CHAPTER 13

1.9K 80 17
                                    

"Madam, hindi po makakarating ngayon si boss. Ako na po ang maghahatid sa'yo"

Napansin ni Fin na biglang naging malungkot ang mga mata ni Shannon.

"Ah, sige"

Ngumiti si Fin at hindi niya maiwasang mamangha sa kagandahan ni Shannon.

'Magaling talagang mamili si boss.'

Nang makarating si Shannon sa party ay agad na inutusan ni Fin si Berto na bantayan ito dahil kailangan niyang bumalik sa head quarters ng Murder Corporation.

Pagkarating ni Fin, tumambad sa kanya ang mga tauhan na nagtatago at halos mamuti ang mga mukha nito. Agad siyang sinenyasan ng isa sa mga tauhan ng Murder Corporation na magtago, kaya tumabi siya sa nagtatagong si Bogart.

"Anong nangyari?"

"Yari tayo."

"Bakit? Diba pinakuha ko kayo ng mga taong puwedeng patayin?"

"Fin, dalawampu na ang kinuha namin at hindi 'yon sapat. Wala kaming hawak na pampakalma, naglalaro si boss. Ang mahuli niya mamamatay"

"Ano! Nasaan siya ngayon?"

"Nasa itaas, huwag ka ng pumunta."

Inilabas ni Fin ang isang injection tiyaka ngumiti kay Bogart.

"Bogs, magpapain ka."

"Ayoko! Si Roko na lang."

Tumingin si Fin kay Roko at agad itong umiling. Di hamak na mas magaling si Bogart kaysa kay Roko kaya mas tiwala si Fin na hindi ito mamamatay kung sakali mang targetin ito ni Rare.

"Mamili ka, magpapapain ka o papatayin kita."

"Sir Fin! Tsk.... Sige na nga. Haist!"

Agad na naglakad si Fin kasama si Bogart. Nakita nila si Rare na nakaupo sa shivel chair sa kaniyang opisina. Agad na nagtago si Fin sa isang tabi. Sinenyasan niya si Bogart na magsalita.

"S-sir"

Tumingin si Rare sa kaniya habang nakangiti.

"Bogart, ikaw pala."

"Ah, sir..."

Hindi natuloy ni Bogart ang sasabihin nang makita niyang binunot ni Rare ang baril nito.

"Bogart, gusto kong dalhin mo dito si Fin."

"Boss? Bakit po?"

Si Fin ay agad na kinabahan. Wala siyang alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng kaniyang boss.

"Lumapit ka nga dito! Bakit ka ba nasa pintuan? Paano tayo mag-uusap ng maayos?"

'Jusmiyo... Ano bang maayos sa sasabihin mo boss? Baka 'di ka magsalita at patayin mo na lang ako bigla.... Haist!'

Masamang tingin ang ibinato ni Bogart sa walanghiyang si Fin.

'Kung hindi lang mas mataas ang ranggo mo sa'kin ipapalapa talaga kita kay Macy!'

Fucker Series #5: RARE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon