EPILOGUE

4.5K 132 22
                                    

'A loving and perfect family that I never have is now in my hands'

-Rare

***************

"Momma, alis?"

"Thor, sasaglit lang tayo sa Gem's Clothing Line para kuhanin ang mga damit na pinasadya namin ng daddy mo."

"Momma, hungry"

"Troy, bigyan mo ng biskwit si Thor diyan sa may gilid."

"Okay"

Kinuha ni Troy ang pagkain tiyaka ito binalatan at ibinigay sa bunsong kapatid. Si Troy ay labintatlong taong gulang na samantalang si Thor naman ay dalawang taong gulang pa lang.

Hindi akalain ni Shannon na sa loob ng limang taon nilang mag-asawa ni Rare ay tatlong beses siyang nagsingalang ng sanggol. Napag-usapan ng mga asawa ng mga Fuckers ang patungkol sa ganitong bagay ngunit lahat sila ay napapangiwi dahil nag-uunahan sila sa padamihan ng anak.

Apat na ang anak nila ni Rare at ayaw na niya itong sundan kaya ang kanyang polisiya sa tuwing sasabak sa gera ay 'no condom, no entry'. Sa una'y nangangapa silang dalawa at madalas ay nakakalimot buti't walang nabuo dahil hindi na niya alam kung paanong ire ang gagawin niya.

Ang mga anak nila ay sina Trixie Ysabelle S. Frisch "Troy" (13), Therese Faith S. Frisch "Tere" (4), Timothy S. Frisch "Tim" (3), at Theodore S. Frisch "Thor"(2).

Mahirap ang buhay bilang isang fulltime housewife na minsa'y nagiging lider ng sindikato lalo na kung nasa malayo si Rare at nakikipagkonekta sa iba pang masamang loob. Alam ni Shannon na hindi maaaring umalis si Rare sa organisasyon lalo na't buwagin ito kaya hinayaan niya ang kanyang asawa at sinuportahan sa mga plano nito sa buhay.

Nakapag desisyon siya na itago ang lahat sa mga bata at sasabihin lang nila ito kung marunong nang umunawa ang kanilang mga anak upang maintindihan ang sitwasyon na mayroon ang kanilang pamilya.

"Nandito na tayo"

Pinarada ni Shannon ang sasakyan at lumabas ng kotse, binuhat naman ni Troy ang kaniyang kapatid papalabas ng sasakyan. Nang maisaayos na ni Shannon ang lahat ay kinuha niya si Thor mula sa kamay ni Troy at binuhat ito papasok sa Gem's Clothing Line.

*************

"Daddy, where's mommy and ate?"

"Tere, umalis lang sila saglit at kukuhanin ang mga susuotin natin mamaya."

"Okay—"

Nahinto si Rare sa pagbo-blower nang buhok ng kaniyang anak dahil nakarinig sila ng malakas na kalabog. Sumakit ang ulo ni Rare at  napakagad sa kanyang labi.

'Anak ko ba talaga 'to? Napaka kulit! Hindi naman ganito sina Troy at Tere.'

"Timothy Frisch!"

Dumagundong ang boses ni Rare, agad nanigas sa kinatatayuan si Tim kasabay ng paglunok.

Nang pumunta sa sala sina Rare at Tere ay nakita nila na butas ang bintana gayundin ang mamahaling porselanang paso na iniregalo ni Rare kay Shannon noong nakaraang taon. Halos maubusan ng pera si Rare sa awksyon mabili lang ang paso na iyon ngunit ngayon ay basag na ito at nakakalat sa sahig. Kasabay nang pagkabasag ng paso na iyon ang bulsa ni Rare.

Fucker Series #5: RARE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon