CHAPTER 23

1.9K 89 4
                                    

Napapikit si Shannon sa narinig.

'Ang importante ay buhay si Rare.'

"Salamat po dok."

"Maghintay na lang kayo ng ilang minuto dahil ililipat na siya sa magiging kuwarto niya. Kada apat na oras, may nars na titingin sa kalagayan ni Mr. Frisch. Sa ngayon ay walang malay si Mr. Frisch at magigising siya matapos ang isang linggo."

"Sige po dok."

"Shannon"

"Tumingin si Shannon kay Phoebe at nakita niyang namumutla ito."

Agad hinawakan ni Hunter ang kaniyang balikat at inutusan si Fin.

"Fin, tumawag ka ng nars... Dok, dinudugo po siya."

Napatingin ang doktor sa hita ni Shannon at malinaw ang dugong umaagos pababa sa kaniyang binti.

Dumating ang mga nars dala ang stretcher at inihiga doon si Shannon.

"Tumawag kayo ng gynecologist!"

Tumakbo ang nars na babae at sinunod ang inutos ng doktor.

"Mrs. Frisch, maghintay lang po kayo ng gynecologist. Hindi ko po kayo matitingnan dahil hindi ko po linya ang nangyayari sa inyo ngayon."

"Sige, salamat"

Dumating ang gynecologist at madali siyang tiningnan. Kinakabahan si Shannon at naalala niya na nagtalik sila ni Rare.

'Shit! Huwag naman sana.'

"Dok, bumababa ang counting ng RBC"

"Masyadong maraming dugo ang nawala sa kaniya, i-test mo para masalinan si Mrs. Frisch"

"Sige po."

Nahihilo si Shannon ngunit pinilit niyang manatiling gising.

"Dok, ano pong nangyari?"

"Huwag kang mag-alala. Normal ang lahat puwera lang sa dami ng dugong nawala sa'yo. You're in your period, dahil sa stress kaya at Anemic kaya sumobra ang dami ng dugong lumalabas sa'yo. Mag-iingat ka sa susunod, hangga't maaari kumain ka ng mga pagkaing masustansya sa iron. Huwag mong kakaligtaang uminom ng mga irereseta kong gamot."

"Sige po, salamat."

Nang masalinan ng dugo si Shannon ay agad na nagkaroon ng buhay ang kaniyang mukha. Ngayon ay nasa iisang kuwarto sila ni Rare at itinabi ang kaniyang kama sa hinihigaab nito. Napailing si Shannon dahil parehas sila ngayong nakaratay sa ospital.

"Madam."

"Phoebe, Fin at Arthur, huwag kayong mag-alala. Maayos na ako at wala namang masamang nangyari"

"Bakit ka dinugo?"

"Phoebe may dalaw kasi ako ngayon"

Ang pag-aalala sa mukha ng tatlo ay napalitan ng hagalpakan.

"Nag-alala talaga ako! May regla ka lang pala madam!"

Fucker Series #5: RARE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon