal siya ganoon rin ang ilang mga tauhan.

"Clean them all."

"Yes, Sir!"

Ang ibang tauhan na matatag ang sikmura ay mabilis na kumilos at kinuha nila ang lahat ng bangkay.

"Mr. Frisch, your child is interesting."

"Sir Jones, he is sick. I hope this scene will leave behind our door."

Ang matanda ay ang nag-iisang kapatid ng lolo ni Blue.

"No worries, infact I want your child to be part of our organization. I will be responsible for everything and you don't need to worry about each person that he will kill."

"But... "

"I will agree to our transaction if you let me handle your child."

Napaisip ang ama ni Rare dahil hindi biro ang transaksyon na iyon. Kailangan nila ng pera upang maisalba ang negosyo ng kanilang pamilya. Huminga ng malalim ang ama ni Rare tiyaka tumango.

"Okay Mr. Jones, I hope our partnership will be fruitfull."

"Good."

Inutusan ng matanda ang kanyang tauhan at pilit isinkay si Rare sa loob ng isang Van. Simula noon, naging parte na si Rare ng kanilang organisayon.

Fucker Series #5: RARE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon